Alex's Confession

49.4K 952 22
                                    

(Alex's POV)

Nagsimula na ang event. Giniginaw ako. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko?

Luminga linga ako nang may mapansin akong mga mata na tila gusto akong tunawin sa kinauupuan ko. Si Monique.

Bakit ang sama nyang makatingin? Anong kasalanan ko sa kanya? Daig pang leon kung makitingin. Anytime, handang manakmal. Sabagay, ginawa naman na nya yun. At bumalik sa alaala ko ang ginawa nitong paghalik kay Zach. Sa pagbalik ng eksenang yun sa utak ko ay sya ring pagdagsa ng kirot at lungkot sa aking puso. Hindi ko maintindihan. Bakit nakakaramdam ako ng ganito?

Maya maya pa'y tinawag na ni Nick si Zach para magbigay ng speech. Agad naman itong tumayo at naglakad patungo sa stage. Sinundan ko lang sya ng tingin. Habang nagsasalita ay naisipan kong pumunta sa ladies' room para makapagretouch man lang.

Sinipat sipat ko ang aking itsura. Make-up – check! Buhok – check! Damit – check! Okay pa naman ang itsura ko. Kaya lang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Akma na sana akong lalabas ngunit humaramg sakin si Monique.

"Stay away from Zach! He's mine! Only mine!", at lumabas din ito agad pagkasabi niyon.

Naiwan akong nakatingin lang sa kawalan. Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Maya maya pa'y naramdaman ko na lang ang mabilis na pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan ay malaya nang naglandas sa aking mga pisngi. Pumasok ako sa isang cubicle upang dun magkubli. At nang tila nahimasmasan na ako ay nagdecide na rin akong bumalik sa table namin ni Zach. Inayos muna nya ang kanyang sarili at lumabas na rin.

At nang makarating ako sa table...

"Where have you been? I've been looking for you? I looked here during my speech and I saw that you were gone. Where did you go?" sunud sunod na tanong ni Zach sa akin.

"Ah, nag-cr lang ako", maikling sagot ko lang. At nang dumaan ang isang waiter na may dalang champagne ay kumuha ako ng isa. Kanina pa ko giniginaw. Baka sakaling makabawas kung iinom ako ng alcohol.

"Wala ka pang kinakain. Wag ka masyadong uminom. Baka kung mapano ka", sabi ni Zach.

"Don't worry, wala naman akong planong maglasing", sagot ko. Sana di nya nahalata ang mga mata ko.

Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Monique, "Stay away from Zach! He's mine! Only mine!", at sa twing maiisip ko yun ay tila may kung bagay na tumutusok sa dibdib ko. Nasasaktan ako. At dun ko inamin sa sarili kong mahal ko si Zach kaya nasasaktan ako.

Lumipas ang oras at nanatili lang akong tahimik. Kung magtatanong si Zach ay saka lang ako magsasalita.

"Ladies and gentlemen, enjoy yourselves. Enjoy the food. Enjoy the music. Let the party begin", wika ni Nick at nagsimula na ang party. Marami din naman kasi sa mga bisita ay halos di nalalayo ang edad sa kanila. Marami na ang nasa gitna ng dance floor, umiindak sabay ng mapupusok na tugtog. Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan nang maya maya'y napalitan ang kanta, giving way to a sweet dance.

"Can I have this dance?" napatingala ako sa nagtanong at nagulat ako nang makitang si Zach iyon at nakalahad ang kamay.

Tinanggap ko ang kamay nya at iginiya nya ako patungo sa dance floor. Inilagay ni Zach ang aking kamay paikot sa kanyang batok at humapit naman ang kanyang mga kamay sa aking bewang. The smell of him makes me crazier. Lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero masasaktan lang ako. Sino ba ako? Sabi nga ni Monique, secretary LANG ako. Ouch! Ang saket, bagnet!

Hindi ko magawang tumingin nang deretso sa kanya. Pilit kong iniiwas sa kanya ang aking paningin.

"May problema ka ba Alex? You're quiet. Is there something wrong? Aren't you feeling well? May gusto ka bang sabihin?", sunud sunod na tanong ni Zach sa akin.

My Coldhearted BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon