Exhausting Week

62.8K 1.2K 9
                                    

(Alex' POV)

"Haay, nakakapagod. Simula nun mag-last day si Leila, ako na lahat ang gumagawa ng trabaho nya. Kabi-kabilaang mga meeting. At next week, may meeting na sa Palawan gagawin. At syempre, bilang secretary ako ng CEO, required akong sumama. Excited ako since first time ko yun pero kabado at the same time. Kami lang dalawa dun for the whole week. It's not that may gagawin syang masama sakin pero parang kakailang pa din", pagmumuni muni ko ngunit naputol nang tumunog ang telepono ko.

"Hello, office of the CEO, good morning", bati ko.

"Ui bakla, Lena to, sama ka samin mamaya. Punta kami sa bar nina Karen. Tatagpo din dun si Leila. Friday naman ngayon kaya sumama ka na. Tapos next week, fly to Palawan ka pa kaya lalong wala sa eksena ang beauty mo. I won't take NO for an answer. Dala ko kotse ko kaya no worries na tayo sa transpo. Kitakits later. 5:30 sa parking lot", wika ni Lena kasunod ng pagbaba nito ng telepono na hindi na hinintay ang sagot ko.

Ang babeng yun talaga. Pero sabagay, may punto naman sya. Masyado na kong haggard kaya kelangan ko na din siguro mag-unwind. At pagpatak ng alas-singko, nagsimula na kong mag-ayos ng mga gamit ko. Dun na rin ako sa opisina nag-retouch since paniguradong maraming nasa CR ngayon.

Napapitlag naman ako nang may magsalita. "Going somewhere?". Si Zach pala yun. Di ko naramdaman ang pagpasok nya sa opisina dahil tutok na tutok ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at ng sarili ko.

"Ay kalabaw ka! Ay Sir, sorry. Kakagulat naman kasi kayo. Ni hindi ko naramdaman yun pagpasok nyo", sabi ko.

"Ang gwapo ko namang kalabaw", sagot nito kasunod ng pagtawa. Napatulala na lang ako sa kanya. Ito ang unang beses na narinig ko syang tumawa. Parang musika sa tenga. Ang sarap lang namnamin. Akala ko, sya yun tipong hindi marunong tumawa. Lagi kasi syang seryoso at mukang masungit. Ang gwapo nya pala lalo. Grabe! Makalaglag panga naman ang lalaking to.

"Hey, natulala ka na riyan. May dumi ba ko sa muka?", untag nito sa akin.

"Ah wala naman sir. Nagulat lang ako kasi first time ko kayong narinig tumawa. Anyways, nagyaya kasi sina Lena magpunta sa bar. Baka gusto nyo sumama samin Sir?", tanong ko sa kanya.

"Hmm, sige. I'll join. As far as I know, wala na kong meeting for today, tama ba?", tanong nya.

"Ah wala na Sir. Our next appointment will be in Palawan na po", sagot ko.

"Well then, I'll come with you. Call Lena. Ask her the name of the bar. Sakin ka na lang sumabay", sambit nito.

"Ano daw? Sa kanya ako sasabay? My goodness. Bakit ba nayaya ko pa to? Tsaka malay ko bang sasama to?" Isip ko. "Sige sir. Tawagan ko na si Lena. Agad ko namang dinial ang local ni Lena.

"Hello, bakla, sang bar ba tayo pupunta? Tsaka san ang address nun?", tanong ko kay Lena.

"Itetext ko sayo. Teka, bakit mo pala tinatanong? E di ba sabay sabay naman tayong pupunta dun? Hindi ka pa sasabay samin? May gagawin ka pa? Urgent ba yan?", sunud-sunod na tanong nito.

"Hindi Lena. E kasi, niyaya ko si sir Zach. Di ko naman akalain, ayun, pumayag. Sasama daw sya. E sabi nya, sa kanya na daw ako sumabay. Kaya tinatanong ko sayo yun address at panagalan", sambit ko. At kasunod nun ay ang nakakabinging tili ni Lena.

"Bakla, ang taray mo. At napapayag mo talaga si Boss Zach? Yung masungit na yun, sasama satin? OMG, ibang level ka ateng. May gusto yan sayo. I'm sure of that!", sabi nito kasunod na naman ang malakas na tili. Namula naman ako sa tinuran nito.

"Huy bakla, anu ka ba? Tumigil ka nga dyan. May makarinig pa sayo, ma-issue pa ko", nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Sige na bakla, kitakits na lang dun. Tinext ko na sayo. Enjoy the ride. OMG talaga. Ikaw na. ang haba ng hair. Bye bye!", pamamaalam nito.

Talaga naman tong kaibigan kong to, gawan ba daw ako ng issue? At sa boss ko pa talaga? As if naman magkakagusto sakin ang gaya nya e di hamak na secretary lang naman nya ako. Malabongmalabo. In my dreams! Pagtutol ng utak ko.

"Are you done Alex? Shall we?", tanong ni Zach.

"Ah, yes Sir. Tara na po", sagot ko.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon