Slept at the Wrong House

58.8K 1.1K 9
                                    

(Zach's POV)

She was sleeping like an angel. Napakapayapa ng pagtulog nya. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang galit sya sakin kanina? Anong ginawa ko? Anong kasalanan ko? Teka, pano ko ba sya ihahatid? Hindi ko alam ang bahay nila. I didn't mind checking where she lives.

Alex woke up when the sun beams through her face. "Ang sakit ng ulo ko. Bakit ba kasi naparami ako ng inom. Teka, pano pala ko nakauwi? Teka, hindi ko to kwarto. Nasan ako? OMG. May kumidnap ba sakin? Wala kong pambayad ng ransom.", gulung gulong isip ni Alex.

"Good morning princess. Gising ka na pala. Gigisingin palang sana kita so you can eat your breakfast pero-", bati ko kay Alex.

"T-Teka, anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito? Bakit tayo andito? Ikaw ba yung kidnapper? Wala akong pang-ransom!", sagot ni Alex na ikinagulat ko dahilan para di ko matapos ang sasabihin ko. Namalayan ko na lang na halos mamilipit na pala ako sa kakatawa dahil sa sinabi nya. "A-anong nakakatawa?", nakasimangot na tanong nito.

"Nakakatawa ka talaga Alex. You made my day. You really think na kinidnap kita princess?", sabi ko sa kanya.

"Princess? Bakit ba tinatawag nya kong princess? Kanina pa to ah.", ngitngit ng utak ni Alex. "E asan ba tayo? Bakit magkasama tayo?", turan ni Alex.

"Andito tayo sa bahay ko. You were drunk last night that you can't even manage to walk by yourself. Nang maisakay kita sa kotse, I asked where you live but then, nakatulog ka na pala. Since I don't have any idea where you live at wala din naman akong number ni Lena, I brought you here. Don't worry, wala akong ginawang masama sayo. As you can see, you're wearing the same clothes. Now, bago natin ituloy to, eat your breakfast first. Hindi na masarap yan kung malamig na. I'll just go get a shower. I'll bring you home at baka nag-aalala na sayo ang parents mo", explain ko sa kanya.

"OMG, andito ko sa bahay nya? Kami lang dalawa? Teka, ano ba kasing nangyari kagabi? Ang sakit sakit ng ulo ko. Sa huling pagkakatanda ko, si David ang kasama ko. GOSH! Si David! Nagtapat nga pala sya sakin and I turned him down. But hindi ito ang panahon para dun. Naku, anong sasabihin ko kina nanang at tatang nito. Magagalit sila sakin.", pamomroblema ni Alex nang bigla na lang kumalam ang tyan nya. "Gutom na ko. Ano kayang hinanda nyang breakfast?", sabi nito sabay ng pagbuklat ng dinala ni Zach para sa kanya. At napa-wow sya sa nakita nya. "Sya kaya ang nagluto nito?",tanong nya at nagsimula na syang kumain.

"I did. Ako ang nagluto nyan. Mag-isa lang ako dito sa bahay. That's why I learned how to cook for myself. Did you like them?", sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat ni Alex at muntik na itong mabilaukan. "Are you okay?", nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"O-oo. Hindi ka ba marunong kumatok? Nakakagulat ka naman kasi. Para kang kabute, sulpot ka na lang nang sulpot!", sabi nya.

"I'm sorry. Hindi lang kasi ako sanay na may kasama sa bahay. It was the first time I brought someone home", sagot ko.

"Wow, ako ang una nyang dinala dito sa bahay nya? Ang swerte ko naman! Special ako?" "Asa ka naman! Lasing ka lang kagabi at hindi nya alam ang bahay nyo kaya andito ka ngayon", pagtatalo ng isip ni Alex.

"I wished I can access that mind of yours. Sa tingin ko, napakaraming tumatakbo dyan", nangingiti kong sabi.

Simangot lang ang isinagot sakin ni Alex at ngumiti na lang ako sa kanya.

"Get ready, I'll take you home after you eat your breakfast! I'll wait for you downstairs", turan ko sa kanya.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon