Chapter 29

16.3K 297 11
                                    

Chapter 29

Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa gitna ng concert room papunta sa stage.

"Thank God dumating ka! Akala ko ay hindi ka na makakapunta eh," bungad ni Mr. Park at saka lumapit sa akin. "Ang lakas ng ulan pero pinapunta kita. Pasensiya ka na, huh? Kailangan lang talaga kita para i-finalize 'yung gagawin natin next week sa concert," paliwanag niya.

Ngumiti ako sa kanya subalit hindi iyon tunay na ngiti. Napatingin ako sa stage. Puro staff lang ng Music Club ang nandoon. Nakumbinsi niya akong pumunta dahil sinabi niya sa akin na wala ang Four Kings at si Aliyah. Tanging ang pamilya ko at ang pamilya ng mga taong nadamay sa nangyari ang nakakaalam ng lahat.

Napabuntong hininga ako at muling ngumiti kay Mr. Park. "Ano po bang magagawa ko para sa inyo?" tanong ko.

"Nagulat kasi ako sa text mo kanina na ayaw mo nang sumali sa concert. Bakit? May problema ba?" tanong niya.

Ngumiti ako nang pilit. "Wala po. Tinatamad lang ako," matipid na sagot ko.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Sa lahat ng mga nangyari, tinatamad ka lang?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alien girl..."

Pakiramdam ko ay biglang huminto sa pag-ikot ang aking mundo nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at hindi gumagalaw. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paglapit. Dahil dito'y hindi ko na malaman kung ano ang aking gagawin.

Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang paghawak sa balikat ko. Napapikit ako bago dahan-dahang humarap sa kanya.

"Hi!" nakangiting bati ko sa kanya.

☆☆☆

"How are you?" tanong niya habang nakaupo sa tabi ko.

Nakaupo kami sa park kung saan kami nagpunta noong araw na dapat sana'y aalis ako.

"Well, I'm happy. Just so you know," madiin na sagot ko.

Tumango-tango siya.

"Ikaw?" tanong ko. Sa paraan ng aking pagsasalita, ipinakita kong hindi ako interesadong makausap siya. Pero sa totoo lang, dahil sa kanyang presensya, ang saya-saya ng pakiramdam ko. Gusto kong magsalita siya nang magsalita. Hindi ako magsasawang pakinggan nang paulit-ulit ang kanyaang boses.

"Ako? Makita lang ulit kita ngayon, masayang-masaya na rin ako."

Agad akong napatayo sa naging sagot niya. Ipinikit ko ang aking mga mata upang pilit na pililan ang aking pagluha.

"I think I should go."

Tumayo rin siya at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman iyong hinila palayo sa kanya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang harapin siya.

"Sol..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Pinagmasdan ko ang nangayayat niyang mukha.

"Alam mong sa buhay natin, walang permanente. Kahit pati sa damdamin, lahat nagbabago," saad ko.

Tiningnan niya 'kong mabuti. "Nagbago na ba ang nararamdaman mo para sa akin?" tanong niya.

Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko ay nadudurog na ang aking puso.

"Sol, it's just that...I don't want you anymore. I don't want to see you. I don't want to be with you anymore."

Napatitig siya sa akin nang matagal. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya nang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanatili naman siyang tahimik at hindi kumikibo.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon