Memories Regained

33.8K 573 2
                                    

They pulled from each other from that one long kiss. Halos pareho silang naghahabol ng paghinga.

"I missed you so much my princess. Sobrang saya ko na unti unti ka nang nakakabalik sa akin. I love you so much my princess", wika ni Zach.

"I love you too my prince. I'm sorry if it took so long before I recognized you. But I swear, though I can't remember the memories, my heart never forgot you. I feel that there's really something inside that's only for you", Alex answered.

Muli'y nagyakap ang dalawa. Ipinaramdam nila sa mahihigpit na mga yakap kung gano nila kamahal at kung gano nila na-miss ang isa't isa.

"Hon, nasan pala ang mga magulang ko? Bakit wala sila dito?", tanong ni Alex na kitang ikinagulat ni Zach.

"I know you would look for them. I thought I was ready enough for this pero mahirap din pala pag andito na. But, siguro nga, it's the right time for you to know everything now. Come, we'll go to your parents", yaya ni Zach.

Nagtataka man sa sinabi ni Zach ay sumunod na lang si Alex dito. Sumakay sila ng sasakyan ni Zach patungo sa lugar na hindi alam ni Alex kung saan.

"Bakit kinakabahan ako? San ba papunta to? San kaya nya ako dadalhin? Ano kayang kinalaman ng mga magulang ko sa pupuntahan namin?", isip ni Alex.

"We're here Alex", untag ni Zach.

"S-sementeryo?? Anong ginagawa natin dito?", tanong ni Alex. Biglang may kung anong lumitaw sa isipan ni Alex. Alaala. Alaala na magkasama sila rito ni Zach. "We've been here together di ba Zach? When? Anong meron?", tanong pa nito.

"I'll explain to you when we get there. Lika na. Hold my hand", yaya ni Zach. "Napakalamig ng kamay nya. Matinding kaba siguro ang nararamdaman nya ngayon", isip ni Zach.

Naglakad na sina Alex at Zach patungo sa libingan ng mga magulang ni Alex. Habang naglalakad ay iniisip na ni Zach kung pano nya sisimulang ipaliwanag dito ang mga nangyari sa kinalakihan nitong mga magulang.

"Alex, andito na tayo. Dito nakalibing ang mga magulang mo. I mean, ang mga totoong magulang mo. They died from an accident when you were young kung kaya't sa ibang tao ka lumaki", saad ni Zach.

"Tama! Naaalala ko na to. Namatay sa aksidente sa isang site ang mga totoong magulang ko. Sina Nanang Julia at Tatang Gustin ang kumupkop sa akin at nagpalaki sa akin", sambit ni Alex. "Nasaan sila Zach? Gusto ko silang makita", dagdag pa nito.

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi malaman ni Zach kung pano uumpisahan ang nangyari sa mga kinilala nitong magulang.

"Zach? Is there something wrong?" untag ni Alex.

"Hm, Alex, actually, I want you to take this one by one. Are you really ready enough para magbalik na lahat ng alaala mo?" tanong ni Zach.

"Yes Zach. Now is the right time. Ano bang meron? Pinapakaba mo ako", wika ni Alex.

"Alex--. Okay, I'll tell everything to you now. But promise me that you'll be strong. You'll be strong for whatever I'm gonna tell you", saad ni Zach.

"I promise!", pangako ni Alex.

"And Alex, I want you to know, andito ako. Kahit na anong mangyari, andito ako para sayo", wika ni Zach at sinimulan ng isalaysay ang buong pangyayari.

Napaupo si Alex, hindi makapaniwala sa lahat ng kanyang mga narinig. Agad naglakbay ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Sobrang sakit ng nararamdaman nya lalo pa't nagsimulang maglinaw ang lahat sa kanya. Unti unti nang nakumpleto ang lahat sa utak nya. Ang bawat detalye ng mga nangyari. Ang mga masasakit na alaala ng nangyari sa kanyang mga kinalakihang magulang.

"Alex, I'm really sorry for what happened. Kung hindi na sana ako umalis nun. Kung mas naging maingat sana ako. I'm so sorry kung hindi ko agad ginawang pigilan si Monique", naluluhang sambit ni Zach.

"No, Zach. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. It was all because of Monique. Oo, masakit, sobrang sakit kasi nawala sila sakin nang ganun ganun na lang pero kung nakakulong na rin naman si Monique at wala nang pag-asang makalabas, I guess, justice was already served. Zach, sa nangyaring to, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pano akong magpapatuloy nang wala sila sa tabi ko. Hindi ko alam Zach. Natatakot akong mag-isa", Alex said while crying.

Agad na niyakap ni Zach si Alex. "Don't worry my princess. Andito lang ako. I will never leave you alone. Kasama mo ko. Hinding hindi kita pababayaan. I promised that to your parents at alam mong hindi ko kayang mawala ka sakin kaya never kitang bibitawan. Hindi ko hahayaang mag-isa mong harapin ang lahat ng ito. Sasamahan kita kahit saan, kahit kailan. I love you so much that I'll never live without you", Zach said assuring Alex.

"Thank you. I love you too. I believe in you. I trust you with everything I have and I am now", wika ni Alex.

"Don't cry now princess. I hate myself every time you're crying. It breaks my heart. From now on, we'll be creating many happy memories. Although, it's not always up but I'll assure you, most of it will do", Zach said as he wipes off the tears from Alex's eyes.

At pagkasabi non ay niyakap ni Alex si Zach. "Thank You God for giving Zach to me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya. Make me strong Lord. Give us the strength we need to surpass all trials", Alex silently prayed.

Nanatili pa sina Zach at Alex ng mga ilang minuto sa harap ng puntod ng mga magulang ni Alex. Ipinagpapasalamat na rin ng huli ang maayos na pagkakahatid ng mga ito sa huling hantungan nila. Sa tingin naman nya'y mapayapa na ang mga ito kung san man sila naroroon. At sa nakikitang kaayusan nya ngayon sa piling ni Zach.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon