Permiso

40.3K 734 4
                                    

(Alex's POV)

Dun pa rin kami sa El Grande bumaba. Hindi na lang kami dumaan sa office at dumeretso na sa parking area kung saan naroroon ang sasakyan ni Zach. Dumaan muna kami sa restaurant na sinasabi niya at di naman ako nabigo. Sobrang sarap ng mga pagkain na sineserve nila. Nabusog talaga ako. At sabi pa nya ay dadalhin pa nya ko sa iba pang restaurant na masasarap ang pagkain. Gusto pa ata nya akong patabain. Anyways, sabi naman nya, "Don't worry, kahit pa anong maging itsura mo, kahit tumaba ka pa nang sobra, mamahalin pa rin kita", ulit ng utak ko sa sinabi nya. Haay, sarap lang main-love.

"Princess, are you done? Nabusog ka ba?", tanong ni Zach.

"Sobrang busog kamo! Ang sarap ng pagkain nila dito Zach. Re-recommend ko to sa mga kaibigan ko", sagot ko. Speaking of kaibigan, naisip ko tuloy si Lena. Kailangan ikwento ko to sa kanya at pag hindi, sigurado akong magtatampo yun.

"Glad that I made you happy", nakangiti namang sagot nito. "Haay, ang gwapo mo talaga. Sa mga ngiti mo pa lang, sobrang in-love na in-love na ko sayo", wika ng isip ko.

"So, if you're finish, let's go ahead. Marami pa tayong pupuntahan", yaya nito sa akin. Agad naman nitong tinawag ang waiter at kinuha ang bill.

Sumakay na kami ng sasakyan at umusad patungo sa sementeryo kung saan nakalibing ang aking mga tunay na magulang. Dumaan muna kami sa isang flower shop at bumili ng bulaklak na dadalhin namin sa puntod. Bumili na rin kami ng mga kandila. Habang papalapit kami ay di ko maintindihan ang tibok ng aking puso. Unang lalaki kasi si Zach sa buhay ko. Unang hihingi ng permiso sa mga magulang ko. At unang lalaki na minahal ko ng ganito. Nakarating na kami sa sementeryo at naglakad na patungo sa puntod ng aking mga magulang.

"We're here", banggit ko ngunit napansin ko si Zach a distance from me. "Hey, bakit andyan ka? Anong nangyari sayo? Lumapit ka kaya dito!", tawag ko sa kanya. Unti-unti naman syang lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo dun? Kanina lang kasabay kita sa paglalakad di ba?" tanong ko.

"E k-kasi... Nahihiya ako e" sagot nya. Natawa ako sa sinabi nyang yun but I found it cute. Di ko akalaing ang lalaking to ay mahihiya sa mga magulang ko na kapwa namin alam na nasa heaven na. Seeing him like this made me appreciate him more. Nakakatuwang isipin na kahit ganito ang sitwasyon ay nakaramdam sya ng hiya.

"I'm here. Sabay tayong magsasabi", nakangiting sabi ko sabay abot sa kamay nya. "Mom, Dad, hi. It's me Alex, your little girl, but not for so long. Ahm, I'm with someone now. Mom, Dad, meet Zach. Actually, he's my boss. And, ahm, well, your little girl fell in love with this guy. And now, he's here to ask permission from you. He wanted to court me", sabi ko.

"Ahm, hello po. Good morning. Mr. and Mrs. De Dios. Ako po si Zach Villafuerte. Ah-, eh-, ano po, ahm, kwan po kasi. Ah, gusto ko ho sanang magpaalam at humingi ng permiso sa inyo. Ah, gusto ko po sanang ligawan ang anak nyo. Pero ano po, wag po kayong mag-alala, hindi ko po sasaktan si Alex. Mamahalin ko po sya nang buong buo. Iingatan ko po ang anak nyo. Maaasahan nyo po yan", sambit ni Zach at nagbabadya na naman tumulo ang aking mga luha.

Tila naramdaman naman ako ni Zach. Inakbayan nya ako at ngumiti sa akin. Naupo muna kami sa tabi ng puntod nila. Maya maya'y tila may malamig na hangin na humaplos sa amin at napatingin kami sa isa't isa.

"I guess, sumagot na sila Zach", turan ko.

"Yeah. I think I felt them with us", he said then kissed me in the forehead.

Nag-stay pa kami ng kaunti at maya maya'y nagpaalam na rin. Magaan ang loob ko nang pabalik na kami sa sasakyan. Next stop will be sa bahay. Hihingi naman ng permiso si Zach kina Nanang at Tatang. Bumyahe na kami pauwi ng bahay. At habang nasa byahe ay hawak ni Zach ang aking kamay. Dumaan muna kami sa isang shop at bumili ng ilang makakain.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad na binuhat ni Zach ang aking mga gamit habang ako'y pumasok na sa loob dala ang mga pinamili upang hanapin sina Nanang at Tatang. Natagpuan ko naman sila sa likod bahay.

"Nang, Tang, andito na po ako", tawag ko sa kanila. Sabay naman silang napalingon sa aking pagdating,

"Oh, andyan ka na pala anak. Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Tatang.

"Hindi po, Tang. Halos kadarating lang po namin", sagot ko naman.

"Namin? Ibig sabihin ay may kasama ka? Nasaan sya?", tanong ni Nanang.

"Ah oho, kasama ko po si Zach", sagot ko.

"Ay sya, pumasok na kayo sa loob. Tatapusin ko lang itong sinigang ko at ako'y susunod na." saad ni Tatang. "Ay Julia, samahan mo na sila sa loob", baling naman nito kay Nanang.

"Asan ba sya anak? Halina't pumasok na tayo sa loob", wika ni Nanang.

Lumabas ako para tawagin si Zach. Niyaya ko na sya papasok sa loob ng bahay kung saan naghihintay na si Nanang.

"Nay, magandang umaga po" bati ni Zach at nagmano kay Nanang.

"Kaawaan ka ng Dyos iho. Magandang umaga din naman. Ay, maupo ka", saad ni Nanang.

"Salamat po", Zach.

"Ay, salamat sa paghatid mo sa anak namin. Maigi't nakarating kayo nang matiwasay. Kamusta naman ang lakad ninyo?", tanong ni Nanang.

"Mabuti naman po Nay. Nag-enjoy din naman ho kami. Ipinasyal ko na din ho kasi doon si Alex at unang beses nya ho palang makarating sa Palawan", sagot ni Zach.

"Ah, oo nga. Unang beses nyang makalayo. Kalimitan kasi ay sa bahay lang yang anak namin", sambit pa ni Nanang. Pumasok naman si Tatang mula sa likod bahay at agad naman tumayo si Zach.

"Tay, magandang umaga po", bati ni Zach at nagmano din ito. Nakita ko ang kakaibang tingin sa mata ni Tatang. Tila may naiisip na ito.

"Magandang umaga din naman iho. E bukod sa paghatid sa anak namin, nahihinuha kong may iba ka pang pakay, tama ba ako?", tanong ni Tatang.

Nagulat naman si Zach sa tinuran ni Tatang at ilang beses napalunok bago nakapagsalita.

"Ah-, eh-, oho. Dederetsahin ko na po kayo. Gusto ko ho sanang humingi ng permiso mula sa inyo. Gusto ko hong ligawan si Alex. Wag ho kayong mag-alala, hinding hindi ko ho sya sasaktan. Aalagaan ko ho sya kagaya ng pag-aalaga at pag-iingat nyo sa kanya", sagot ni Zach.

"Iho, sa totoo lang, gusto ka naman namin para sa kanya. Nung unang beses ka namin nakilala ay ramdam na namin na aabot kayo sa ganito subalit hindi naman kami ang makakasagot nyan kundi ang anak pa rin naming si Alex", wika ni Nanang.

"Alex, anak, ikaw ba, anong pasya mo? Kami naman ng Nanang mo ay andito para gumabay sa inyo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon dito. Kung gusto mo sya, susuportahan ka namin", ika ni Tatang habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Zach.

"Nanang, Tatang, gusto ko ho si Zach. Mahal ko po sya", tangi kong sagot.

"Kung ganun, malinaw na. Basta, tandaan mo, Alex, wag na wag kang maglilihim sa amin ng Nanang mo. Pag sinaktan ka ng lalaking ito, itak ko ang haharapin nya", wika ni Tatang. Natawa naman ako dito subalit magaan din ang pakiramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin kahit hindi nila ako tunay na anak.

"Eto namang si Gustin, tinakot naman agad yun binata", sabat naman ni Nanang.

"Aba, Julia, dapat lang na matakot sya. Subukan lang nyang saktan ang anak natin. E makikita nya talaga ang sakit ng katawan na hinahanap nya. Aba e malakas pa ata ako sa alaga nating kalabaw", ika pa ni Tatang.

Nagkatawanan naman kaming lahat. Nagkatinginan kami ni Zach at ngumiti sa isa't isa. Kapwa namin alam na pareho gumaan ang aming mga pakiramdam dahil naging maayos ang lahat sa pagpapaalam namin sa aking mga magulang.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon