"Philip, please fetch Alex upstairs and tell her that breakfast is ready. Also, tell her to wear something comfortable 'cause we will be meeting someone", wika ni Zach.
"Yes po Sir Zach", sagot ni Philip at agad na pinuntahan si Alex sa kwarto nito.
Mahihinang katok ang nagpamulat sa mga mata ni Alex. Naligo na sya at nakapagpalit na ng damit. Marahan nyang tinungo ang pinto upang alamin kung sino ito.
"Mam Alex, ready na po ang breakfast, bumaba na raw po kayo sabi ni Sir Zach. At pinapasabi po nya na magsuot daw po kayo ng inyong komportableng damit, may imi-meet daw po kayo sa labas", wika nito.
"Sige Philip, salamat. Susunod na kamo ako", Alex. Agad naman bumalik na si Philip sa dining area.
"Teka, e sino bang imi-meet namin? Something comfortable? Hm, makapag-jeans na nga lang. Semi-formal na blouse na lang ang isusuot ko.", isip ni Alex.
Matapos na makapagbihis ay agad din bumaba si Alex patungo sa dining area. Dun, inabutan nya si Zach na umiinom ng kape habang nagbabasa bg dyaryo. Tila may kung anong hangin ang bumulong kay Zach para tingnan ang paparating na si Alex. Nagtama ang kanilang mga mata. Ilang segundo ding nanatiling magkahinang ang kanilang mga tingin. Di na nakatagal si Alex at una na syang nagbawi ng tingin mula rito.
"Sit down Alex. Have your breakfast. We will be leaving once we're done. Philip, call everyone and join us here. It's long since I've been here. Gusto ko kayong makamusta man lang", sabi ni Zach.
"Yes Sir", Philip.
At isa isa na ngang nagsipasok ang mga empleyado ni Zach.
"Maupo kayong lahat. Relax. Hindi na kayo iba sa akin, tandaan nyo yan", ani ni Zach. Nagsitalima naman ang lahat at nagsiupo na. "Kamusta na kayong lahat? Ang tagal na rin nun huli ko kayong bisitahin dito. Pasensya na kayo, masyado lang akong naging busy sa pag-aayos ng El Grande. Nanay Beth, kamusta po?", turan pa nito.
"Maayos naman ho kami Sir Zach. Maayos din naman ho ang pamamalakad dito sa bahay ninyo. Yun nga lang ho, sa sobrang tagal na di na nakakapasyal dito ang pamilya e talagang naging napakatahimik ng bahay", wika ni Aling Beth.
"Ganun ba, hayaan nyo po at sasabihin ko kay Dad na bumisita kami ulit dito at nang makapag-reunion naman ang pamilya", sagot ni Zach. "Sige po, kumain na ho tayo. Isang linggo naman ho kami dito ni Alex kaya mahaba-haba po ang panahon para makapagkwentuhan tayo. Naku! Nakalimutan ko! Si Alex pala, katrabaho ko. She's working as my secretary in El Grande", saad pa ni Zach.
"Ah, hello po. Isang linggo ho tayong magsasama. Sana ho e di ko kayo maabala. Kung maabala ko man ho kayo, e pagpasensyahan nyo na", bati ni Alex. Nagkatawanan naman ang lahat. Maging si Zach ay napatawa rin sa tinuran ni Alex.
"I know she'll get along well with them. Magaling talaga syang makisama at makihalubilo sa mga tao kahit unang beses pa lang nya nakikilala", isip ni Zach. Nagpatuloy na ang lahat sa pagkain. Nang matapos sina Alex at Zach ay nagpaalam na sila sa mga ito. Sumakay na sila sa isa sa mga kotse na naroroon. Hindi inakala ni Alex na si Zach ang magmamaneho ng sasakyan dahil nakasanayan na nya na may driver ito. Tahimik lang si Alex habang may kausap naman si Zach sa cellphone nito gamit ang bluetooth device nito.
"We're on our way. Yes, I remember that place. Okay, see you", saad nito. "We will be meeting Nick in a restaurant. Andun na sya. He's the main reason kung bakit tayo andito. May gaganaping event dito ang Royale Inc. which is supported ng El Grande dahil sa magandang adhikain ng nito", baling naman nito sa akin.
"Sya ba yun kameeting natin dati?", tanong ni Alex.
"Oo, sya nga yun. We'll know the complete details when we get there", Zach.
At nang makarating sa restaurant ay agad na bumaba si Zach ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Alex at inalalayan ito sa pagbaba. Muli'y nakaramdam na naman ng tila kuryente si Alex ngunit di na lang nya iyon pinansin. "Ang gentleman naman. Kilig much!", isip ni Alex. Sa isang mesa ay agad naman kumaway si Nick na naghihintay sa kanilang pagdating.
"Glad you make it pare," wika ni Nick at nagkamay ang dalawang lalaki. "Hi Alex", baling naman nito kay Alex.
"Hi", impit na sagot ni Alex.
"Akala ko di ka tutuloy pare e. Magtatampo na sana ako', Nick.
"Para ka pa ring bata. Syempre tutuloy kami. This event is supported ng El Grande. Ikaw pa ba naman ang bibiguin ko?", Zach. "By the way, Alex, I want you to personally meet Nick. Nick is not just a business partner, he was my bestfriend and was also like a brother to me. We've been together since we were young kaya halos magkapatid na ang turingan namin", dagdag ni Zach.
"Hi again Alex. I'm Nicolas Dela Fuente from Royale Inc. But you can just call me Nick for short. Glad to meet you and good to be working with you", nakangiting banggit ni Nick.
"Ah-hello Sir Nick!", sambit ni Alex.
"Naahh, drop the Sir. I'm too young for too much formality. Nick na lang, okay?". Nick.
"O-okay, N-nick", nahihiyang sabi ni Alex.
"Well, enough of those, let's get started Nick", singit naman ni Zach.
"Woah, I think someone's jealous and possessive over here", biro ni Nick kay Zach.
"Whatever Nicholas!", iiling-iling na sagot ni Zach habang si Alex ay impit na napapangiti na lang. "Was he really jealous over Nick? Naah, daydream again", tanong naman ng isip ni Alex.
Naupo na sila at nagsimula ng i-discuss ni Nick ang programa para sa gaganaping event. Gaganapin ito sa isang kilalang hotel sa Palawan kung saan dadalo ang iba't ibang malalaking kumpanya. Ang event ay naglalayong makakalap ng pondo na gagamitin para sa pagpapatayo ng mga bagong eskwelahan at mga bahay sa mga lugar na kailan lang ay nasalanta ng bagyo. Bilang si Zach ang pangunahing panauhin ng event, hinihingan sya ng speech ni Nick para dito.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na si Nick. Nagsabi itong may mga ka-meeting pa. Sya ang punong-abala kung kaya't kabi-kabila ang mga ka-meeting nito Bukas na ang event kung kaya't kailangan na nitong matapos ang lahat ng detalye para sa event.
Lulan na ng sasakyan sina Alex at Zach nang magsalita ang huli. "I think you didn't manage to bring a formal dress with you since I wasn't able to inform you about the event. Am I right?", tanong nito.
"Yes sir. Pero okay lang naman na hindi ako umattend di ba. Di naman ako kakailanganin dun?", Alex.
"Of course not. You have to join me. Dadalo dun ang iba't ibang malalaking kumpanya. You have to be familiar with them. It's one way na rin for you to know more about El Grande. And..... would you let me be there all alone?", sarcastic na tanong ni Zach.
Nagulat si Alex sa tinuran ni Zach. Naramdaman nya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hindi nya nagawang makasagot sa tanong nito. Napangiti naman si Zach sa naging epekto ng sinabi nya kay Alex.
"Well, whether you like it or not, you'll be coming with me. We'll start with picking up the dress you will wear for the event", turan nito.
Tumango na lamang si Alex dito. Alam kasi nyang hindi sya mananalo kahit makipagtalo pa sya rito. Nanatiling tahimik na lang si Alex habang binabagtas nila ang daan patungo sa lugar na hindi nya alam kung saan.

BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
Genç Kız EdebiyatıAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...