Chapter 30

35.5K 481 38
                                    

Chapter 30

Ji's Point of View

Agad akong napatakip sa aking tainga pagpasok ko sa club kung saan kasalukuyang nag-iinom si Sol. Iginala ko ang aking paningin. Ano ba kasing naisipan niya at nag-inom siya? Hindi niya ba alam na pwede siyang mapahamak kapag nagka-issue ito.

"Get off me!"

"Ang sungit mo naman!"

Agad akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Nakita ko ang isang lalaking nakasubsob ang ulo sa mahabang mesa ng drinking station. Mabilis ko siyang nilapitan nang makilala ko siya.

"Sol!" tawag ko sa kanya nang makalapit ako.

Tiningnan niya 'ko pero nanatiling nakapatong ang ulo niya sa mesa.

"Akala ko iniwan mo na talaga ako. Buti bumalik ka, Renesmee."

Napatingin ako sa bartender na nakatingin sa amin at pinapanuod kami.

"Kanina pa po siyang ganyan," saad nito kahit hindi pa man ang nagtatanong.

"Halika na. Iuuwi na kita," sambit ko. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit tinabig niya ang kamay ko.

"Nasaan si Renesmee?" tanong niya.

"Umuwi na tayo," saad ko. Sinubukan ko siyang hawakang muli.

"No! Where's Renesmee?!" galit na tanong niya.

Itinayo ko siya at inalalayang lumakad. Kailangan na naming umalis bago pa may makakilala sa amin rito. Nang makalabas na kami at papunta na sana sa aking sasakyan ay itinulak niya ako, dahilan upang mabitawan ko siya.

"I can go home alone," saad niya at saka mag-isang lumakad papunta sa kotse niya.

Agad ko siyang pinigilan. "You can't drive. You're drunk, Sol," pagpigil ko sa kanya.

Tinitigan niya ako at saka siya ngumiti nang mapakla. "I'm fine, Ji," sambit niya.

Lumapit ako sa kanya. "Hindi mo kailangang sabihin sa akin na ayos ka lang dahil hindi iyon ang nakikita ko."

Agad na may tumulong luha mula sa mga mata niya. "Do you exactly know how I feel right now?" nakangiting tanong niya sa kabila ng kanyang pag-iyak.

"There are so many things that I am dying to tell to her but I can't. Because she wanted a new life...and she doesn't want me to become a part of it anymore."

Sinubukan ko siyang alalayan. Kulang na lang ay humagulgol siya sa harapan ko.F*ck it.

"And you know what hurts me the most? It's that I walked away without letting her see all this tears and pain. I showed her that it's okay with me but the truth is, it's not. And it's killing me that she didn't stop me from leaving."

Ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "If you really can't live without her, why did you let her go?" tanong ko.

Tumingin siya nang diretso sa akin. "Because I love her," diretsong sagot niya.

"You let her go because you love her? Lame," komento ko.

Napayuko siya at pinunasan ang basang pisngi niya. "When someone else's happiness is your happiness, that's love, Ji."

Napabuntong hininga ako. "Magiging maayos din ang lahat, Sol. Maybe hindi pa sa ngayon pero darating din 'yun," payo ko.

Matagal siyang nanatiling walang imik hanggang sa seryoso niya akong tiningnan sa mata at binigyan ng pilit na ngiti.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon