Endorsement Period Over

72.1K 1.3K 14
                                    

Hindi namalayan ni Alex ang paglipas ng oras. Nang marinig niya ang chime ay para sa alas-dose na pala ito. Lunch break na ng mga empleyado. Agad na inayos ni Alex ang mga gamit na ibinigay ni Leila sa kanya at saglit na tiningnan muna ang sarili sa salamin. Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Lena.

"Ui girl, lika na. Lunchbreak na. Di ka na nga nag-tea break kanina. Baka naman di ka pa kumain ngayon? Kaloka ka! Diet much lang ang peg? Kala mo naman ang taba taba mo.", Lena

"Oo na, eto na. Nga-ayos lang ako ng sarili ko at baka haggardness na ang itsura ko!", Alex

"Grabe, ang dami naman agad ng files mo sa lamesa mo? Ano ka, matagal ng nagtatrabaho dito? First day pa lang ateng ah! Kinakarir mo na agad?" Lena.

"Kailangan ih. Si sir kasi, sabi nya, kailangan ko na daw matutunan to ngayon. Kasi sa mga susunod na araw, isasama na daw agad nya ko sa mga meeting nya. Ang dami dami pa nga ng babasahin ko e. Iniwan na lang din sakin ni Leila yun mga notes nya. Baka daw makatulong sakin", Alex.

"Kaloka ka! O sya sya, lika na sa canteen. Baka abutin pa tayo ng haba ng pila.", Lena

Agad na ngang naglakad ang dalawa patungo sa canteen. Napamaang naman si Alex sa lawak ng canteen na meron ang El Grande.

"O di ba, ngangabels ka din no? Ang laki ng canteen nila dito. Bahay na ata namin to e", untag ni Lena. Napangiti na lang si Alex at niyaya na si Lena na pumila. Pagkabili ng pagkain ay agad namang tinawag ni Karen si Lena at pagkuwa'y sumenyas na sumama sa kanila sa mesa. Naroon din si Leila na nakangiti sa kanya. Nang makatapos kumain ay nagpaalam na si Alex na babalik na sya sa opisina dahil marami pa syang dapat basahin.

Binagtas ni Alex ang daan pabalik sa opisina nila. Nang marating ay napansin nyang bukas ang pintuan ng opisina. Papasok na sya nang biglang may magsalita sa loob nito.

"Dad, you know I can't marry her. I don't even like her. Why do you keep forcing to get married at this early age? Dad! You're talking nonsense. I'll hung up now! Bye!"

"You may now come in!" saad nito na nakapagpa-pitlag naman kay Alex. Si Zach ang nasa loob ng opisina.

"I'm sorry Sir. I didn't mean to –".

"Are you done with your lunch? Isn't it too early to be back here in the office? Didn't enjoy the food?", sunud-sunod na tanong ni Zach.

"Ah, no Sir. Marami lang po kasi akong dapat na basahin kaya maaga po akong bumalik ng opisina.

"Well, I'll be having a meeting later with one of the investors, gusto kong sumama ka. It will be at 2:30pm. Just asked Leila to accompany you to the room where it will be held.", Zach.

"What?? Akala ko ba endorsement period ngayong araw? E bakit isasama mo na ko sa meeting mo? Ano ba? Ni hindi ko pa nga saulo yang mga investor chenes na yan." Isip ni Alex subalit tanging "Ok po Sir" ang naisagot nya at lumabas na ito ng silid matapos marinig ang sagot nya.

"Anong klase bang tao yun? Ni hindi ko pa nga naaaral ang mga ito, sasama na agad ako sa meeting? Sino bang ka-meeting nya? Ni hindi nga binanggit? Tsk!" sambit ni Alex. Sinimulan na ulit ni Alex ang pagbabasa ngmga files na binigay sa kanya ni Leila kanina. Nagulat na lang si Alex nang may kumatok sa pintuan at bumukas na iyon.

"Hi, Alex. Kamusta ka dyan? Sorry di na kita nabalikan. Tinawagan kasi ako ni sir kanina e may pinagawa sya sakin. Sinabihan nga pala nya ko na ituro sayo mamaya kung san gaganapin yun meeting nya with an investor", Leila.

"Hindi ka ba kasama dun?" maang na tanong ni Alex.

"Hindi nya ko inadvise e so probably hindi. One technique I can share with you is to bring a recorder. Para just in case may ma-miss out ka, pwede mong balikan. But, don't fully depend on it kasi Sir Zach will surely be observing you. Ganun sya katindi. Kahit na nagsasalita sya, his eyes will be kept aware of you." Turan ni Leila.

Napahinga na lang ng malalim si Alex. "Endorsement period over!", isip nito.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon