CHAPTER 6
Nagising ako nang maramdaman kong may humawak sa likuran ko. Nang iniangat ko ang ulo ko ay nakita kong nagtatawanan ang mga kaklase ko pero walang tunog. Nang tumingin uli sila sa akin at nakitang gising na ako ay agad nilang pinigilan ang pagtawa. What are they up to this time?
Nang matapos ang klase ay naglabasan na silang lahat at ako na lang ang natira sa room. Tumingin ako sa wrist watch ko, maaga pa, may second subject pa dapat kami bago ang recess. Bakit naglabasan na sila? Recess na ba?
Nag-unat-unat ako at humikab-hikab bago tumayo at sumunod sa paglabas ng room. Pagkalabas ko, halos lahat ay nakatingin sa akin. Kada malalagpasan ko ay nagtatawanan ng malakas. Kapag nilingon ko naman sila ay pilit nilang pinipigilan ang pagtawa. Ano bang nakakatawa?! Ugh!
Papunta na ako ng canteen nang sa paglalakad ko ay narinig ko ang usapan ng mga makakasalubong ko.
"Nasa music club daw ang Four Kings ngayon, di ba?"
"Oo nga. Eh di ba sa music club din si Aliyah?"
"Balita ko may practice sila ngayon."
"Kaya nga pumunta lahat ng students dun sa concert hall para manood ng practice nila eh."
"Tara, manood din tayo!"
Ayun ang narinig ko, pero hindi ko na-gets. Dumiretso ako sa canteen at pinagdikit ang dalawang palad ko at pinikit ang mga mata ko. "Sana may ice cream. Please." Bulong ko.
Pagdating ko sa canteen ay muntik na akong mapatalon nang makita kong may nagtitinda ng ice cream. Agad akong pumunta roon at bumili. "Ilan?" Tanong ng tindera.
"Lahat po yan." Nakangiting sagot ko.
Naupo ako sa lugar kung saan hindi tao pero napansin ko lang na walang katao-tao ngayon sa canteen. Bakit naman kaya? Napailing na lang ako at kumain ng ice cream hanggang sa unti-unti ay dumadami na ang mga tao.
"Napanood mo ba yung practice? Grabe noh! Nagkaka-ilangan sila!"
"Oo nga! Tapos parang disaster yung practice!"
"Tama ka dyan! Parang hindi maganda ang magiging performance nila para sa concert ng school natin this October! Hindi na lang ako pupunta!"
Bakit kaya ganun ang mga tao dito sa school? Bakit ang hilig nilang pag-usapan ang ibang tao? At sino naman kaya yung pinag-uusapan nila? Napa-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Palabas na sana ako ng canteen nang mapansin kong nagtatatawanan na naman yung mga tao sa paligid ko. Tatawa sila ng malakas at kapag titingin ako ay pipigilan nila ang pagtawa.
Naglakad-lakad na lang muna ako bago tuluyang bumalik sa classroom. Nakaka-miss din pala ang kakulitan ng Mean Girls. Nasaan kaya sila? Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa Music Club. Bakit naman ako dinala ng paa ko dito? Kumunot ang noo ko nang makita si Sol na pumasok sa isang silid. Agad akong sumunod sa kanya at papasok din sana sa loob para kausapin siya pero natigilan ako nang marinig ko siyang nagsalita.
"O-Oh. Sorry, I didn't know you're here," halatang gulat na sabi niya."I'm going." Paalam niya.
Aatras na sana ako palayo sa pintuan nang marinig ko ang boses ng kausap niya.
"Wait. About the practice." S-Si Aliyah?
"Please, I can't. I can't talk to you right now. You know that."
"But we can't stay like this forever."
Ano bang pinag-uusapan nila? Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko at hinarap ako sa direksyon niya.
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
RomanceLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...