Gaining Back the Memories

37.7K 688 2
                                    

(Zach's POV)

Nagpadaan muna si Nick sa Royale Inc. Kinailangan kasi sya sa opisina dahil sa pagdating ng isang unexpected na bisita. At nang marating namin ang ospital ay dinala ko si Alex sa ninang ko na magaling na specialist pagdating sa case nya. Sakto naman na wala itong gaanong pasyente kung kaya't mabilis din silang natawag.

"Mr. Villafuerte? Pwede na po kayong pumasok", ika ng secretary ni Dra. Cruz.

Lumingon naman si ako kay Alex. Tumayo na rin naman agad ito at lumapit sa tabi ko. I was surprised with what she did. She held my hand and said, "Natatakot ako".

"Don't worry, andito lang ako. Hinding hindi kita pababayaan. Sasamahan kita", I said. "How I wanted to hold her in my arms. To make her feel how much I wanted to stay with her. Pero ayokong matakot at lumayo ang loob nya sakin. Sa sitwasyon nya ngayon, I should be careful with my moves since hindi naman nya natatandaan that I am his boyfriend. I don't want her to think na sinasamantala ko ang sitwasyon nya", isip ko.

"Good morning Zach, how are you?", masiglang bati nito.

"Good morning Ninang. Okay naman po ako. Kayo po kamusta na?", sagot ko naman.

"I'm good, I'm good. You're a really grown up man now iho. What brought you here?", tanong nito.

"Ah kasi po Ninang, may kasama po ako. Actually, she's my girlfriend. But then, may amnesia po sya ngayon. Wala po syang natatandaan na kahit ano. I want her to be checked", saad ko.

"Oh, ganun ba? Ano bang nangyari? Bakit sya nagka-amnesia?", tanong nito. At isinalaysay ko sa kanya ang nangyari making sure na hindi muna ito maririnig ni Alex. Ayoko kasing mabigla ito.

"Poor girl! Napaka-tragic naman ng nangyari sa kanya. Well then, I'll start checking her. We'll see what we can do sa case nya", wika ng doktora. "Nene, let's start checking you?", tanong naman nito kay Alex.

Tumingin muna sa akin si Alex. "Don't worry, andito lang ako" I said looking at her. At tumango na ito at lumapit sa Ninang ko. Nagsimula na itong mag-conduct ng mga series of tests para sa kondisyon ni Alex. Noon din ay nalaman namin na meron syang Post-traumatic amnesia. Maaring naging bunga daw ito ng pagkakahulog ni Alex sa ilog. Maaring dahil din ito sa mga kailan lang ay dinanas ni Alex. Hindi naman daw ito permanente ngunit hindi masasabi kung kelan muling babalik ang lahat ng alaala nito.

Kung titingnan naman daw ang pisikal na pangangatawan ni Alex ay malusog ito at wala namang dapat ipag-alala. Nag-reseta lang ang Ninang ko ng mga bitamina na maaring makatulong pa sa mabilis pang pag-function ng utak ni Alex.

"So, if anything comes unexpectedly, bumalik kayo sakin" wika ni Ninang. "Alex, just in case na may maaalala ka, unti untiin mo lang. Don't force yourself na maibalik nang agaran ang alaala. Take it one step at a time. Baka kasi hindi makabuti sa brain kung pupwersahin. Your memories will surely come back", bilin pa nito kay Alex.

"Opo Doktora. Salamat po", sagot ni Alex.

"Ninang maraming salamat po. Tutuloy na kami", pamamaalam ko.

"Sure, no problem iho. Again, if anything unfamiliar happens that may be connected to her case, don't hesitate to call me, okay?", wika naman ni Ninang.

Tuluyan na kaming namaalam sa ninang ko at tumungo sa aking sasakyan.

"Alex, is it okay with you to stay with me at my house? I just wanted to assure na safe ka. And, I wanted to personally guide you para sa pagbabalik natin ng alaala mo. And as advised ni Ninang, we have to take it slowly", I said.

"I understand. It will be fine with me. Tutal, sa ngayon e ikaw lang naman ang kilala ko at sa tingin ko e pwedeng makatulong sakin para mapabalik ang mga alaala ko", sagot ni Alex.

My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon