Chapter 17

20.4K 422 54
                                    

Chapter 17

Bumalik kami sa resort na wala ng ulan at maliwanag na dahil umaga na. Nakatingin sa amin ang lahat ng staff habang magkahawak kamay kaming naglalakad ni Sol papalapit sa kanila.

"OMG. Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Ericka nang makita niya kaming dalawa ni Sol.

"Oh my! Ibig sabihin ba nito ay si Ren ang pinili mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni M.

Anong pinili ang pinagsasasabi niya?

Ngumiti ng napakatamis sa kanila si Sol at saka sumagot. "Exactly," saad niya.

"Gosh! Ang ganda mo! Kinabog mo si Aliyah!" sigaw nilang tatlo at saka dali-dali akong inalog-alog at pinagsasabunutan. Hindi pa sila nakuntento, pinaghahampas pa nila ako. Ano bang sinasabi nila? Naguguluhan ako sa ginagawa nila.

Napatingin ako sa may sulok nang biglang may tumayo roon at hindi ko inaasahang makita na si Aliyah ito. Mukhang narinig niya ang sinabi ng Mean Girls kaya tila galit at padabog siyang umalis. Nagtataka kong tinignan ang Mean Girls. Mukhang may kalokohan na naman silang ginawa na wala akong kinalaman.

"Wait lang, Sol. May dapat ipaliwanag sa akin ang mga babaeng 'to." Paalam ko kay Sol at saka ko hinila sina M palayo sa kanya. Kinaladkad ko sila papasok sa hotel at sapilitang ipinasok sa kwarto kung saan kami nakacheck-in.

Galit ko silang hinarap. "May dapat ata kayong sabihin sa akin," seryosong sabi ko.

Sabay-sabay silang napakamot sa ulo nila at makahulugang nagtinginan.

"So talagang may kalokohan kayong ginawa." Pagkukumpirma ko dahil sa reaksyong ipinapakita nila.

"Ganito kasi 'yan, Ren. Kinausap lang naman namin si Sol at sinabi naming na kung sino 'yung mapipili niya, dapat 'yun 'yung mahal niya. So ibig sabihin, kung ikaw 'yung napili niya, eh di mahal ka talaga niya," sagot ni Ericka.

"Mahal niya nga ko. Pero mahal niya rin si Aliyah. I heard him talking to her."

"Pero at least ikaw ang napili niya at hindi si Aliyah after ng pinaggagawa namin di ba?" singit ni Ericka.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.

"Ganito kasi 'yan, etong event na 'to, ginawa talaga 'to para sa inyo. Para magkalinawan na kayo kung ano talaga ang tunay na nararamdaman nyo. Kinausap namin si Sol tungkol dito. Sinabi namain sa kanya na lagi siyang sumama at magdididikit kay Aliyah para malaman niya kung sino ba talaga ang mahal niya sa inyong dalawa," pagpapaliwanag ni M.

"And since lagi silang magkasama, syempre masasaktan ka. So si fafa Kyo ay laging to the rescue. At dahil dun, syempre, maliliwanagan ka rin di ba kung sino ang mas mahal mo sa kanilang dalawa? See? Ang tatalino namin, di ba?" Dagdag pa ni Ericka.

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nila. I didn't know na ito pala talaga ang plano nila. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang maalala kosi Kyo. Nasaan kaya siya?

"Pero may napapansin ba kayo kay Ji?" tanong ni M.

Napatingin ako bigla kay M dahil sa tanong niya. Napapansin?

"Oo may napapansin ako! May something strange kay Ji!" sagot ni Khrystal.

"Teka. Ano 'yun?" tanong ko.

"Leggo girls. I think we need to investigate." Excited na saad ni Ericka.

Bago ko pa man sila mapigilan ay mabilis na silang tumakbo palabas ng kwarto. Ugh. Ano naman kaya 'yung strange kay Ji na sinasabi nila?

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon