(Alex's POV)
Gising na ang aking diwa. Ramdam ko ang pagkakatali ng aking mga kamay. Naramdaman ko na rin ang pagsakit ng aking sikmura dala ng ginawa ng isang goon sa akin. At nang maalala ko yun ay ang pagragasa ng alaalang patay na ang aking mga magulang. Nanumbalik ang lahat ng nakita ko sa aming bahay. Puro dugo, mga patay na katawan. Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha. Takot na takot ako. Naalala ko bigla si Monique. "Sya ba ang may pakana ng lahat ng ito?" at unti unti kong iminulat ang aking mga mata.
"Look who's awake now! The princess has opened her eyes", wika ng isang babae.
Hindi ko pa lubos maaninag ang itsura ng mga nasa harapan ko dahil nasisilaw ako sa liwanag.
"David, anong gusto mong gawin sa kanya while waiting for his prince?" tanong ng isa pang babae.
"I'll play with her!", sagot ng lalaking tinawag nitong David.
"David?! Can it be him?!" tanong ng isip ko at unti unti na ring luminaw ang aking paningin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang mga kasama ko roon.
"David?! Karen?!", tanong ko.
"Surprised darlin'?" may panunuyang tanong ni Monique. "Well, Karen is also working for me. I'm paying her to look after Zach. While, this guy over here, dahil sa galit nya sayo at kagustuhang makuha ka na din, here he is, tumulong na din sya and it seems like he wanted to play with you for a while", wika pa niya kasunod ang malulutong na tawa. "I already told you in the first place Alex that Zach is mine and he's only mine. Pero eto ka, itinuloy mo pa din. Look at what happened to you now? I told Zach, he'll regret everything pag hindi sya bumalik sa akin. I'll make the two of you suffer. Anyways, he'll be here any moment. For the mean time, I'll let David play with you!", pagtatapos nito.
"Hayop ka Monique! Napaka-walanghiya mo! Wala kaming ginawang masama sayo. Bakit dinamay mo pati mga magulang ko! Wala sialng kasalanan sayo. Napakasama mo talaga!", sigaw ko.
"Isara mo yang bibig mo! Kayang kaya ko pasabugin yang ulo mo kung gugustuhin ko. Pero syempre, hindi ko muna gagawin. Sa tingin ko kasi ay walang planong bumalik sakin si Zach so I'll make him suffer too", sabi pa nito.
"Monique, enough! I'll handle her. Ako ng bahala sa kanya!" turan ni David.
"Gosh! You're too excited to have her David. Ganon ka ba patay na patay dito sa babaeng to? Duh?! Well then, I leave her with you. Nasusuya akong makita ang itsura ng babaeng yan!", sabad ni Monique na tila diring diri pa at tuluyan nang lumabas ng silid. Kasunod naman nito ay si Karen. Binalingan naman sya ni David.
"Alex. How are you?", tanong nya sa akin.
"David, tulungan mo kong makatakas dito. Tulungan mo ko please!", pagmamakaawa ko.
"Hm, tutulungan kita. Sa isang kundisyon", sabi nito.
"Ano yun? Sabihin mo", tanong ko.
"Sasama ka sakin. Kakalimutan mo na si Zach. Magpapakalayo-layo tayo. Pag ginawa mo yun, ligtas kang makakalabas dito", saad ni David.
Napatulala ako sa sinabing yun ni David. Hindi ko kayang mawalay kay Zach. Sya na ang buhay ko ngayon. Hindi ko lubos maisip kung pano pa lilipas ang mga araw kung hindi ko sya kasama. Naramdaman ko ang kahoy na malapit sa akin. "Pwede ko sigurong samantalahin ito para makatakas. Magpapanggap na lang ako. Hahampasin ko sya sa ulo gamit ang kahoy na to." isip ko.
"S-sige, p-pumapayag ako. Tulungan mo lang akong makatakas dito. Tutal, mukang hindi naman ako magiging safe kung sasama pa ko kay Zach. Kalilimutan ko na sya! Nang dahil sa relasyong to, namatay ang mga magulang ko!" sabi ko na may kahalong galit sa aking pagkukunwari.
"Good choice. Kung noon pa sana'y naisip mo na yan at nakinig ka na lang kay Monique, hindi na sana to umabot sa ganito", ika ni David. "Kakausapin ko si Monique tungkol dito at nang makaalis na tayo. Baka abutan pa tayo dito ng Zach na yun", dagdag pa nito.
"W-wag na. Tumakas na lang tayo. Baka pag nalaman nyang iaalis mo ko dito ay patayin ka rin nya", sambit ko.
"Kunsabagay. May sa demonyo din talaga ang babaeng yun", sang-ayon naman nito.
Kinalagan nya ang tali sa aking mga kamay. At nang aalalayan nya na akong makatayo ay sinamantala ko naman ito. Buong lakas ko syang pinalo ng kahoy sa ulo nya. Mabuti na lang at nawalan ito ng malay. Kahit natatakot ako ay dinampot ko na rin ang baril na nabitawan nito. Lumapit ako sa pinto at sumilip sa butas nun. Nakita ko na maraming tao sa labas.
"Pano akong lalabas dito? Ang daming bantay sa labas! Panginoon, tulungan Mo po akong makatakas dito!", dasal ko. "Oh God! Zach, Kailangan kong makalabas dito at maunahan sila na makita si Zach!" isip ko.
Luminga-linga ako at nakita ko ang isang bintana sa sulok ng silid. Agad akong lumapit doon at sinilip kung may nagbabantay. At sa swerte ko, malayo doon ang mga bantay. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at tumalon doon. Napwersa ang aking kanang paa dahil may kataasan din ang tinalon ko, dahilan para masprain ko ang paa ko. Sa takot na maabutan pa nila ako ay pinilit kong makatayo at tiniis ang sakit ng paa ko. Lakad takbo ang ginawa ko upang makalayo ako sa lugar na iyon. At dahil sa ginagawa kong paglingon, hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako at--
"Aaaahhhh!!!" malakas na sigaw ko nang madulas ako at tuluyan akong nahulog sa isang ilog.
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Boss
ChickLitAlex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-billionaire company in the industry, ang El Grande. Gossips were all over telling how long she can st...