Saving my Princess

30.6K 601 3
                                    

(Zach's POV)

"Monique!! Andito na ko!! Nasan si Alex? Ilabas mo sya! Ibalik mo sya sakin!", sigaw ko.

"Well, well, well. Here comes the prince to save her princess. Poor boy! Naunahan ka na ni David sa kanya. Actually, they're playing right now!" panunukso ni Monique habang naglalakad na kasunod si Karen at ilang tauhan nya.

Nagulat ako nang makita ko si Karen. Bakit sya kasama ni Monique? Ngunit hindi yun ang mahalaga sa ngayon.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanya?", galit na sigaw ko.

"Boys! Kunin yung babae sa loob! Istorbohin nyo na si David don! Andito na ang prinsipe ni Alex!" sigaw ni Monique.

Maya maya'y lumabas ang lalaking inutusan ni Monique na akay akay si David na hawak ang ulo.

"Mam, nakatakas po yung babae. Inabutan ko lang si Sir David na walang malay dun sa loob!", sigaw nito.

"Mga bobo! Panong nakatakas yon? Hanapin nyo. Hindi pa yun nakakalayo!", padarag na utos ni Monique.

Nang marinig ko yun ay agad kong sinabihan si Nick. May gadget kasi syang dala na naka-konekta dito.

"Nick! Nakatakas si Alex. Ipahanap nyo sya. Papuntahin mo na agad dito ang ibang pulis at baka makatakas pa ang mga ito" I instructed.

"Okay! Got it!", sagot naman ni Nick. At isa isa ng naglabasan ang mga pulis.

"Mga pulis!!!!", sigaw ng isa sa mga tauhan ni Monique.

"Sh*t!" mura ni Monique at nagpaputok ito ng baril at dali daling pumasok sa loob upang magtago. Nagpaputok na rin ang mga pulis. Palitan sila ng mga tauhan ni Monique.

Agad kong sinundan si Monique. Kailangan kong makita si Alex. Nakapasok na ako sa loob. Dahan-dahan pa ako sa takot na mahuli ako ni Monique o ng kanyang mga tauhan nang maramdaman kong may nakatutok sa ulo ko mula sa likod.

"Going somewhere, Babe?" at naroroon si Monique habang nakatutok ang baril nito sa akin.

"Sumuko ka na Monique. Hindi ka na makakatakas. Pagbabayaran mo lahat ng kasalanang ginawa mo", sabi ko.

"Oh well, if that will be the case, I won't let you live either. Papatayin muna kita bago nila ko mahuli. Hindi ko man napatay ang Alex na yun, hindi ko pa rin hahayaan na mapunta ka sa kanya! As I told nyo, no one will have you except me" wika ni Monique kasunod ng mga pagtawa. "Pano, goodbye na to Babe! See you in hell!", sigaw nito.

Ngunit bago pa nya makalabit ang gatilyo ay may pumutok ng baril at bumagsak si Monique sa sahig. Binaril sya ng isang pulis. Duguan ito ngunit buhay pa naman ito.

"Okay lang po kayo sir?" tanong nito.

"O-okay lang po. Salamat! Asan na ho sila? Nakita na po ba si Alex?, tanong ko.

"Gomez, carry her at the patrol unit. Men, search the area!" utos nito sa iba pang pulis na naroon at saka bumaling sa akin. "Sir, nahuli na ho ang mga master mind. Marami na ho sa mga tauhan ang napatay. We'll just clear the area. Wala pa lang ho akong balita sa paghahanap kay Mam Alex. Raradyuhan ko ho ang mga kasama ko na naghahanap. Sa ngayon po, isinasakay na sa patrol units ang mga suspect! Tara na po sa labas." saad nito.

"S-sige po", tanging sagot ko. "I'm glad nahuli na si Monique at iba pang kasangkot nito. Mamaya ko na aalamin ang lahat. Kasabwat nito sina Karen at David. Ang kailangan ko'y mahanap si Alex. Nasaan ba sya? San sya nagpunta? Sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Bakit ba kailangan mangyari ang lahat ng ito?" tanong ng isip ko.

"Pare!", untag sa akin ni Nick. "Pare, sumama ka sa akin", at hinila na nya ko.

"Sir, may nakita po kami malapit sa isang bangin. Pwede nyo po bang i-identify ito?", tanong ng isang officer at ipinakita ang isang panyo na may mga dugo pa.

Tinitigan ko itong mabuti. Nakikilala ko ang panyong yun. Kay Alex!

"Kay Alex ang panyong to. Hindi ako pwedeng magkamali!" sambit ko. Napatingin ako sa officer at nagtaka sa itsura nito. 'Anong problema? May gusto ka bang sabihin?", tanong ko.

"Sir, may possibility po na nahulog si Ms. Alex sa bangin at dumeretso sa ilog. I'll be instructing my men to completely search the area", sagot nito.

Napaluhod ako sa tinurang yun ng officer. Agad namang umalalay sakin si Nick. "Hindi to pwedeng mangyari. Di ko kakayanin pag may nangyari pang masama kay Alex".

"Do everything you can officer!", wika ni Nick sa pulis at umalis na ito. Bumaling naman sa akin si Nick. "Pare, lakasanmo ang loob mo. Wag ka agad mag-isip nang kung ano-ano. Wala pa namang malinaw na resulta. Magiging maayos din ang lahat", sabi nito.

"Pare, hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama kay Alex. Hindi ko kaya Nick. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko", sambit ko habang dumadaloy ang mga luha sa aking mga mata.

"Everything will be alright. Magtiwala lang tayo sa mga pulis at magdasal na rin na ligtas si Alex. They'll find her", sabi pa nito.

Tango na lang ang naisagot ko sa kanya. Nanlalambot ako. Hindi ko na maintindihan kung anong gagawin ko. Isipin ko pa lang na mawawala sakin si Alex, gusto ko ng magbreakdown. Hindi ko na kinakaya ang mga pumapasok sa utak ko.


My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon