(Zach's POV)
Bilang excited ako para sa wedding, we both agreed to have it done 2 months after. So 2 months preparation lang ang meron kami. Well, marami naman kaming friends that can help us all throughout the preparation. At nangunguna na sa listahan ang aming mga bestfriend.
Hon, schedule today ng fitting ng gown ko. Punta kami ni Lena sa botique. Yung sayo din, scheduled today, puntahan mo na lang kasama si Nick. Then, kita na lang tayo sa mall pagkatapos para makita natin yun actual outcome para sa invitations and give aways. I love you! See you! –Alex
Thanks for reminding Hon. Ingat kayo. We'll see you at the mall. Dumeretso na kayo sa stall ni Koleen ha? Dun na kami tatagpo ni Nick. I love you too! –Zach
I dialed Nick's number and good that he managed to pick it up immediately.
"Nick, pare, today's my schedule for the fitting. Can you come? Are you available?", I asked.
"Sure pare. But, can you give me at least 20 minutes? Nasa meeting pa kasi ako and hindi ko sya pwedeng i-cut", Nick replied.
"Ah sige, no problem pare. Inform mo na lang ako once you're done. We'll use my car so I'll just pass by Royale Inc.", I said.
"Noted!" sagot ni Nick at ki-nut na nito ang linya.
Hon, we'll be late for a few minutes. Nick has a meeting right now that he can't cut so I still have to wait for him. Anyways, we'll still be there as soon as we can. I love you! –Zach
Okay. No problem Hon. I love you too. Ingat sa byahe! :) –Alex
(Alex's POV)
"Asan na daw sila? Papunta na?" tanong ni Lena.
"Ah hindi. Medyo male-late sila kasi may meeting pa daw si Nick" sagot ko.
"Ah okay! Anyways, excited na ko makita ang gown mo girl. Pak na pak yun! Isipin mo yun ha, isang sikat na designer ang gumawa. How I wish ako din para sa wedding ko. Pero syempre, palilipasin ko muna tong kasal mo. Sabihin mo naman, inagawan kita ng eksena.", saad ni Lena kasunod ang malulutong nitong tawa.
"Naku, ikaw talaga. Andito na tayo. Ipa-park ko lang nang maayos tong kotse", I just said. Yes! I'm driving. Tinuruan kasi ako ni Zach. He gave me a car as his gift on my birthday. Iba na rin daw ang may sasakyan para kung may gusto akong puntahan, madali na ang transportation ko, especially pag namimiss ko na daw sya at gusto ko syang bisitahin sa El Grande.
After ko mai-park nang maayos ang sasakyan ay pumasok na kami agad ni Lena sa loob ng botique. Sinalubong naman kami ni Yvette, ang secretary ng designer na gumawa ng gown ko.
"Hi Miss Alex, good afternoon", masiglang bati nito.
"Good afternoon din Yvette. This is Lena nga pala, bestfriend ko", sabi ko.
"Good afternoon din po Ms. Lena", bati rin nito kay Lena.
"Good afternoon din girl", pakikay na sagot ni Lena na dahilan para ngumiti naman ng husto si Yvette.
"This way po. I'll show you your gown. Hindi na po pala kayo mahaharap ni Madam (pertaining to the designer). Nagka-urgent meeting po kasi sya sa Paris kaya agad din po ang naging flight nya. If ever daw po na may mga magiging concern po kayo sa gown such as ipapa-adjust or ipapadagdag, sabihin nyo na lang po sakin at ako na po ang mag-iinform sa kanya thru email", Yvette explained.
"Okay, thanks Yvette. But I'm sure naman that the gown would be perfect", I said.
"Let's go, let's go!" yaya ni Lena. "Excited na ko makita yung gown dear!", dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
ChickLitAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...