Mabilis pang lumipas ang mga araw. Zach and Alex are now celebrating their first anniversary.
(Zach's POV)
"Pare, I want this to be perfect for Alex", I said.
"I know pare. Pwede ba! Mag-relax ka nga dyan! You've already prepared this for a long time. Kumalma ka kaya!" sagot ni Nick.
"Hay naku, nasasabi mo yan kasi wala ka naman sa sitwasyon ko. Nakaka-nerbyos kaya. What if she won't say yes?", I asked. Napapraning na ata ko.
"Wow! Paranoid lang? Pag-ibig nga naman!", Nick said.
At inayos ko na ang lahat. Panay ang tawag ko sa mga kakuntsaba ko kuno kasama na ang bestfriend ni Alex na si Lena.
"Hello, Lena, anong balita na dyan? Okay na ba lahat?", I asked.
"Of course yes! Ako pa. Don't cha worry. Be happy. Kumalma ka nga. Proposal pa lang to ha? Hindi pa to wedding. OMG! Kakakulot ka ng buhok. Over mag-panic!", saad ni Lena.
"Grabe, you spoke just like Nick. Parehong pareho kayong dalawa bumanat", I said.
"Please....(with matching ikot ng eyeballs,), pwede ba, wag nyo nga kong i-match sa kanya. That one heck of a playboy! Pagbubuhulin ko kayo ni Alex e. Isasabutahe ko tong proposal mo", pagbabanta ni Lena.
"Ahhh, wag naman ganun. Bati na tayo!", pagsusumamo ni Zach.
"Kidding! Ikaw talaga. Ke-OA mo. Sige na. Pumunta ka na sa venue and ako naman na ang bahala kay bestfriend. Huminga ka ha? Baka pagdating namin don, dedbols ka na nang dahil sa nerbyos! Ciao!", pagbibiro pa ni Lena at pinutol na ang kabilang linya.
Meanwhile, I went to my car to drive myself towards the venue we set for my proposal. I really wanted this so much. I really wanted to spend my whole life with her. She means the world to me now. Everything I have is nothing without her. As I come closer to the venue, I was amazed to see the venue. It was more than what I have expected it to be. And ngayon pa lang, I'm very thankful sa lahat ng mga tumulong sakin. Actually, we've set things up for Alex. Pinalabas namin na may meeting para sa isang event na host ang El Grande. As a coordinator, I chose her to do the preparations together with Lena as the representative for the Finance Department. Well, let's see how it goes.
(Alex's POV)
"Bakla, anong petsa na? Late na tayo. Aba e anong klaseng damit ba yang sinusuot mo? Gown ba yan at ang pagkatagal mo naman? Lusaw na ang make up ko girl! Kaloka!", sigaw ni Lena.
"Saglit lang. Eto na nga o, pababa na. Sabi mo kasi kailangan naka-dress. Ano bang klaseng meeting to at may requirement pa sa attire? Di pa man din ako sanay sa ganitong mga damit", I answered.
"E syempre, kailangan presentable naman. Pero it doesn't mean na kailangan e slacks. Makisabay ka naman sa uso ng henerasyon ngayon. Tsaka, pano makikita yung taglay mong ganda kung magtatago ka lang sa slacks at blouse na suot mo? Ai naku, kung ako yung may ganyang taglay na kagandahan, aba, I'll be proud of it. I'll give them a show na araw araw nilang pakakaabangan", mahabang litanya ni Lena.
"Naku, ikaw talaga. Nagsermon ka na naman. O sya, sya, halika na at baka ma-late pa tayo. Andyan na ba yun service natin?", I asked.
"Opo. Waiting na po. Well, about 20 minutes ago perhaps?" she said.
"Sorry na po. Lika na! Let's go! Let's give them a show!", pabirong sabi ko.
"I like that attitude. C'mon! Karir na tayo", yaya na rin ni Lena.
We rode the car service provided by El Grande papunta sa venue. I don't now but I feel strange. Parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Well, baka dahil first time ko to na magpe-prepare sa isang event for El Grande.
I transferred my attention sa labas ng bintana seeing that Lena is busy with her phone. I'm thinking about Zach. Binati nya lang ako kaninang umaga for our anniversary. Kaso wala pa daw syang nase-set para sa celebration namin. Medyo naging busy kasi sya sa dami ng naging meeting nya. Minsan nga e gabing gabi na sya kung umuwi. Hm, hindi naman sa nagtatampo ko dahil walang celebration kaya lang, hindi ko lang inexpect na sa araw pang ito kami hindi magkasama. :(
"Oy girl! Andito na tayo. Moment ka dyan?", untag ni Lena sa akin.
"Sorry, may iniisip lang, ikaw naman. San ba daw tayo dederetso?" pagkasabi'y bumaba na ko sa kotse. I was amazed with what I saw. "Ang ganda naman dito. Dito din ba ang magiging venue ng event natin?" tanong ko kay Lena.
"I'm not sure. Pero pasok na tayo sa loob. Baka dun masagot ang ating mga katanungan", yaya ni Lena sa akin.
I started to walk down the aisle at habang gingawa ko yun, sari-saring emosyon ang aking nararamdaman na hindi ko maipaliwanag kung ano at kung bakit ko nararamdaman. As I was about to ask something to Lena but when I look back, she is nowhere to be found. I was so confused. Ano bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
ChickLitAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...