Chapter 18
Renesmee Marie's Point of View
Nakakasilaw na liwanag mula sa tirik na araw ang tumama sa mga mata at gumising sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang sakit.
"Hangover."
Gulat akong napaharap sa likuran ko.
"Kyo?" nagtatakang saad ko nang makita ko siyang nakaupo sa upuang malapit sa may pintuan. Nakatingin lang siya sa akin habang blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka niya ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Sandali siyang huminto sa pagbabasa at muli siyang tumingin sa akin.
"Binabantayan ka," napakakalmadong sagot niya.
"Bakit mo naman ako babantayan?"
"Simple lang. Dahil iyon ang trabaho ko," mabilis niyang sagot. Oo nga pala. Bodyguard ko nga pala siya.I looked around to check kung asan ako at agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na kwarto ko ito sa palasyo.
"Teka?! Kailan pa ako nakauwi dito?!" gulat na gulat na tanong ko.
"Sigurado kang hindi mo alam?" napakasarkastikong tanong niya.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at inikot ko ang tingin sa buong kwarto. Tama nga, nasa palasyo na ako. Pero paano ako nakauwi dito? Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko ay nasa resort pa ako kagabi. Oo, naalala ko pa, pinilit pa akong painumin ng Mean Girls kagabi at.. At nakasama ko pa si Sol! Tama. Kasama ko pa siya kagabi!
"Nasaan si Pandak?" tanong ko kay Kyo.
"Nandito na nga ako pero iba pa rin hinahanap mo," bulong niya.
"Ano 'yon?" tanong ko dahil hindi ko masyadong maintindihan ang bulong niya.
Bago sumagot ay napahawak muna siya sa batok niya. "Ang sabi ko, hindi ako hanapan ng nawawalang aso," naiiritang sagot niya.
"Hindi aso ang boyfriend ko, Kyo," pagtatanggol ko.
"Oh, boyfriend mo nga pala. Okay, then let me just clarify na ang trabaho ko lang ay ang bantayan ka at panatilihin ang kaligtasan mo. Hindi ako hanapan ng nawawalang hindi importanteng tao," halatang naiinis na siya.Napakunot na lang ang noo ko. "Importanteng tao siya. Importante siya sa akin." pagkasabi ko noon ay nilagpasan ko na siya palabas ng kwarto. Pero natigilan ako nang narinig kong bumulong siya.
"Sana kahit kaunti ay nagkaroon din ako ng importansya sa'yo."
Agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko makuhang magsalita. Napabuntong hininga na lang ako at umastang walang narinig. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at mabilis na bumaba sa paikot at mataas naming kulay gintong hagdan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa palasyo na ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ako nakauwi dito... kung nasaan si Sol.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng hagdan nang maramdaman ko ang presensya ni Kyo . Hindi ko siya pinansin. Ayaw ko siyang pansinin hindi dahil sa iniinsulto niya si Sol kundi dahil nahihiya ako. Nahihiya ako dahil nung mga panahong nasasaktan ako, siya ang laging nasa tabi ko. At ngayon namang masaya na ako, parang bigla siyang naetchapwera.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa malawak naming sala habang nakasunod naman sa akin si Kyo at ang mga katulong ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang gusto kong masuka.
"Ipaghanda mo ng kapeng puro ang Young Lady."
Napatingin ako kay Kyo nang utusan niya ang isa sa mga katulong ko.
"Aanhin ko ang kape? Tanghali na at ang init-init. Dapat mag juice nalang ako," saad ko.
Tumingin ako sa isa sa mga katulong ko. "Ipagtimpla mo ko ng orange juice," utos ko.
Napasandal ako sa upuan ko at sinubukan kong hilutin ang masakit kong ulo. Ang kasi sakit talaga. Ugh.
"At sa balitang showbiz. Nakabalik na ang sikat na Korean Artists na Four Kings sa Manila[nakabalik na sa Manila o Korea? Or do you meant, nagbalik na mula sa Manila ang Korean artists na Four Kings?] ngayong umaga matapos mabalitang nag-out of town ang mga ito kasama ang kanilang manager para magbaksyon at magpalamig muna sa isang private resort dahil na rin sa pressure ng nalalapit nilang concert sa susunod na linggo."
Mabilis akong napatingin sa television nang marinig ko ang balita.
"Mr. Sol, can we interview you, please?" tanong ng reporter.
Papasok na sana sina Sol at ang mga kasamahan niya sa isang kilalang hotel nang harangin sila ng napakaraming reporters. Halos hindi na sila makaalis dahil sa paniniksik sa kanila.
"How is your relationship with Ms. Aliyah Gilbert? Did you two make things up when you left Manila?" tanong ng reporter.
Halatang natigilan si Sol sa tanong na iyon. Hanggang ngayon...affected pa rin siya. Huminto siya sa pagpupumilit na pag-alis sa mga nagsi-siksikang reporters. Mukhang balak niyang sagutin ang tanong na iyon.
"Mr. Kyo eto na po ang kape na pinapahanda nyo."
Nanatili akong naka-focus sa pinapanuod ko. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Nilapit ng reporter ang microphone kay Sol para sa magiging sagot niya.
"Actually...yes. I was with Renesmee and Aliyah was with Liloree, so I think we're good,l" sagot niya.
May kasunod pang itinanong ang mga reporters pero hindi na niya sinagot pa ito. Tuluyan na silang pumasok sa hotel.
"Psh. So handa niya na talagang i-broadcast ang meron sa inyong dalawa?" kumento ni Kyo.
Inagaw ko ang hawak-hawak niyang inumin at ininom ko iyon. Whew! Napressure ako dun, grabe! Pakiramdam ko ay ako 'yung ini-interview! Pero teka...
"Bakit ang pait?!" napangiwi ako.
"Tama lang 'yan para mawala 'yang hangover mo," paliwanag ni Kyo.
Tiningnan ko ang inuming hawak-hawak ko. Nasaan na 'yung juice na pinatitimpla ko? Bakit kape 'to? Ugh. Tumingin ulit ako kay Kyo at napansin kong umiinom din siya ng kape.
"May hangover ka rin ba?" tanong ko.
Napatingin siya sa kapeng hawak niya at saka ngumiti. "Yung mga may hangover lang ba ang nagkakape?"

BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
RomanceLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...