(Alex's POV)
I was packing my things nang pumasok sa isip ko si Lena. Sya ang pinakamalapit kong kaibigan kaya nararapat lang na ipaalam ko sa kanya ang nangyayari sa amin ni Zach. Agad ko itong tinawagan sa telepono.
"Hello, Finance Department, good afternoon", bati ng nasa kabilang linya.
"Hello, good afternoon. Can I speak to Lena?, sagot ko naman.
"Eto na po, Alex? Ikaw ba yan?", tanong nito.
"Oo, ikaw na pala yan. Di kita nabosesan e. Busy ka?", tanong ko.
"Sinisipon kasi ako e. Nabasa kasi ako ng ulan kahapon. Di naman ako busy, baket?", wika nito.
"Punta ka dito sa office, may sasabihin ako sayo", sagot ko.
"Oh my God! Buntis ka? Sinong ama", sunod sunod na tanong nito.
"Sira! Pag may sasabihin, buntis ka agad?? Ikaw talaga! Pag may nakarinig sayo dyan, ma-issue pa ko. Punta ka na dito, now na! Wala naman si Sir Zach, nasa meeting! Dali, dali, dali!" natatawang sagot ko.
"Ay maka-dali naman. Paluwas lang? Kalurkeih ka! Naka-heels ako ineng ha? Anong gusto, matapilok ako? Masisira ang beauty ko! Hala sige na, gorabels na ko dyan! Wait for me and I'll be there!", paalam nito. Maya maya pa'y dumating na agad ito sa opisina. Di na ito kumatok since alam naman nyang wala si Sir Zach. Mabilis pa ito sa alas kwatro.
"Ano bang meron girl? Simulan na ang storya." Sabad agad nito ngunit may pagtataka sa mukha nito nang makitang nag-aayos ako ng mga gamit ko. "Saan naman ang punta mo? Resign ka na ba? Natanggal ka sa trabaho? Anyare girl?", tanong nito.
"Maupo ka nga muna bago mo ko ratratin ng tanong. Magkukwento nga ako di ba?" sagot ko naman.
"Ay sorry naman. Eto na, uupo na. Wala bang coffee or juice para sa bisita?" biro nito at sabay kaming nagtawanan.
"Anyways, ganto kasi yun. Ahm, pano ko ba sisimulan?? Haikz.", di ko maintindihan pano ko sisimulan ang kwento.
"Hm, ano na?? Ang tagal girl. Why don't you start it sa bulaklak. Who gave you those?? Hmm, may suitor ang lola. Ayiiih, kilig much! Go na. Maka-bitin lang ng storya??", inip na saad nito.
"It's from Sir Zach", tanging sagot ko. Kita ko naman ang pagkabigla sa kanya. It was the first time I saw Lena's eyes widened like that.
"Oh my God! He's courting you? Kelan pa to? Ang haba ng hair mo te! The CEO of El Grande was courting you? My golly wow!", Lena exclaimed.
"Actually Lena, the first time I saw him, I really had a great crush on him already. But I really never expected na aabot sa ganito. I'd admitted na din sa sarili ko na mahal ko sya. At di ko rin naman inexpect that he would feel the same way kasi syempre, ano ba naman ako compared sa kanya di ba?" sagot ko.
"Ai naku girl, dyan ka naman mali. Pagdating sa love, walang ganun ganun. Tsaka ano ka ba? Wag mo ngang nila-lang ang sarili mo. Nakapagtapos ka naman no? Degree holder ka at Dean's lister ka pa. Tsaka look at you, you're beautiful Alex. Simple ka lang kasi pumorma pero believe me, malakas ang dating mo. If I know, almost all eyes ng mga empleyado dito sa El Grande is giving you that look kapag dumadaan ka. Pero hindi naman yun tipong minamanyak ka. They are admiring you Alex", paliwanag nito. Napamangha naman ako sa tinuran nya dahil first time may nagsabi sakin nang ganun. At hindi ko naman inaasahan na ganun pala ang tingin sakin ng mga empleyado dito sa El Grande.
"Well, thank you for telling me that Lena. And to continue the kwento, ayun nga, sinabi ko sa kanya yun mga fears ko sa pagpasok namin sa ganito. He's the CEO andI'm his secretary so hindi maiiwasang pagtsismisan kami. At ayoko ng ganun. Well, wala naman akong dapat ikatakot kasi alam ko naman ang totoo pero syempre, mas masarap naman magtrabaho na walang kung anumang issue di ba? Kaya ayun, he decided to transfer me and assigned me another task. Employee pa din ako ng El Grande pero sa Royale Inc. na ako mag-stay. I'll be the coordinator ng El Grande para sa mga concerns natin sa Royale Inc.", mahabang saad ko.
"Kaya pala ngayon e nag-aayos ka ng mga gamit mo. Agad agad naman! Pero syempre, naiintindihan ko naman. Ayoko din naman na masasaktan ka dahil dyan sa sitwasyon. But, honestly..... KINIKILIG AKO BAKLA!!!! OMG!! Di ko to ma-take. Ang haba ng hair mo talaga. Halina at ayusin, baka matapakan ko! Nakakaloka! I'm happy for you. Naku, patunayan lang nyang si sir na deserving sya. Subukan lang nyang saktan ka, naku, kahit CEO natin sya, sasapakin ko talaga sya", sagot nito.
Natuwa naman ako sa tinuran ni Lena. Sobrang naging malapit na talaga kami sa isa't isa. At dahil wala naman akong kapatid, ganun na ang naging turing ko sa kanya. Masaya ako dahil suportado nya ako sa nangyayari ngayon sa amin ni Zach. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Salamat girl. Thank you at naiintindihan mo", sagot ko.
"Ay sus, ikaw naman. Sobra ka. Syempre maiintindihan kita. Basta ikaw, ingat ingat din. Alam mo na, he's your first to be pag nagkataon. Wag todo bigay ha? Kilalanin muna nang maigi", wika nito.
"Oo Lena. Andyan ka naman di ba? Di mo naman ako pababayaan?" sabi ko na sinabayan ko pa ng pagpungay ng mata.
"Naku girl, tigilan mo nga yan. Ang panget lang", sagot nito at nagkatawanan na kami.
Nagpaalam na si Lena dahil hinahanap na sya sa department nila. Di naman kasi sya nagpaalam kung saan pupunta kaya ayun, nai-page tuloy sya. Magaan ang naging pakiramdam ko dahil nasabi ko na sa kaibigan ko at suportado naman nya ako.

BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
ChickLitAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...