Where's Alex?

33.9K 649 1
                                    

It's been 2 weeks after the incident and still there is no sign of Alex. Continuous pa rin naman ang paghahanap ng mga pulis kay Alex.

"What? Ang tagal tagal na. Bakit hindi nyo pa rin sya nahahanap? Ano bang pagkilos ang ginagawa nyo?" singhal ni Zach sa kausap sa kabilang linya at ibinaba na din agad.

"Calm down Pare. Ginagawa naman nila ang lahat para mahanap si Alex", saad ni Nick.

"Ginagawa? Kung ginagawa nila ang lahat, bakit wala pa din dito si Alex!", sabi pa ni Zach kasunod ng pagyugyog ng mga balikat nito, tanda ng pag-iyak nito.

"Kaya mo yan Pare. Pasasaan ba't makikita din si Alex. No signs naman ng casualty kaya for sure, ok lang sya", pagkakalma ni Nick sa kaibigan.

"Awang-awa na ko kay Zach. Halos hindi na sya kumakain at natutulog nang maayos. Halos araw araw ay sumasama sya sa paghahanap kay Alex. Sya na rin ang nag-ayos ng burol at libing ng mga magulang ni Alex. Mabuti na lang at hinayaan muna syang mag-leave ng kanyang ama. Tutal, hindi din naman sya makakapag-focus sa trabaho", isip ni Nick at napabuntong-hininga na lang sa nakikitang sitwasyon ng matalik na kaibigan. Wala rin kasi syang magagawa kundi ang samahan na lang ito.

Lumipas pa ang mga araw. Umabot na ito ng isang buwan ngunit wala pa ring balita kay Alex. Unti unti na silang nawawalan ng pag-asa.

"Zach! Zach! Wake up dude!", gising ni Nick kay Zach.

"Bakit ba Nick? Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Zach. Bumalik na ito sa trabaho at kitang kita ang malaking pagbabago nito. Sobrang mabilis uminit ang ulo kahit sa mababaw na dahilan lang. Madalas pasigaw sa mga kausap. Naging mailap ito at ngayon ay halos kinatatakutan ng lapitan ng mga empleyado ng El Grande.

"We've been calling you for hours dude! Hindi ka sumasagot sa mga tawag ng mga pulis kaya sakin na sila tumawag. At nang di ka pa din nasagot, I decided to direct you here", sambit ni Nick.

"E bakit nga ba? Ano ba kasing kailangan mo?", sigaw pa nito.

"Will you stop shouting? Dude, may update na sa paghahanap kay Alex. May tumawag daw sa opisina ng mga pulis at sinabing may nakakita kay Alex sa isang baryo sa dulo ng ilog kung san sya nahulog" Nick exclaimed.

Nang marinig yun ni Zach ay napabalikwas ito at agad agad na nagbihis.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Nasan sila?", tanong ni Zach sa pagitan ng pagbibihis nito.

"Wow dude ah. Bilis ng mood shift ah", sambit ni Nick. "Sana si Alex na nga yun. I want my best friend back. Kay Alex ko lang sya nakitang naging masaya. At kay Alex ko lang din sya nakitang nagkaganito. Hindi ko sya nakitang ganun kaapektado nun naghiwalay sila ni Monique". Isip ni Nick.

Agad agad ay pinaharurot ni Zach ang kanyang kotse papunta sa opisina ng pulisya.

"Alex! Alex, I pray it's really you. I miss you badly princess. Come home to me. Please! I hope you're okay. I wanted to see you", isip isip ni Zach.

Nang makarating sa opisina ng pulisya ay patakbong pinuntahan nina Alex at Zach ang kinaroroonan ng head ng operation para kay Alex.

"Good afternoon Sir Zach, Sir Nick", bati nito.

"Good afternoon din officer. Ano na pong balita?, tanong agad ni Zach.

"Sir, may tumawag po kasi dito kanina lang. Nag-inform po na nakita nya si Alex dun sa baryo sa dulo ng ilog kung san sya nahulog. Although, we're not 100% sure kung sya nga yun pero it's better to see in person na rin. Available po ba kayo ngayon sir para mapuntahan na po natin yung location?", tanong ng officer.

My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon