Bad Moves ni Ex

32.5K 595 9
                                    

Nang makatapos nang kumain sina Alex at Zach ay dumeretso na sila pauwi ng bahay. Alam nyang magtataka ang mga ito dahil may mga maiiwang bodyguards kung kaya't ipinaliwanag na rin nito ang sitwasyon. Matapos makapagsabi ay agad na rin nagpaalam si Zach dahil masyado itong gagabihin sa byahe.

"Nay, Tay, tutuloy na po ako. Maaga pa ho kasi ang alis ko bukas at pa-Bacolod po ako. Hinatid ko lang po si Alex. Magstay po dito yun mga bodyguards", wika ni Zach..

"Iho, pwede ka ba makausap saglit. Dun tayo sa labas?", ika ni Tatang Gustin.

"Sige ho!", nagtatakang sagot ni Zach at sumunod na rin agad kay Tatang Gustin.

"Iho, buo na ang tiwala ko sayo na hindi mo pababayaan ang anak namin. Ipangako mo sa akin na hinding hindi mo sya sasaktan at lagi mo syang pag-iingatan. Mahalin mo sya gaya ng pagmamahal namin sa kanya!", wika ni Tatang Gustin.

"Tay, makakaasa po kayo. Buong puso ko pong iingatan si Alex. At mahal na mahal ko po talaga sya kaya hindi ko po kakayanin ang masaktan sya", pangako ni Zach.

"Maraming salamat iho. Panatag ang loob ko para sa inyong dalawa", wika pa ni Tatang Gustin.

Napangiti na lang si Zach sa tinuran nito at bumalik na sila sa loob ng bahay.

"Nay, Tay, alis na ho ako", paalam ni Zach at nagmano na sa dalawang matanda.

"Sige iho", sabay na wika nina Nanang Julia at Tatang Gustin kasunod ng matatamis nilang ngiti.

"Nang, Tang, hahatid ko lang po sa labas si Zach. Papasok din po ako agad", wika naman ni Alex.

Tumango lang sina Nanang Julia at Tatang Gustin. Lumakad na palabas sina Alex at Zach kung saan nakaparada ang kotse nito. Naroroon pa din naman ang mga bodyguards nila.

"Hon, pano, tutuloy na ako. Maaga pa kasi bukas e. Pa-Bacolod kasi kami. Tatawagan at itetext naman kita. Ganun din gawin mo ha? I-update mo ako palagi", bilin ni Zach.

"Oo hon. Wag ka masyadong mag-alala. Kita mo nga, ang dami dami mong iniwang bodyguard dito. May magtatangka pa ba?", pabirong sagot ni Alex.

"Hon, I just wanted to assure you're safe. Di mo maiaalis sakin ang mag-alala. Malayo ako sayo bukas. I will not be around to protect you", may pag-aalalang sabi ni Zach.

"Hm, I understand Hon. Thank you for always taking care of me. I love you my prince!", sambit ni Alex.

"I love you too princess. You're everything to me now", sabi ni Zach at niyakap si Alex. "Pano, aalis na ko. Mag-iingat ka. Pumasok ka na agad sa loob", pamamaalam ni Zach at hinalikan si Alex sa labi bago tuluyang umalis.

Nang mawala na sa paningin ni Alex ang sasakyan ni Zach ay agad na itong pumasok sa loob ng bahay. Kasunod naman nya ang mga iniwang bodyguards ni Zach. Ang ilan ay nasa loob at ang iba ay nasa labas ng bahay. Sinilip nya ang kanyang Nanang at Tatang bago dumeretso sa kanyang kwarto.

"Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit parang kinakabahan ako? Haay, Lord, wag nyo po kami pababayaan ng pamilya ko. Kayo na po ang bahala sa amin at kay Zach", dalangin ni Alex. Agad na kinuha ni Alex ang cellphone nya at itinext si Zach.

Hon, dito na ko sa loob ng bahay. Ingat ka sa byahe mo. See you again soon. I love you prince. Call me when you get home. :) –Alex

Inaasahan na ni Alex na hindi ito magrereply dahil ito ang nagmamaneho. Halos mag-inikot sa higaan si Alex. Hindi sya mapakali. Bumangon sya para kumuha ng tubig sa kusina. Nagulat sya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nya.

"Sino kayo?? Anong kailangan nyo??" takot na takot na tanong ni Alex. Ngunit ang higit na nagpatindi ng takot nya ay nang makita nya ang kanyang mga magulang na nakahiga sa sahig na duguan. Nanghilakbot si Alex sa mga nakita nya. Naroroon din ang mga bodyguards ni Alex ngunit mga wala na ring buhay.

"Nanang!!!! Tatang!!!!", sigaw ni Alex at agad na tumakbo sa kinaroroonan ng mga ito. Ngunit, wala na sila. Dala ng dami ng tama ng bala. "Mga wala kayong puso! Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo! Bakit nyo ginawa to sa mga magulang ko!", sigaw ni Alex kasabay ng paglandas ng mga luha sa kanyang mga mata.

Hinila si Alex ng isa sa mga goons na naroroon. Sinubukan nyang magpumiglas at humingi sana ng tulong subalit sinikmuraan sya nito. Dala ng tindi ng ginawa ng goon ay nahilo at tuluyan nang nawalan ng malay si Alex. Binuhat sya ng mga ito at dinala sa sasakyan at mabilis na tumalilis.

"Bakit hindi sya sumasagot? Tulog na ba agad sya?" sabi ni Zach habang paulit ulit nyang dina-dial ang number ni Alex.

Maya maya'y tumunog ang cellphone ni Zach. Agad nya itong inabot at sinagot nang makita ang naka-register na number sa screen, si Alex.

"Hon, kanina pa ko tumatawag sayo. Ok ka lang ba?" tanong ni Zach.

"Hello Babe. How are you?", tanong ng nasa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ni Zach nang marinig ang boses mula sa kabilang linya.

"Monique!! Anong ginawa mo kay Alex? Wag na wag mo syang sasaktan! Pagbabayaran mo ng mahal pag sinaktan mo sya!", sigaw ni Zach sa kausap.

"Oh, how sweet of you! Well, nasa akin lang naman si Alex. I told you, hindi ko kayo hahayaang maging masaya. No one can have you except me Zach. But, before kayong magkahiwalay, I'll give you some time para makapagpaalam sa kanya. I'll text you the address. Don't dare bring policemen with you or I'll shoot your girl's little head!", wika ni Monique at pinutol na ang linya.

"My God! I shouldn't have left them. Nag-stay na lang sana ako dun. Wait! Sina Nanang at Tatang, anong nangyrai sa kanila?",pagkaisip niyon ni Zach ay agad na tinungo nito ang kanyang sasakyan at pinasibad papunta sa bahay nina Alex. Tinawagan nya si Nick at sinabing pumunta sa bahay nina Alex at magsama ng mga pulis. Nanghilakbot si Zach sa inabutan nya. Ang mga bodyguards na wala ng buhay. Higit sa lahat ay ang mga magulang ni Alex, patay na rin ang mga ito. Naglandas ang mga luha ni Zach sa nangyari at biglang pumasok sa isip nya ang mga bilin ni Tatang Gustin. Lalo pa syang napahagulgol sa naisip.

"Monique!!! Bakit mo to nagawa?? Hindi kita mapapatawad! I'll make sure na makukulong ka at kung sino mang mga kasama mo dito!!" sigaw ni Zach.

Maya maya pa'y dumating na si Nick kasama ang mga pulis. Nanlaki ang mga mata nito sa inabutan at kaagad na hinanap si Zach.

"Pare, anong nangyari dito? Nasan si Alex?", may pag-aalalang tanong nito.

"Hawak sya ni Monique pare. She kidnapped her. At pinapupunta nya ko dun ngayon. She's gonna kill Alex. Hindi ko alam ang gagawin ko", sagot ni Zach.

"Calm down. Let's coordinate this with the police, matutulungan nila tayong magplano", suggest ni Nick.

At sinabi nga ni Zach ang lahat sa mga pulis. Nag-isip ang mga ito ng plano. Sinabing pagsikat ng araw, kikilos sila agad. "I'm so damn worried! Ang tagal ng oras. Gusto ko na syang puntahan! Kamusta na kaya sya? Sana ligtas lang sya! Hindi ko mapapatawad si Monique pag sinaktan nya si Alex. Kahit babae sya, hindi ko sya sasantuhin pag may ginawa syang masama kay Alex. Pagbabayaran nya to sa kulungan!" mariing isip ni Zach.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon