Chapter 19

15.4K 330 19
                                    

Chapter 19

Renesmee's Point of View

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nang napatingin ako sa orasan, mag-aala-sais na pala. Halos magdamag na pala akong gising.

Nagpatuloy ang marahan na katok sa pinto at sa di malamang dahilan ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa ako handing harapin siya. Ugh. Bakit ba ako itong nahihiyang harapin siya? Hindi ba dapat siya itong walang mukhang ihaharap sa akin dahil sa ginawa niya?!

Padabog akong bumangon sa kama ko at pumunta sa tapat ng pintuan. Bakit parang kinakabahan akong makita si Kyo matapos niya akong halikan kagabi?

Hahawakan ko na sana ang door knob pero nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan at isang matandang lalaki ang bumungad sa akin.

"Young lady," bati niya at saka yumuko. "Mukhang may iba kayong ine-expect," saad niya nang mapansin ang reaksyon ko.

Matagal akong napatulala bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"M-Mr. Art.... B-bumalik ka na pala."

☆☆☆

Nang dumating ako sa school, pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko. Oo, alam ko na kung bakit agaw eksena na naman ako. Ang dami ko na namang bantay. Bumalik na naman ang seven loyal personal bodyguards ko. Ugh. Nagmumukha na naman akong kriminal na bantay sarado.

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin sila. "Young lady, may problema ho ba?" tanong ng isa sa kanila.

Ayan na naman ang pagiging formal nilang magsalita. Wala na 'yung bastos, barumbado at daig pa ang amo kung makautos na lalaking 'yun.

"Nasaan ba si Kyo?" wala sa sariling naitanong ko.

"Bakit mo siya hinahanap?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Sol. Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko at halos mapanganga ako nang makita ko siya.

"P-Pandak." Kinakabahang tawag ko sa kanya. "Ano kasi—" Magsasalita sana ako upang magpaliwanag pero laking gulat ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at idinikit niya ang labi niya sa labi ko.


Tila naging kulay puti ang paligid ko dahil sa mga flash ng mga camera na kumukuha ng litrato naming dalawa. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya inihiwalay ang labi niya sa akin. Halos mapaupo ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang paghalik niyang iyon. Para akong aatakihin sa puso, sobrang bilis ng tibok nito.

"S-Sol..." nanghihinang tawag ko dahil sa ginawa niya. Para akong nawalan ng lakas dahil sa halik niyang iyon.

"I see. Hindi mo pala talaga mapipigilan kapag bigla na lang may hahalik sayo," bulong niya.

I froze nang marinig ko ang sinabi niya. Posible kayang...

"Don't worry, I'm not gonna blame you for how hurt I am right now," nakangiting saad niya.

"S-Sol..."

Posible ba talaga?

Ngumiti siya ng pilit at saka dahan-dahang umatras. Halos hindi ako makahinga habang pinapanuod ko siyang umalis sa harapan ko.

"Sol..." mahinang tawag ko sa kanya kahit na alam kong hindi na niya ako maririnig pa.

Unti-unti ay nagsi-alisan na rin ang mga tao habang ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatulala dahil sa ginawa niya. Nakakatawa. Anong ibig sabihin ng halik na iyon? Matapos niya akong halikan sa harapan ng napakaraming tao ay iiwan na lang niya ako ng ganoon? Anong ibigsabihin noon?

"Ren!"

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon