Chapter 4

21.1K 561 22
                                    

CHAPTER 4

Nagtagpo ang mga mata namin at bakas ang galit sa mga mata niya. Pumasok siya sa loob ng classroom at mas lalong naging maingay ang mga classmates ko. Hindi naalis ang tingin niya sa akin. Pumasok siya ng classroom ng hindi man lang kumukurap. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Pagkalapit niya sa akin ay hinawakan niya ako sa may wrist at hinatak patayo.

"W-What are you doing?"

Hindi niya ko inimikan, tuloy lang siya paghatak sakin palabas ng classroom. Pakiramdam ko'y nalaglag ang panga ng mga kaklase ko sa nakita nila. Ganun din ata ako. Pagkalabas namin ay hinarap niya 'ko sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?"

"You really are full of surprises, huh? First, you attempted to kiss me. And now we have this," saad niya at may nilabas siya sa bulsa niya at ipinakita ito sa akin. Nagulat ako pero umasta akong wala pakialam.

"Oh, that picture? My friends have million copies of that."

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Nilukot niya ang picture at tumingin sa ibang direksyon. Halatang nagpipigil siya ng galit. Nagulat ako nang hawakan niya uli ako at hinatak papunta sa may lobby. Wala akong magawa habang hatak-hatak niya ako. Hindi ako makapalag dahil sa lakas niya. Nang makarating kami sa lobby ay huminto kami sa tapat ng bulletin board.

"Now, you see this?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang nakalagay sa board. Isang picture na hindi katulad sa picture na meron ang mga kaibigan ko. Nakahawak ako sa magkabilang pisngi niya at ang lapit ko masyado sa kanya. It seems like we really are going to kiss! Nakikita na pareho ang mukha naming dalawa and it's really obvious na kami 'yun. May title pa na nakalagay.

"Sol!"

Napalingon kaming pareho sa lugar kung saan galing ang sigaw at nakita ko ang tatlong lalaking papalapit sa amin at kilala ko ang isa sa kanila.

"So, you found her," saad ni Ji habang papalapit sa amin.

So ang kasama ko pala ngayon ay si Sol at ako yung b*tch na hina-hunt niya kanina pa? Well yeah. I'm a b*tch and I don't care.

Lumapit silang tatlo sa amin.

"She really looks like him," saad ng isa.

"Yeah, and she's really pretty, isn't she?" tanong naman ng isa sa kanila.

Nagulat na lang ako nang hawakan akong muli ni Sol. "You need to explain everything to her," saad niya at hinatak niya akong muli.

Hatak-hatak lang niya ko habang papalabas kami ng Tan Siu. Binuksan niya ang sasakyan niya at itinulak ako papasok sa loob. Tahimik lang siya habang nagda-drive. Kasunod namin ang tatlong sasakyan ng mga kasama niya. Yung sasakyan nila ay yung gamit nila noon nung car racing. Hindi kaya si Sol ang kasama nila noon? Siya nga siguro iyon.

Lumipas ang ilang sandali at dumating kami sa... M-Marsonville Coffee Shop?! Bakit nila 'ko dinala dito?! Ugh! No way, I'm going in there! Lumabas ng sasakyan si Sol at hinila ako palabas. Kailangan ba talaga niya akong hilahin?! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Bukod sa kaba ay may kasama ring takot dahil wala pa kong 1.5 million na pambayad sa shop.

Pumasok kami sa loob at aba...ayos na pala ang coffee shop na 'to. Tumingin ako sa paligid at hinahanap ko ang may ari ng coffee shop. Pero teka..ibang branch pala 'to. Ugh!

"At the left," bulong ni Ji na nasa likuran namin. Napalingon naman kami pareho sa bandang left at nanlaki ang mga mata ko. Si Liloree?! Hindi niya ako pwedeng makita! Baka isumbong niya ko kay Inay na nag-cut na naman ako ng klase!

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon