Chapter 21

14.3K 280 23
                                    

Chapter 21

Ji's Point of View

Napangiti ako sa huling sinabi ni Sol. Halos lahat ng tao sa Marcof ay hindi matigil sa pagpalakpak at pagpapakita ng kasayahan nila para sa dalawa. Sa pag-confess ngayon na 'to ni Sol, everybody's happy...except me.

Nanatili akong nakatitig sa babaeng nakapwesto sa gitna. Pinapanuod ko lang siya habang siya'y umiiyak dahil sa saya. Ang saya-saya na siguro niya ngayon. Sana ay hindi na siya masaktan ulit dahil ipinaubaya ko na siya sa kanya. Ipinaubaya ko na siya kay Sol. Kahit hindi pa man ako nagsisimulang ipakita at iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko ay isinuko ko na siya kaagad dahil alam kong hindi ako mananalo sa laban na 'to.

Napangiti ako. Para akong tanga na nasasaktan samantalang ako naman ang may gusto ng lahat ng 'to para sa kaligayahan niya. Masaya ka na nga ba, Renesmee?

Nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino ito at kaagad na bumungad sa akin ang isang napakaganda at napaka-inosenteng mukha.

"How could you?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Aliyah..." mahinang tawag ko sa kanya. Napailing siya at sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.

"Aliyah, I'm sorry."

"How could you? How could you? How could you?" paulit-ulit na tanong niya habang hinahampas ako. Agad ko siyang hinila at niyakap dahilan para tuluyan na siyang umiyak sa dibdib ko at doon niya inilabas lahat ng hinanakit niya.

"Akala ko ba tutulungan mo akong makuha ulit siya? Bakit? Akala ko ba best friend kita? Eh bakit mo nagawa 'to? Bakit? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit ba ayaw niyo kong maging masaya ha? Bakit?" Patuloy ako sa paghaplos sa likuran niya habang siya naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-iyak.

"Shhhh. Huwag dito. Madaming makakakita sayong umiiyak. Magkaka-issue ka pa. Baka masira ang career mo."

"Eh ano naman? Wala akong pakialam! Sira na ang buhay ko. Wala na akong pakialam pa sa career ko. Nasira na ang buhay ko simula nang mawala siya. Why is this happening to me?"

Napapikit ako habang sinusubukan kong i-comfort siya. Hindi ko alam kung pano ko ba siya papatigilin sa pag-iyak. Sobrang dami na niyang hinanakit. Nakakatawa dahil hindi ko man lang siya natulungan. Nadagdagan ko pa ang hinanakit niya. Ang tanga ko talaga.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. "Shhhhh. Tahan na.."

Buti na lang at wala masyadong nakakapansin sa amin dahil busy sila kina Sol at Renesmee.

"Gusto mo ba ng Marcof specialty? Gusto mo ba ng hot chocomilk? Diba favorite mo yun?" tanong ko. Pero sa halip na sumagot ay bigla niya akong itinulak.

"Bakit? Matatanggal ba ng specialty netong coffee shop mo 'yung hinanakit ko? Siguro noon oo. Nakakatawa kasi alam mong ito 'yung favorite place ko kasi dito tayo madalas tumambay ng Four Kings." Saglit siyang tumigil para tingnan sina Sol.

"Dito tayo madalas magkwentuhan, mag-asaran at magsaya. Pero ano na? Ayoko na sa lugar na 'to. Dahil sa lugar na 'to, hindi ko na alam kung paano pa ako gigising sa umaga na haharapin na naman ang panibagong araw na wala na siya sa piling ko. Na may mahal na siyang iba."

"Aliyah, I'm so sorry."

"No. I can't accept your sorry. Hindi ko kaya. Ang sakit."


"Aliyah."

"Akala ko kakampi kita. Pare-pereho lang pala kayo, sinaktan nyo lang ako. Pare-pareho lang kayo." Tatayo na sana siya pero agad ko siyang nahawakan.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon