Chapter 8

17.9K 501 47
                                    

CHAPTER 8

"Where's Spy?" Tanong ni Sol pag-kasunod niya sa amin sa playground.

"Yun nga 'yung problema ko eh. Bigla na lang siyang nawala. Hahanapin ko muna."

Agad akong tumakbo paalis upang hanapin si Spy. Habang tumatakbo ay tumingin-tingin ako sa paligid at nagulat na lang ako nang may biglang sumigaw.

"Aray! Sakita sa ako lubot ui!"

Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa sahig habang nakahawak sa may pwetan niya. Teka? Nabangga ko ba siya? Nakatingin lang siya sa akin. So nabangga ko nga?

"Ay, sorry nagmamadali kasi ako," saad ko at tinulungan ko siyang tumayo.

"Okay lang. Ako rin, hinahanap ko kasi si Sweet," sagot niya.

Pareho pala kaming may hinahanap. Nagulat na lang ako nang biglang may maliit na nilalang ang yumakap sa legs ko.

"Noona! I found you!"

"Spy, saan ka ba galing?"

Pumikit-pikit muna siya at saka umalis sa pagkakayakap sa akin. "In the slide. I had fun with Sweet!" Mabagal na sagot niya at napatingin sa babaeng nabangga ko. "Uhmm Noona, who is she?" Tanong niya.

"Hello little boy! You're so cute! My name is Cyra." Pakilala niya. "By the way, sabi mo di ba kasama mo si Sweet? Hinahanap ko kasi siya. Pwede mo bang sabihin sakin kung saan mo siya nakita?"

Oo nga pala. Sweet nga pala ang pangalan ng batang hinahanap ng babaeng ito at iyon ang sinabing pangalan ni Spy na kalaro nya sa may slides.[rambled, rephrase]

"She's still in the slide waiting for me. Let me take you there, Noona!"

Pumunta kaming tatlo sa slide at may nakita kaming batang umiiyak at nagulat ako nang makita ko si Sol.[refrain from using nagulat]

"Hey, I've been looking for you two." Bungad niya nang makalapit siya sa amin.

"Sorry, Hyung," nakangusong saad ni Spy.

"No. It's okay. Let's go back." Saad niya at nauna siyang lumakad.

Susunod na sana kami sa kanya pero pinigilan kami ng babaeng nabangga ko. "Wait, pwede bang kumain muna tayo ng ice cream kasama ang mga bata?"

Agad akong napaharap sa kanya.[refrain from using agad] "Sure!" Mabilis na sagot ko.

"Alien."

Humarap ako kay Sol. "What? Masamang tanggihan ang grasya," sagot ko.

Natawa siya sa sinabi ko at saka lumapit pabalik sa amin. "Alright." Sagot niya.

Matapos naming bumili ng dirty ice cream ay naupo muna kami ng babaeng nabangga ko sa bench dahil mukhang nag-eenjoy si Sol sa pakikipaglaro kay Spy at Sweet. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga bata. Ang dami ko palang hindi alam tungkol sa kanya.

"Gusto mo siya noh?" Napatingin sa katabi ko.

"What? No!" I replied quickly.

Natawa siya sa sagot ko. "Bakit naman? He looks nice."

"Nice? Saang banda? He's mean to me, pero minsan mabait. Minsan lang. Madalas, baliw siya. Mas moody pa siya kumpara sa akin."

"Gusto mong makabawi?" Nakangiting tanong niya.

"What?" tanong ko. "What do you mean?"

"I know a language na hindi niya maiintindihan. Tuturuan kita kung ano man ang gusto mong sabihin sa kanya." Nakangiting sagot niya.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon