(Kinabukasan)
"Good morning princess!", bati ni Zach kay Alex na noo'y nagsisimula pa lamang magdilat ng mga mata.
"Good morning prince!", bating pabalik ni Alex nang tila may marealize sya. Hindi pa sya nakakahilamos at ni hindi pa sya nagmumumog. At agad naman napatutop ang kamay nya patungo sa kanyang bibig.
"Why? What's the matter?", takang tanong ni Zach. Umiling lang si Alex. Akmang babangon na sana ito nang hilahin sya ni Zach pabalik sa pagkakahiga. "I understand now. Na-realize mong hindi ka pa nakakapag-ayos, nakakapaghilamos at hindi pa nakakapagmumog", natatawang sambit nito. Alex answered him with just a pout in her lips at nagulat sya ng halikan sya ni Zach. Mabilis lang naman ngunit ikinagulat pa rin ito ni Alex. "Princess, I love everything about you. No matter how you look, how you smell, or whatever, I still love you. Nothing would change that", nakangiting sabi nito.
Napangiti na lang din si Alex sa sinabi ni Zach. "Oh how I really love this guy", isip ni Alex.
"Let's get up. Mag-ayos na tayo. For sure may breakfast na tayo sa baba. Balik naman ngayon sina Nanay Beth. I'll wait for you downstairs princess", wika ni Zach.
Mabilis na kumilos si Alex sa pagligo at pag-aayos ng mga gamit nya. Pagkatapos ay bumaba na agad sya bitbit ang mga gamit nya.
"Ay good morning mam, ako na po sa mga gamit nyo", salubong naman ni Philip at inabot ang kanyang mga gamit.
"Ah good morning, salamat Philip", sagot ni Alex.
"Nasa dining area na po si sir Zach, hinihintay na po nya kayo", wika ni Philip.
"Ah, okay, thank you", sagot ko at lumakad na ko papunta sa dining area.
Nadatnan muli ni Alex si Zach na nagbabasa ng dyaryo at umiinom na ng kape.
"Hi!", bati nya rito.
"Mm, hi, take your seat. Have your breakfast. The chopper is already on its way to fetch us. We'll be there in Manila nang maaga. Enough for our plans", sabi nito.
"Ah okay sige. How about you? You're not going to eat?" tanong ko.
"Ah no. I'm good with coffee. Di ako sanay kumain nang ganito kaaga e. Probably later when we arrive in Manila. I'll bring you to my favorite restaurant", sagot nito. Tumango na lang ako sa sinabi ni Zach at nagsimula ng kumain.
Maya maya pa'y dumating na ang private chopper ni Zach. Agad na dinala ni Philip ang kanilang mga gamit.
"Philip, Nanay Beth, salamat po sa pag-aasikaso nyo sa amin, lalo na sa akin. Mag-iingat po kayo. Sana magkita-kita po tayo ulit", pasasalamat ni Alex.
"Walang anuman ho yon, Mam Alex. Balik po kayo ulit. Kayo na ho ang bahala kay Sir Zach duon sa Maynila", bilin ni Nanay Beth. Pareho namang napangiti sina Alex at Zach sa tinuran ni Nanay Beth.
"Don't worry princess, babalik tayo ulit dito. Pano, Philip, Nanay Beth, kayo na po ulit ang bahala dito sa mansyon. Kung may kailangan kayo, pwedeng pwede nyo namanakong tawagan", sambit ni Zach.
"Oho Sir, kami na hong bahala. Ingat ho kayo sa byahe pauwi", wika ni Philip.
"Salamat!" sabay na bigkas nina Alex at Zach. Pagkatapos ay tuluyan na silang namaalam at sumakay ng chopper. Buong byahe ay nakahilig lang si Alex kay Zach. "Sana wala na tong katapusan. Haay, babalik na ulit kami sa Maynila. Pano kayang magiging set up namin? Kasi boss ko sya. Ano na lang iisipin ng mga ka-opisina namin. Tsk! Di ko alam pano kong kikilos? Kung pwede lang sanang dun na lang kami forever, Haaaaayyyyy!", isip ni Alex.
"Princess, would you mind telling me what you're thinking now?", untag ni Zach sa pagmumuni muni niya.
"Honestly, natatakot ako Zach. Ano na lang iisipin ng mga katrabaho natin? Boss kita. Tapos malalaman nila na manliligaw ka sa akin?", worried na tanong ni Alex.
"Alex, wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Ako ang bahala. Di kita pababayaan. I'll never let anyone hurt you, tandaan mo yan", sagot naman ni Zach.
Sa sinabing yun ni Zach ay pinilit na lang iwaksi ni Alex ang takot na nararamdaman nya. Pinili nyang maniwala at magtiwala sa mga salitang binitawan nito.

BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
ChickLitAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...