Two Hearts Binded as ONE

40K 649 21
                                    

It's the BIG day for Zach and Alex. The Villafuerte-De Dios Nuptial. We're all invited! Happy reading! :)

(Zach's POV)

Ang aga kong nagising. Parang halos di nga ako nakatulog masyado e. Kaya naman maaga akong nakapag-ayos. Maaga ko na ring ininform ang photographer para sa amin kung kaya't maaga na rin nasimulan ang picture taking na naka-schedule para sa akin. Maya maya pa'y dumating si Nick at pumunta sa aking silid.

"Eto na pare! The BIG day. Naks! Akalain mong ga-graduate ka na sa pagka-binata natin. Mami-miss kita tsong!", wika ni Nick.

"Sira! Miss ka dyan. Ikakasal lang ako ha, hindi ako mag-aabroad o kung ano pa man. Maka-miss ka naman dyan, parang di na tayo magkikita. Alalahanin mo, maraming project ang nakapila para sa El Grande at Royale Inc.", I said.

"Eto naman si Zach oh. Kasal mo ngayon, pwedeng off limits muna ang usapang trabaho? Tindi mo talaga. Kaya nga ba hindi ako takang umabot ng ganyan ang El Grande. Napaka-workaholic mo kasi", Nick.

"Hindi naman sa ganon. Pasasaan ba't aangat na din ang Royale", saad ko.

Naputol ang usapan namin nang tawagin ako ng aking ama.

"Zach, anak, pwede ka bang makausap sandali?", tanong ni Dad.

"Sure Dad. Nick, excuse lang ha?" paalam ko kay Nick at tumango ito.

"Nick, hiramin ko muna tong anak ko. Balik ko din sya sayo mamaya", biro ni Daddy kay Nick.

"Naku, no problem tito. Hintayin ko na lang po kayo sa baba", pamamaalam din ni Nick.

Kasalukuyan akong nandito sa bahay ni Dad. If you're looking for my mom, well, wala na sya e. Nasa piling na din sya ni Lord. Namatay sya nun highschool pa lang ako. Nagkaron kasi sya ng cancer. Inilihim nya sa amin yun. Nalaman na lang namin na stage 4 na pala at hindi na kakayanin ng chemo therapy. I really miss her. How I wish, dalawa sila ni Dad na maghahatid sa akin ngayong kasal namin ni Alex.

Iginiya ako ni Dad papunta sa library ng bahay nya at agad na naupo sa kanyang lamesa doon.

"Have a seat anak. May gusto lang akong sabihin sayo", he said. It was the first time when I felt this strange talking to my Dad. Sabagay, we usually talk about business and really less talk when it comes to personal matters.

"What about Dad?", I asked.

"Anak, I know, we really don't have this kind of talk between us. We seldom talk about personal matters. We usually talk about business. Well, I want to say sorry if I'm not able to be the father that I should be to you. Masyado akong nag-focus sa business and di man lang kita napagtuunan ng pansin. You have grown to be a fine man and I'm really proud of you anak. From what I see in you right now, you'll be a great husband and a great father, soon.", my Dad said.

I see tears in his eyes. It's been long since I last saw him cried. That was when my Mom died.

"Dad, for me you're a great father. I know it's hard for you when Mom died pero hindi ka nagpakita ng kahinaan sa amin, lalo na sa akin. You stood well para maitaguyod ako kahit mag-isa ka lang. Kaya nga eto, our business is up the hill. At kung ano man ako ngayon, hindi magiging ako, kung walang tulong at paggabay mo. I cannot run this business if you're not here to guide me Dad. So, thankful ako for you being as my father and my mentor", I said.

"Thank you anak. Masasabi ko lang, kahit kasal ka na, andito pa rin ako para sumuporta sa inyo ni Alex. Basta anak, asikasuhin mo agad ha?", natatawang sabi ni Dad.

"Asikasuhin ang alin Dad?, takang tanong ko.

"Aba, e di ang aking mga magiging apo. Take note, "MGA", kaya dapat magaling ang tuhod, okay?", he added. Natawa ako sa sinabing yun ni Dad. It's nice to see the softer side of him. Palibhasa, nasanay nga ako na palagi syang seryoso sa trabaho. "Well, let's go ahead. It's time for us to go to church. Are you excited?", he asked.

My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon