1st Meeting

67K 1.2K 13
                                    

(Zach's POV)

I was at the meeting room already scanning my presentation for the investors. "What was i thinking? It was just almost half a day of endorsement and now I demanded her to join this meeting this soon? Unang beses ko pa lang sya nakita, I thought there will be something special about her. The way she scanned me from top to toe, naisip kong sya yun tipong mahilig mag-observe. Mahilig manuri. I take nothing against it but hindi ako dapat magpadala. I should test her abilities. Many have tried and yet nabigo ako. I never had the kind of employee who can cope up with my pressures. Lahat sila sumusuko", takbo ng isip ko nang bigla na lang may kumatok sa pintuan.

"Come in!", sabi ko at iniluwa ng pinto ang babaeng laman ng isip ko kanina lang, si Alex.

"Ah Sir, Good afternoon. Would you mind if I stay here? I just have some questions in mind na kung sakali po e gusto kong itanong sa inyo", ika ni Alex.

"No problem Alex. But stop using "po". I guess my age wasn't that far from yours, isn't it?" sagot ko.

"Ah sige po, i mean, ok sir", sagot nito.

Kitang kita ko ang nerbyos sa pananalita ni Alex. Ganon ba ko nakakatakot? I was aware with the gossips at usap usapan ng lahat na napakasungit ko. Halos lahat sila, ganun ang impression sakin. I am really trying to get along but hindi ko alam kung anong pumipigil sakin. I guess I'm really weak with trusting others.

So, Alex and I discussed about the meeting. As we get along, unti unti kong nakikita kung gano kalawak mag-isip si Alex. Punung-puno sya ng ideas but she has this part na gustung gusto pa rin matuto nang maraming bagay mula sa iba.

The meeting has started and napakagaan ng usapan. Lumabas din kasi ang pagkakalog ni Alex which I think is nagustuhan ng mga investors namin. She was the type of girl na madaling makahuli ng loob ng iba. Just what I felt for her on the first place.

After the meeting, I instructed Alex to proceed to the office first. I have remained in the meeting room since may iba pa kaming dapat pag-usapan ng investor which happened to be my bestfriend.

"Zach, I'm seeing you've got a good employee here. I never thought that she was a newbie. Para na syang matagal na parte ng kumpanya nyo. A pretty, smart girl", wika ni Nick.

Nick was also a son of a well-known businessman. We've known each other since we were young. Sabi nga nila, para na kaming magkapatid at halos magkadikit na ang bituka. Royale Inc., their business, will soon be partnering with El Grande. Sure na ang pirmahan ng kontrata, gusto ko lang subukan ang kakayahan ni Alex. Although, she applied as my secretary, I wanted more from her as an employee. I see the potential in her.

"Well, it's too soon to relax. Marami pa syang pagdadaanan. Hindi lang naman ito ang magiging trabaho nya and I guess, marami pa kong dapat malaman sa kakayahan nya", sagot ko naman.

"Still the same old Zach. Masyadong mabusisi sa mga empleyado nya. Maybe, it's the same reason why wala ka pang lovelife sa ngayon. Or wag mo sabihing di ka pa rin nakakamove on kay Monique? Halos isang taon na din yun pare", turan ni Nick.

"Pare, labas si Monique dito. I don't want to talk about her. This is pure work. Wag mo haluan ng personal na bagay", sabi ko.

"Sabi mo e. Well, I have to go. I'll just send my attorney here para sa contract signing. This week kasi will be very tiring. Pano ba naman, si Dad, nagset ng mga business meetings at isang buong linggo talaga na puro meeting. Ok lang sana kung may mga magagandang babae dun kaso oldies naman ang mga kasama", iiling iling na sabi ni Nick.

"Umiral na naman yang pagka-playboy mo. Wag ka na magtaka na puro meeting kayo. Royale Inc. is making its way up and starts to get known in the industry. At since katulad lang kita na na-iisang anak, you have no choice but to attend those meetings. I've been there pare", sagot ko.

"Ok lang sayo pare kasi wala ka naman panahon sa babae', Nick.

"Sira ka talaga. Lumakad ka na nga at marami pa kong gagawin", pagtataboy ko kay Nick.

"Sya, sya, sige na, aalis na ko. One thing, paglaanan mo naman ng panahon ang social life mo dude. Tatanda ka nyang binata. Sayang naman ng magandang lahi kung di maipapasa", sabi ni Nick kasunod ng malulutong na tawa.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon