Chapter 08: Wifey

171 7 3
                                    

Chrizella's POV

Dumating ako sa bahay ng good mood. Ewan ko parang ok naman na ako na parang walang masamang nangyari. Siguro pinaramdam sakin ni kuya na dapat maging masaya parin dapat ako kahit wala na siya.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng bahay ng Te-teka nilock ko ito kanina bakit nakabukas. Pagkapasok ko nagulat ulit ako dahil bukas yung ilaw. Shit! Nanakawan ata kami!

Kahit kinakabahan ako sinilip ko yung iba't ibang sulok ng bahay. Masyado kasing maluwang kaya nakakapagod. Pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng maiinom nang may maramdaman akong parang kung ano sa peripheral vision ko.

"Wifey may extrang towel ba dito?" tanong ni teka sino tong nagtatanong sa akin? OMG eto na ata yung magnanakaw! Kahit natatakot ako dahan dahan ko siyang tinignan and what the?! May magnanakaw ba na ganito kagwapo? Wait did I just said that? Sorry, dilang masmado.

"Huy! Tinatanong ko kung may extrang towel ba dito" nagulat nalang ako ng bigla nanaman siyang nagtanong ngayon na medyo pasigaw

"Si-sino ka!? Magnanakaw ka ano o rapist siguro. Please nagmamakaawa ako wag mo muna akong patayin may mga plano pa ako sa buhay" naiiyak kong pag mamakaawa sa kanya tinignan nya lang ako at ginantihan ng ngiti

"Mag nanakaw? Rapist? Nako naman Wifey mag isip isip ka rin naman minsan. Sa gwapo kong to? Tsk tsk" te-teka napapansin ko nang kanina pa ako tinatawag ng rapist na ito ng Wifey?

"Hoy! Rapist pwede ba umalis ka na dito at wag mo akong tatawaging Wifey!"napatakip siya ng tainga at nilakihan ako ng mata na para bang nagtataka

"Tss. Hindi nga ako rapist shunga ka ba? Or should I say na talagang walang laman yang utak mo?" pang aasar niya.

Nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sa akin. Shit anong gagawin ng lalakeng 'to? Bata pa ako! Pinikit ko lang yung mga mata ko naghihintay ng katapusan ng buhay ko

"Kukunin ko lang tong towel sa likod mo. Wag kang OA" natatawa niyang sabi sa akin. Kinutusan pa ako ng mokong. Sino ba talaga to? Tinitigan ko ulit sya ng mapansin ko ang towel na hawak nya

"Teka akin yan!" sigaw ko habang hinahablot yung towel. Pero seryoso akin naman talaga yung towel na yun, kung makatingin naman siya. Tsk.

"Hihiramin lang naman at saka mag asawa naman tayo. So no problem" seryoso niyang sabi ngunit ngumiti rin kalaunan sabay wink.

Ang gwapo niya talaga Wait, what?! No! Hindi. Joke ko lang! But what did he say? Ano bang turnilyo ang nawala sa utak ng lalakeng to?

"Asawa?! Anong pinagsasabi mo? Hoy wag masyadong assuming!" Seryoso kong sabi pero yung unggoy nagawa pang tumawa. Tss.

"Aysus wifey! Can't you recognize me? Naman, 5 days na tayong natutulog sa iisang bubong" nakita ko ang pag ngisi niya sa akin habang ako nakanganga.

"Baka pasukin ng langaw yang bunganga mo!" sigaw nya habang tumatawa na malakas

"Seriously?" I ask him, naging seryoso yung mukha niya at biglang namang naging maloko ulit

Tumango siya habang nakangisi. Ang gwapo niya pero masyadong ewan yung mga ngiti niya. Parang may....urgh nevermind.

"Ma-may nangyari ba sa atin?" hindi ko sinasadya yung nasabi ko pero okay lang naman atleast malalaman ko diba?

"Assuming ka masyado Asawako, I am a good guy I will never do what you are thinking baka naman ikaw" tumatawa niyang sabi habang nakahawak pa sa tiyan nya

"Hoy inosente pa ako noh" tumawa siya at napatawa na rin ako. What's with him? He just make me laugh.

Kentaro's POV

She looks so innocent with those laugh. Ano ba tong nagyayari sa akin she is making me smile kahit sa konting bagay lang.

Nagulat nalang ako sa pag hablot niya ng towel niya na hawak hawak ko.

"Okay fine. Pagbibigyan kita ikaw maunang maligo. May amoy ka na Wifey" She just look at me while pouting. Inamoy niya naman yung damit niya. Napaka uto uto naman nito.

Umirap siya sa akin kaya napangiti nanaman ako sakanya. "Mauna ka nalang. Nakahalf naked ka pa eh!" hindi makatingin niyang sabi sa'kin.

"Ok. Pero bago yun ibigay mo sa'kin yang towel mo." saad ko sabay lahad ng kamay sa kanya pero tinitigan niya ako kaya hinablot ko na yung towel sa hawak niya at tumakbo paalis ng kusina.

Mukha naman siyang natauhan kaya hinabol niya ako. "Hoy! Gamitin mo nalang yung kay kuya!"

"Ayaw ko nga baka multuhin pa niya ako mamaya niyan!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Ni hindi ka pa nga nagpapakilala eh!"

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa sinabi niya kaya naabot niya yung towel at mayroon siyang ibinigay na iba.

"Hindi pa nga ba ako nagpapakilala sakanya? O sadyang hindi na niya maalala?" tanong sa isip ko kaya napabuntong hininga ako.

Naglakad ako papunta ng banyo at binuksan iyon.

"Sige, wait lang. Maliligo muna ako." may pagkatamlay kong sabi sa kanya.

"I guess, she did forget about me." Muli ko nanamang bulong kasabay nun ang pagbuntong hininga ko ng malalim.

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon