Protecting the Princess

34.3K 647 5
                                        

(Zach's POV)

Kasalukuyan akong nasa opisina ko. Di mawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ko nung araw na yun na sinagot nya ko. Di ko talaga napigilan ang sayang nararamdaman ko kaya napasigaw talaga ko, reason para mapatingin ang lahat ng tao sa kinaroroonan ng table namin ni Alex. Fresh na fresh pa rin sa utak ko ang tagpong yun. The way how Alex told me she wanted to be my girlfriend. Sobrang nakakataba ng puso.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang may nagtext sa cellphone ko.

Hon, received the flowers. Thank you. –Alex

You're welcome Hon. Glad you liked them. –Zach

Anything from my prince, well appreciated yan. :) –Alex

Naks! I love you hon. <3 –Zach

I love you too! <3 –Alex

I'll see you later. I'll fetch you from the office. Gusto ko din makausap si Nick. –Zach

Okay! See you! :* -Alex

Ngiting ngiti na naman ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. We're official now. Kami na nga talaga. I'm so happy with Alex. And I think, I want to spend the rest of my life with her. She's really a wife material. I know she'll be a good wife and a good mother to our children.

Naputol na naman ang pagmumuni muni ko nang biglang may pumasok sa opisina ko.

"Mam, di po kayo pwedeng pumasok dyan kung wala po kayong appointment", wika ng bago kong sekretarya. "Sir, sorry po. Pinigilan ko naman po sya e kaso ayaw po talagang papigil", dagdag pa nito.

"It's okay Annie. You may now go back to your table. I'll deal with her", I instructed. Ever since na umalis si Alex ay ipina-transfer ko sa labas ng office ang table ng secretary ko. "What do you want Monique? How many times should I tell you na hindi ka pwedeng pumunta dito nang wala kang appointment? Was it so hard to understand?", inis kong sabi.

"Well, I'm sorry Babe. I just really miss you. I wanted to see you and I can't help myself not to do anything about it", wika ni Monique na tila nang-aakit.

Looking at her, she really changed a lot. She's wearing a dress ending at the middle of her thigh and with a really low neckline, enough to view her cleavage. What is she trying to do? Seduce me? Well, it will never work. I love Alex and nobody can change that. Kahit ilang babae pa ang maghubad sa harapan ko, my heart belongs only to Alex.

"Monique, please stop calling me babe. We're not together anymore. For the last time, I want to clear everything between us. Wala na tayo, okay? Tapos na at hindi na pwedeng maibalik pa. In fact, I'm in a relationship now at ayokong masira yun nang dahil lang sa nakaraan ko. So please, stop wasting your time coming back en forth here. Wala ka na rin naman mapapala. I'm not telling you this to hurt you. Sinasabi ko to kasi ayoko nang mahirapan ka pa. I have loved you and I care for you. I still does care for you kasi may pinagsamahan naman tayo. Pero hanggang dun na lang kasi yun. Kung anuman ang nangyari, maybe nangyari yun kasi may dahilan. Kung nasaktan mo man ako noon, I forgive you. Iniwan ko na ang masasakit na alaala Monique. I want to move on with my life. And that's with Alex. Masaya na ako sa kanya and I hope tanggapin mo na yun", turan ko kay Monique.

At nagulat ako sa naging reaksyon ni Monique. She's crying!

"Zach, please, I love you. I really love you. Come back to me please. Give me another chance. I can't live my life without you. You're everything to me. Hindi ko kaya Zach", pagmamakaawa nya sa akin.

"I'm sorry Monique. It's over!" tanging nasabi ko.

"NO! Akin ka lang Zach. You're mine, only mine! Hindi ko hahayaang mapunta ka sa babaeng yon! I'll make her life miserable pag hindi ka bumalik ka sakin Zach. Gagawin ko ang lahat mapaghiwalay lang kayong dalawa", banta nito.

"I'll never let that happen, Monique. Ni dulo ng daliri, hinding hindi ko hahayaang masaktan mo si Alex. Dadaan ka muna saken bago mo sya magawang saktan. Now, kung wala ka ng iba pang sasabihin, leave my office. And don't you ever come back again" mariing sabi ko sa kanya.

"You'll pay for this Zach. You'll pay for rejecting me. You and that flirt!" sigaw nito at tuluyan nang lumabas ng opisina ko.

Sa mga sinabing yun ni Monique, hindi ko maiwasan ang mangamba para sa kaligtasan ni Alex. I should do something about this bago pa makagawa ng anuman si Monique na magpapahamak kay Alex. Hinding hindi ko hahayaang masaktan nya ang babaeng pinakmamahal ko. Agad agad ay tumawag ako sa isang security agency at nag-inquire para sa magiging bodyguards ni Alex. They have agreed naman and informed na pwede na magsimula agad. I instructed them to proceed to my office first at saka ko sila isasama papunta kay Alex. Baka kasi magulat ito at matakot. Kakausapin ko muna sya tungkol dito.

Time to pick up my princess. Nagtext agad ako sa kanya.

Hon, I'm done here. Punta na ko dyan. See you! I love you princess. –Zach

Okay! Tapusin ko lang tong isang report at mag-aayos na din ako ng mga gamit ko. I love you too my prince. San ka pala dederetso? –Alex

Punta lang ako saglit sa office ni Nick. Daanan mo na lang ako dun! –Zach

Okay! :) –Alex

I was already in Nick's office. Naikwento ko na din sa kanya ang nangyari kanina sa office.

"Grabe pare, matindi din yang si Monique no? Ang lakas ng tama sayo. Matapos kang lokohin, ang lakas ng loob bumalik. Tibay din ng muka nya" sabi ni Nick.

"Hindi naman yun ang mas iniisip ko. Mas iniisip ko ang kalagayan ni Alex. Ayokong masaktan sya. Ayokong mapahamak sya nang dahil kay Monique. At kung may gagawin nga si Monique, hindi ko talaga sya mapapatawad. Hinding hindi ko hahayaang masaktan nya si Alex", sagot ko nang may kumatok sa pinto.

"Mukang yun prinsesa mo na yan. Come in!", ika ni Nick.

"Hi! Nakaistorbo ba ko sa inyo?", bati ni Alex.

"Hindi hon. Come, dito ka sa tabi ko maupo. May sasabihin kasi ako sayo", I said while tapping the space beside me in the couch.

Lumakad palapit sakin si Alex. I gave her a quick kiss in her cheek after nyang maupo, kasunod ng pag-akbay ko sa kanya.

"Whoa! Sweetness overload. Baka langgamin tong office ko ha?", biro ni Nick.

"Sira! Puro ka kalokohan. Palibhasa, playboy ka at wala yatang planong magseryoso", sagot ko.

"Wow ah. Look who's talking now. Ikaw ah! Porke't may lovelife ka na e sobra ka naman mamersonal", sagot naman ni Nick.

"Naku, tumigil na nga kayo dyan. Teka, ano ba yun sasabihin mo sakin?" singit ni Alex.

"Well, ganito kasi yun--," at ikinwento ko kay Alex ang nangyari. "Kaya ngayon, you will not be leaving without your bodyguards", pagtatapos ko.

"Bodyguards?? Ayoko nun! Eksena pa yun e! Wag na lang!", pagtutol ni Alex.

"No! It's for your safety hon. Hindi natin alam kung anong pwedeng gawin ni Monique. I think, she's uncontrollable now. At ikaw lang ang iniisip ko", pilit ko.

"Zach's right Alex. It's for your own good. Mahirap na. Knowing Monique, iba din talaga ang takbo ng utak nun. Kaya, you better stick with the plan of Zach", sabi pa ni Nick.

"Okay okay. Fine! Kayo na ang panalo" pagkuwa'y pagpayag din ng dalaga.

"Thanks Hon!", sabi ko. "Pano Nick, we'll go ahead na. Gusto mo bang sumama, kakain kami sa labas", yaya ko.

"No way! Ano ko, chaperone? Kayo na lang. Baka makaabala pa ko sa love birds!" panunukso nito.

"Hay naku Pare, ikaw na talaga. Number one sa kalokohan! Sya sige na, mauna na kami sayo. Ingat ka pag-uwi", pamamaalam ko.

Niyaya ko na si Alex papunta sa parking lot. Kasunod naman namin ang mga bodyguard na hinire ko para sa proteksyon namin ni Alex.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon