Chapter 7

19.8K 465 40
                                    

CHAPTER 7

"I'm Mr. Elisson Park. Ipinahanap kita coz I want to talk to you," saad ng baklang nakaupo sa harapan ko. Akward akong tumingin sa kanya. Tumingin din ako kay Sol na nasa harapan ko at pati na rin kina Dae, Victor at Ji. Kasama rin namin siAliyah.

"Ano naman po ang pag-uusapan natin?" Naguguluhang tanong ko.

"I want to include you in our club." Club? Ang Music Club ba ang tinutukoy niya?

"But I don't have any talent, why me?" Nagtatakang sagot ko.

"I don't need your talent. I need your presence." Sagot niya at saka tumingin kina Sol. "May naisip na akong gagawin niyo para sa October. And it is all thanks to Renesmee."

Gulat kong itinuro ang sarili ko. "Ako po?"

Tumingin siya sa akin at saka tumango. "Dahil ikaw ang dahilan ng breakup ni Sol at Aliyah, naisip ko na dahil sayo ay madaming maiintrigang pumunta sa October."

"Teka Mr. Park, ano po ba yang pinagsasabi nyo?" Tanong ni Dae.

"Ganito kasi 'yan, dahil sa alam naman nating lahat na si Sol at Aliyah ay mag-on before, edi maiintriga ang mga fans nila sa magiging papel ni Renesmee sa Musical Play. Dahil doon ay madami ang pupunta sa October. Madaming reporters, madaming usisero at usisera."

"So it was all for the money, huh?" Tanong ni Sol. Tiningnan ko siya at mukhang hindi siya natutuwa sa sinabi nung bakla.

"Yes. And for your career. Hindi ko hahayaan na malaos kayo, mga anak ko na kayo. And wala kayong magagawa sa desisyon ko. My decision is final." Seryosong sagot ni Mr. Park.

Napabuntong hininga silang lahat.

"Eto yung video ng practice niyo. Watch it. And I'm telling you, it was really disappointing. I hope maayos na ang ilangan sa pagitan niyong lahat." Saad niya at ipinatong sa lamesa ang camera.

Tumayo na siya at palabas na sana ng office pero humarap siyang muli sa amin.

"And by the way Renesmee, it may sound foolish but I want you to stay close with Sol. Gusto kong magkaroon ng rumors tungkol sa inyong dalawa para mas lalong dumami ang pupunta sa October. I'll see you guys again next week for the practice." Saad niya at saka isinara ang pinto.

Pagkalabas niya ay naging tahimik kaming anim. Ang awkward. Ugh. Napatingin ako kay Aliyah nang bigla siyang tumayo.

"Even if I look stupid and numb, I know you are all mad. Hey, I want to be close with you guys again. This isn't us. We're all friends here remember? Sana hindi maging dahilan ang breakup namin ni Sol para masira ang friendship natin. Sumama ako sa amusement park para maging okay na tayo pero binalewala niyo pa rin ako. Guys, sana ma-realize nyong sincere ako sa pakikipag-ayos." Saad niya at saka lumabas.

Tumingin naman ako sa kanilang apat, malungkot ang mga mukha nila. Isa-isa silang tumayo at naglabasan, naiwan kaming dalawa ni Sol. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"He said we should stay close." Paliwanag niya kahit wala naman akong sinasabing kahit ano.

☆☆☆

"Sol!" tawag ko sa kanya, pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa paglalakad paalis. Saan naman kaya nagpunta 'yun? Bakit ba kasi ang kulit niya? Sabing hindi ako marunong mag-piano eh! Ayaw naman niyang maniwala. Gusto niya tumugtog ako sa harap niya. Ugh.

Napabuntong hininga ako. Ano bang problema niya? Palagi siyang masungit sa akin. Parati kaming nag-aaway, parati niya kong sinisisi at parati niya kong pinapahamak. Umupo ako sa harap ng piano niya at tiningnan ang mga papel na nasa tabi. Ang dami na pala niyang na-compose, puro pang broken hearted.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon