The Bar

60K 1.1K 14
                                    

Tahimik na binagtas nina Alex at Zach ang daan patungo sa address ng bar na itinext ni Lena. Medyo naipit sila sa traffic kaya halos madilim na ng makarating sila sa bar. Nahuli kasi sila ng alis dahil may tumawag kay Zach at urgent daw ang kailangan. Nagtext lang sya kay Lena na susunod na lang sila. At nang makarating, agad na bumaba si Zach ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Alex. Nagulat si Alex sa ginawi nito ngunit nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

Pagpasok nila sa bar ay agad na hinanap ni Alex ang lugar na kinauupuan nina Lena. Agad naman syang napansin ng mga ito at kumaway sa kanila.

"Sorry, we're late. May urgent na tawag kasi at medyo naipit pa kami sa traffic", agad na sambit ni Zach.

"Naku, okay lang po Sir. Basta po kayo, wala pong problema", sagot naman ni Karen.

"Upo na po kayo Sir", sabi naman ni Lena.

Kasama din nila ang ilan pa nilang katrabaho sa opisina. Sina David at Jun na kadepartment nina Lena at Karen, at sina Leila at Andrea na mga dating ka-opisina nila. Pagkuwa'y tumawag na si Leila ng waiter para umorder. Umorder sila ng pagkain at ng mga inumin nila. At nang matapos na silang kumain, maya maya pa'y nagyaya na si Karen sumayaw.

"Lika na, sayaw tayo. Sir, sayaw po tayo!", sabi ni Karen sabay hila nito sa kamay ni Zach.

Parang nakaramdam ng kirot si Alex sa tagpong yun. Hindi nya maintindihan. "Ano to? Nagseselos ako? Bakit?", isip ni Alex. Sa kakaisip nun, di napansin ni Alex na naparami na pala sya ng inom. At maya maya lang ay nasa gitna na rin ito ng dance floor at sabay na umiindak sa musika kasama nina Lena at ng iba pa. Naramdaman na lang ni Alex na tila parang may yumayakap na sa kanya. At nang lumingon sya ay si David pala ito. Pilit kumalas si Alex sa pagkakayakap sa kanya nito at lumakad pabalik sa mesa nila. Hindi nya napansin na sinundan pala sya nito.

"Alex, I'm sorry dun sa kanina. Wag ka sana magalit sakin. Di ko kasi napigilan ang sarili ko. Gustung gusto kasi kita Alex", sambit ni David sa kanya. Napamaang naman si Alex sa pagtatapat sa kanya ni David. May gusto pala ito sa kanya.

"David, okay lang, wag mo na lang uulitin yun. And para sakin, kaibigan lang ang turing ko sayo. At sana hindi magbago yun", sagot naman ni Alex.

"Ganun ba? Naiintindihan ko", turan ni David at tumayo na. Nakita nyang lumabas na ito ng bar. Hindi nya alam kung san ito papunta ngunit sa tingin nya'y nasaktan ito sa sinabi nya. Nang may dumaang waiter ay umorder pa ulit ng inumin si Alex. Gulung-gulo ang isip nya. Laman pa rin kasi niyon sina Zach at Karen na ngayon ay nasa dance floor pa din. Nagngingitngit sa mesa si Alex. Parang may kung anong gustong sumabog sa dibdib nya.

"Bakla, anung nangyari sayo? Ang dami mong nainom. Problema mo te? Brokenhearted lang ang peg? Hatid na kita!," sabi sakin ni Lena. Namaalam na kasi akong uuna na sa pag-uwi dahil nahihilo na ako sa dami ng nainom ko.

"Ako na. Kaya ko pa naman umuwi. Isang taxi lang ang kailangan ko at andun na ko sa bahay. Nu ka ba? No worries, trust me!", sagot ko na halos pagewang gewang na ako at hindi na makatayo ng deretso.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. Tutal, kailangan ko na din naman umalis", sambit ni Zach na nakaalalay na kay Alex.

"Sure po kayo Sir?" tanong naman ni Lena.

"I'm sure. Ako na ang bahala sa kanya. Maiwan na namin kayo. Ingat kayo sa pag-uwi. Lena, you have your car right? Do not drink too much, you'll be driving. For your safety", sabi nito.

"Yes sir. Thank you po! See you on Monday, Sir." sagot ni Lena. "Bakla, si Sir na daw maghahatid sayo. Ingat kayo. Text text na lang bukas. Or kung hindi kami lalabas ni boyfie e pupuntahan kita sa inyo", baling naman nito sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at di na nagawang kumontra pa.

At nang akmang maglalakad na sina Zach at Alex palabas ng bar, na-out of balance ang huli at muntik ng matumba. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Zach at agad na nahawakan ito sa bewang. Halos magdait na ang tungki ng kanilang mga ilong. Langhap na langhap ni Alex ang pabango nya na hinaluan pa ng amoy ng alak. "Pesteng lalaki to! Bakit ba ang bango nya? Lalo akong nalalasing nang dahil sa amoy nya. Ang yummy naman nya talaga oh! Kaso mukang iba ang gusto! Sabagay, panama ko naman dun kay Karen. Dibdib na lang nya, tumba na ko." Sigaw ng utak ni Alex.

At nang marating ang sasakyan ay agad na isinikay ni Zach si Alex.

"Alex, may problema ka ba? Bakit nagpakalasing ka ng ganyan? I wasn't expecting you to get drunk as much as you are now", usal ni Zach.

"The hell you care!" sagot ni Alex. Maging ito ay nagulat sa sinabi nya. Di nya akalaing sasabihin nya yun sa boss nya. "Oh my, goodbye work na ba ito? Anu ka ba naman kasi Alex. Ano bang pinuputok ng butsi mo. Buti nga nagmagandang loob na ihatid ka". Sigaw ng utak ni Alex.

"You're too much drunk. Hatid na kita sa inyo. San ka ba nakatira?", seryosong tanong lang ni Zach na hindi tumitingin kay Alex. At nang walang sagot na nakuha ay nilingon nya ito at nalamang nakatulog na pala ito.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon