Chris' POV
Nakahiga lang ako sa hospital bed nung pumasok si Kentaro John Chen, isang kababata namin ni Ella pero mas matanda ako ng two years sa kaniya.
"Anneonghaseyo!" bati niya sa'kin. Tinignan ko naman siya ng masama. Kulang nalang talaga ang lazer beams eh.
"Kung hindi pa ako tinakbo sa hospital, di ka pa uuwi." lumapit lang siya sakin at niyakap ako- bro hug.
"Hyung namiss kita! Alam mo naman yung rason diba?" malambing niyang sabi. Tae naman nito. Naging bakla ba ito sa Korea?!
Napasimangot siya sakin. Siguro nakita yung reaksyon ko sa ginawa niya.
"Hyung naman. Hindi ako bakla. Takte. Alangan naman na dadagdag pa ako sa existence nila? Nag-eextinct na yung mga lahi natin eh syempre hindi na ako sasali dun."
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng seryoso pero ang loko nakangiti lang ng todo. "Ang saya mo pa eh noh? Kung makangiti ka dyan parang mapupunit na yang labi mo."
"Sabi kasi nila eh smile is the best medicine kaya nakangiti ako."
"Halika nga rito." utos ko sakanya. Lumapit naman siya kahit na naguguluhan.
Pagkalapit niya sakin ay binatukan ko nga. "Kitang seryoso ako rito eh." sabi ko.
Napakamot naman siya sa batok niya at ngumiti parin. "Oo na. Sorry na hyung."
Bumuntong hininga ako at umupo. "Alagaan mo si Ella kapag wala na ako" I asked him seriously. Inirapan niya lang ako. Bading ata talaga ito eh.
Umupo naman siya sa katabing couch ng kama. "Mapapatawad ka ba niya sa ginawa mong pagtago ng sakit mo?" tanong niya sakin.
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya at binaling ang tingin ko sa bukas na bintana.
"I think so. I did it for her para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko siyang maging malungkot. Eventhough its wrong."
"Hyung. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo ganyan din naman ang gagawin ko." sabi niya habang kinakalikot yung phone niya.
Tumingin ako sa kinalalagyan niya. "Please take care of her. Be her guardian." I told him. Tinignan naman niya ako at tumango.
Chrizella's POV
Pumasok ako sa kwarto kung nasaan nakastay si kuya. Nung nakita ko siya patakbo akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit.
"Oppa, anong sabi ng doctor? Ok ka lang naman kagabi ah." nag-aalala kong tanong sakanya. Gumanti naman siya ng yakap sakin.
"Okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala." sagot niya sakin. Ngumiti naman ako at kumalas sa yakapan namin.
"Bakit?" tanong niya. Tumabi nalang ako sa kanya.
"Nothing. Its just that I miss you and I thought you will also leave me." hindi ko nanaman namalayang umiiyak ako.
"I'm hungry will you please cook some ramen for me?" he requested. Napansin ko rin na iniba niya yung topic but I just shrug it off and nod.
"Ok just wait." nakangiti kong saad sabay labas ng kwarto. Parang ang bigat ng loob ko nung sinara ko yung pinto kaya pumasok ako uli at niyakap siya ng napakahigpit at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti naman siya ng wagas at hinalikan naman ako sa noo.
"Balik ka kaagad ha?" tumango ako sakanya na naiiyak. "Huwag ka ngang umiyak Ella. Para namang nakaburol na ako. Sa libing ko nalang na ibuhos yang luha mo, ok?." biro niya sakin kaya pinalo ko ng mahina yung braso niya.
"Oppa naman eh!" Tumawa naman siya at tinulak ako. Yun bang pinapaalis na talaga ako.
"Biro nga lang yun eh! Hahaha! Pero sabi nila Jokes are half meant." tinitigan niya ako at ang seryoso ng ekspresyon niya. Napatigil ako at lumingon sakanya na malungkot. Magsasalita palang sana ako ng tumawa nanaman siya pero ngayon mas malakas na.
"Hindi na. Sige na, magluto kana ng ramen. Nagugutom na talaga ako eh." nakapout niyang sabi. Napailing nalang ako sa tinuran ni Kuya. Kaya kahit mabigat yung loob ko ngayon ngumiti ako sakanya bago tuluyang umalis ng hospital.
Kentaro's POV
"She's still pretty like always." pangiti kong sabi kay Kuya Chris pagkabukas ko ng closet kung saan ako nagtago.
Kumunot noo naman si kuya sa'kin. "Oh, bakit ka nagtago? Bakit di ka nagpakita? At dyan pa talaga sa closet ang naisipan mong pagtaguan."
"Di pa ako handa eh. She thought I left her but no. Talagang kailangan lang." sabi ko habang nag-uunat nang makalabas na ako sa closet. Matangkad ako kaya nakakangawit yumuko dun sa loob. Tss.
Tinignan niya ako ng seryoso sa sinabi kong rason sakanya kaya napaiwas ako ng tingin at nagmake face. "Hyung naman, huwag mo nga akong titigan ng ganyan. Kanina ka pa seryoso ah."
Bigla siyang tumayo na aakalain mong okay na talaga siya. Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan niya lang ako gamit yung tinaas niyang kamay. "Lalabas lang ako. Nakakabagot na rito sa loob." paalam niya sabay bukas ng pinto.
Tumango nalang ako alam ko namang di ko siya mapipigilan, kung matigas yung ulo ko mas matigas yung kanya. "Tell her, she will understand"
Ngumiti nalang ako sa kanya at tuluyan na siyang lumabas pagkatapos ay lumabas din ako pagkalabas nya. Mamaya sabihin pang may ginawa akong masama at nawala yung pasyente sakaling may bumisita na nurse o doctor.
But then, will she really understand me?
---
A/NThanks for supporting guys lovelot take care
Please read , comment and vote
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Teen FictionIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.