Way to Paradise

54.1K 979 8
                                    

Maaga ang alis nina Alex at Zach papuntang Palawan. Naayos na ni Alex ang mga gamit nya kahapon pa dala ng excitement nya dahil first time nyang makakarating doon. Alam nyang trabaho ang dahilan kung bakit sya pupunta don ngunit di nya pa rin mapigilan ang sariling manabik. Palabas na si Alex ng bahay nang may makita syang sasakyan na nakaparada sa labas. Namukhaan nya ang lalaking nakatayo sa tabi ng kotse, si Manuel, ang driver ni Zach.

"Mam Alex, good morning po. Akin na po yang mga gamit nyo", wika ni Manuel.

"S-salamat. Asan si Sir Zach? San nya tayo hinihintay? Sa airport na ba sya?", tanong ni Alex.

"Hindi po mam. Dun po sa rooftop ng opisina. Private chopper po ang sasakyan nyo papuntang Palawan. Andun na po si Sir at hinihintay na po tayo', nakangiting sabi ni Manuel.

"Oh my chopper! Ansabe nga naman? Bakit pa ko nagugulat e solong anak sya ng isang multi-billionaire at sya pa ngayon ang nagpapatakbo ng El Grande na isa sa malalaking kumpanya dito. What do I expect? Well, I guess, marami pa kong ikakagulat", isip ko na lang habang lulan kami ng sasakyan patungo sa opisina.

Nang makarating ng opisina ay ihinatid ni Manuel si Alex sa rooftop kung saan naroon ang private chopper at kasalukuyan ng lulan si Zach. Nakita ni Alex na busy ito sa laptop nito dahilan para di nito mapansin ang kanilang pagdating.

"Good morning Sir!" masiglang bati ni Alex.

"Good morning", seryosong sagot nito.

"OMG, balik na naman si Mr. Sungit. Ano ba yan! Ang lamig na nga dito sa rooftop, ang lamig pa ng makakasama ko. Tsk! Matutulog na lang ako sa byahe!", turan ng isip ni Alex.

"Jack, everything's set. Let's go!", sambit nito sa piloto ng chopper.

"Yes Sir!", maikling sagot nito.

Hindi na nagawang makatulog ni Alex sapagkat manghang mangha sya sa mga nakikita nya mula sa kinauupuan nya. Hindi nya akalaing ganito pala kaganda ang view mula sa itaas. Ang liit liit ng lahat ng bagay. Ang sarap pagmasdan ng kapaligiran.

Habang nakatanaw si Alex sa paligid ay di naman nito napapansin na tahimik syang pinagmamasdan ni Zach.

"Nakakatuwa syang panoorin Para syang batang musmos na tuwang tuwang sa mga nakikita nya. So innocent, so pure. Natural happiness and good aura. Kaya di nakapagtatakang madaling mahulog ang loob sa kanya ng mga tao sa paligid nya. She's just one of a kind", isip ni Zach.

Naglanding ang chopper nila sa isang resort. At sa di kalayuan, napansin ni Alex ang mga di nya kilalang tao na tingin nya'y mga empleyado dahil pare-pareho ito ng suotna damit. Inalalayan ni Zach si Alex habang bumababa ng chopper. At nang magdait ang kanilang mga palad ay tila may kuryenteng naramdaman si Alex. Dahilan para agad nitong bitiwan ang kamay ni Zach nang balanse na ang kanyang pagkakatayo.

"Jack, thank you for the safe trip. You can now go back to Manila. I will just be informing you when you'll pick us up" sabi nito sa piloto.

"Ok po Sir", tipid na sagot nito. Hinintay lang nito na makalayo kami at pinalipad na muli ang chopper. Samantala, tumakbo papalapit sa kanila ang isa sa mga nakaunipormeng lalaki.

"Good morning, Sir. Good morning, Mam. Ako na po ang magdadala ng mga gamit nyo", wika nito.

"Good morning!", sabay na sagot nina Alex at Zach.

"Philip, pakidala mo na lang yung mga gamit sa mga kwarto. Ihatid mo na din don si Alex. Then, please tell the others to prepare breakfast for us. Count everyone in", turan ni Zach.

"Opo sir", maikling sagot ni Philip.

"Meanwhile, join him Alex. I'll see you at the dining area by 8:00AM for the breakfast. Our meeting is scheduled after lunch so you have plenty of time to relax. Enjoy your stay!", sabi ni Zach sa akin at pagkuwa'y tumalikod na papunta sa isang kwarto na naroroon.

"Mam, dito po tayo", turo ni Philip patungo sa magiging kwarto ko. Humanga na naman si Alex sa nakikita ng kanyang mga mata. Iba't ibang painting,maraming antique na gamit, ngunit higit sa lahat ay ang ambience. Nakakagaan sa pakiramdam. Tunay na nakakarelax.

"Mam, ito po ang magiging kwarto ninyo. Susunduin na lang po kayo dito mamaya pag handa na po ang inyong umagahan. Enjoy mam!", sabi ni Philip.

"Thank you Philip", sagot ni Alex at iniwan na sya nito.

Nang makapasok si Alex sa kanyang kwarto ay halos lumuwa ang kanyang mga mata sa ganda niyon. Napakalambot ng kama. Hinawi niya ang kurtina at bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin. Lumabas sya sa veranda at lumanghap ng sariwang hangin. Napansin naman nya sa di kalayuan si Zach na may kausap sa cellphonenito.

"Sino kayang kausap nya? Yun kameeting siguro namin mamaya. Napaka-workaholic nya talaga", isip ni Alex at pumasok na din sa loob upang magbihis.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon