Chapter 27

13.9K 323 14
                                    

Chapter 27

Unti-unti kong naramdaman ang pananakit ng mga binti pati na rin ng aking mga braso. Napaungol na lang ako dahil sa sobrang sakit.

"Masakit ba?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga. "A-anong ginagawa ko rito?" bulalas ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Madilim subalit bahagya ko pa ring naaninag ang taong nakatayo sa harapan ko.

"Pinakidnap mo ako? Nasaan si Kyo?!" galit na tanong ko.

Ngumiti muna siya nang nakakainsulto bago lumapit sa akin. "Pinakidnap? Pwede na rin," sagot niya.

"Walangya ka talaga!" sigaw ko. Tinangka kong tumayo para saktan siya subalit hindi ko nagawa dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

"Hindi ka makatayo? Aw! Hindi ka kasi nag-iingat eh," saad niya. Lumapit siya lalo sa akin at tinapakan ang paa ko.

"Ugh!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. "Hayop ka talaga, Paula! Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko.

Mas lalo pa akong napasigaw ako nang lalo pa niyang diniinan ang pagtapak sa paa ko.

"Tama na!" sigaw ko.

"Masakit? Mas doble pa ang sakit na mararamdaman mo!" pananakot niya.

"Baliw ka na talaga. Pwede ba?! Tigilan mo na ko!"

Umupo siya sa harapan ko. "Sabi ko naman sayo di ba, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang kaligayahan mo."

Nang makakuha ako ng tyempo ay agad ko siyang hinila at pinagsasabunutan.

"Ouch! F*ck! Take this woman away from me! Ano ba?! Bilis! Aaaah!"

Naramdaman kong may humila sa akin palayo sa kanya at itinulak ako sa may pader dahilan para mapadapa ako.

"Ano, Renesmee? Masakit? Pero ang sabi nila, wala nang mas sasakit pa sa sugatang puso. Pwedeng patunayan mo? Masakit ba, Renesmee?" mapang-asar niyang tanong.

Hirap na hirap akong tumingin sa kanya. "Masakit? Why don't you ask yourself? Hindi ba forever alone ka? Anong feeling ng hindi ka mahal ng kakambal ko habang ikaw naman itong nagpapakadesperada sa kanya?" tanong ko. Halatang nainsulto siya sa sinabi ko.

"Bring her out!" bulalas niya.

Nagulat ako nang buksan ng isa sa kanyang mga tauhan ang isang sira-sirang pintuan.

"Let go of me!" sigaw ng babaeng bitbit ng mga tauhan ni Paula.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya.

"Anong...anong ginawa mo sa kanya?!" galit na sigaw ko.

"Wala pa sa ngayon. Pero nakadepende sayo ang gagawin ko sa kanya," mabilis na sagot ni Paula.

"What?!" tanong ko.

Hindi na siya sumagot. Dinala ng kanyang mga tauhan si Aliyah sa tabi niya. Nakita kong naka-hospital gown pa ito at namumutla pa ang kanyang mukha. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover mula sa suicide attempt na ginawa niya.

"Baliw ka na talaga, Paula! Alam mong hindi pa siya nakaka-recover pero pati siya idinamay mo pa! Nababaliw ka na!" galit na galit na sigaw ko. Sa kabila nito ay wala pa rin akong magawa.

Ngumiti siya nang nakakainsulto. "Baliw? Oo! Siguro nga baliw na 'ko! Nabaliw na ako sa inggit sayo!"

"What?!" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon