Chapter 12

15.2K 444 88
                                    

Chapter 12

"Nandito ka lang pala."

Napatingin kami sa kung sinong nagsalita at nagulat ako nang makita kong nakatayo doon si Kyo. Lumapit siya sa aming dalawa, kaya tumayo kami ni Sol.

"Kanina ka pa hinahanap ng parents mo." Saad niya at tumingin muna siya kay Sol bago tumingin uli sa akin. "Iuuwi na kita."

Hahawakan niya sana ako pero bigla akong hinila ni Sol.

"Wag mo siyang hahawakan."

"Wala kang karapatan na utusan ako."

Hinawakan ako ni Kyo sa kabila kong kamay. "Tara na," yaya niya.

"Bitiwan mo siya."

Hinila akong palayo ni Sol kay Kyo, pero hinila din ako ni Kyo palayo kay Sol. Parang nag-aagawan na naman sila.

"Teka. Nasasaktan ako." Pigil ko sa kanilang dalawa.

Hinila ko ang kamay ko kay Kyo. "Oo na, uuwi na ko. Sasama na ko sayo."

Tumingin ako kay Sol. "I'll go ahead. See you tomorrow," paalam ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin. Dahan-dahang lumuwag ang hawak niya sa kamay ko at saka siya tumango.

Humarap ako kay Kyo. "Tara na."

Tumalikod na kami pareho ni Kyo at naglakad na kami paalis.

"Wait." Pigil ni Sol. Halatang naiinis na si Kyo, his hands are already balled into fist.

Lumingon ako kay Sol. "Bakit?"

Lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niya kong hinawakan sa likod ng bewang at hinila papalapit sa kanya.

"I love you." He said and.. kissed me... right there...in front of Kyo.

☆☆☆

Nang nasa sasakyan na kami ni Kyo ay tahimik pa rin siya at walang imik.

"Kyo, okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Kanina oo, ngayon hindi na."

"Bakit? Ano bang problema?"

Nagulat ako nang inihininto niya ang sasakyan at humarap siya sa akin.

"Anong problema? Tinatanong mo pa ba 'yan?"

"Kyo... B-bakit?"

Nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata niya. Agad niyang iniwas ang mukha niya at pinaandar uli ang sasakyan. Parang bumigat ang nararamdaman ko. Parang ang sikip-sikip ng dibdib ko. Parang bigla akong nahirapang huminga.

Napatingin ako sa labas. "Bakit parang iba yung dinadaanan natin?" Tanong ko.

"It's the long way," sagot niya.

"Long way?"

"Yeah. Yung parati kasi nating dinadaanan, 'yun 'yung short cut. Etong dadaaanan natin ngayon, ito yung long way."

"Eh bakit tayo dito dadaan?"

Biglang bumagal ang takbo ng sasakyan at tumingin siya sakin. "Para mas matagal kitang makakasama." Diretsong sagot niya.

I stared at him for a minute bago nakapag-react. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas. Weird. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napailing ako, nagulat lang siguro ako sa sinabi niya.

"Wait, Kyo. Ihinto mo!" Utos ko.

"Ha? Bakit?" Tanong niya.

"Basta! Ihinto mo!"

Kahit medyo naguguluhan siya ay iginilid niya ang sasakyan. Agad akong bumaba.

"Wow! Did you see that?" Napasigaw ako, naramdaman kong nakatayo na rin siya sa tabi ko.

"It's a meteor shower."

"Grabe ang ganda! First time kong makakita ng ganito! Let's wish, dali!"

Pumikit ako at humiling. Grabe. Hindi ko alam kung paano i-eexplain 'yung saya na nararamdaman ko. Sobrang wow! I can't believe this.

Iminulat kong muli ang mata ko at tiningnan ko si Kyo.

"Nakapag-wish ka?" Tanong niya.

Tumango ako. "Eh ikaw?"

Tumango rin siya.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng lugar kung nasaan kami ngayon. Nasa mataas kaming lugar at kita sa baba ang mga buildings. Wow. What a perfect place.

"Siguro iniisip mo ngayon, sana siya yung kasama mo... hindi ako," napatingin sa kanya.

"Kyo..."

"Actually, ang sakit. Ayoko mang aminin, pero ang sakit. Sabihin mo ng para akong bakla pero ang sakit talaga. Dito oh," sabi niya habang nakaturo sa dibdib niya.

He faked a smile at saka tumingin sa langit. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay.

"Hindi ko naman ginusto 'to eh. Sino ba naman ang gugustuhing makaramdam ng ganitong sakit? Parang tinusok 'yung puso ko ng barbeque stick."

"Kung sakaling saktan ka man niya, wag kang iiyak ha. My heart would shed a tear if and when I see you cry. Kung iiwan ka man niya, wag mo siyang hahabulin. Maglakad ka lang... maglakad ka lang papunta sa akin. Sasalubungin pa kita."

Hindi ako makapagsalita, parang may nakabara sa lalamunan ko. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Ngumiti siya at pinunasan ang basang pisngi ko.

"Matagal ko nang ipinapakita sayo 'tong nararamdaman ko. Ipinapaintindi at ipinapaalam ko na nga sa'yo pero mukhang hindi mo pa rin makuha dahil sa sobrang bagal mong mag-isip. Kailangan ko pa pala talagang sabihin 'yung nakakakilabot na salitang ito.. Hahaha! Ang corny ko sht."

Naging seryoso ang mukha niya.

"Renesmee, this might be a goodbye but...let me tell you that.. I am in love with you."


LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon