Chapter 19: The Untold Past

101 4 0
                                    

Chrizella's POV

"JK! San ka pupunta?" Sigaw ng isang babae sa isang lalakeng medyo blur ang mukha, lumingon naman ito sa kanya at kumaway na para bang pinapalapit ito sa kanya.

Lumapit naman ang batang babae, ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay ng lalake kaya nginitian rin nya at naghawakan din sila ng kamay.

Naghahabulan sila sa ilalim ng malaking puno, di lang silang dalawa pero may dalawa pa silang kasama,

"Ibang laro naman!" Sigaw ng isang bata na para bang sobrang pagod na sa kakahabol sa mga kasama nya, sya kasi lagi ang taya

"Ano namang laro?" Nakahalukipkip na tanong ng babae sa kanila, lahat naman sila ay napahawak sa kanilang pisngi na para bang nagiisip

"Ah alam ko na kasal kasalan nalang!" sigaw nung batang lalake na kahawak kamay ng babae kanina mukhang sumangayon naman sila

"Ang tanong sinong ikakasal?" Tanong ng babae sa kanila

"Ako at ikaw, tapos ang pari ay si Kuya! Tapos ikaw naman ang best man!" Masiglang sigaw nung bata habang tinuturo ang mga kasama nya  nag thumbs up naman silang lahat

"Ikaw lalake tinatanggap mo ba si babae bilang iyong asawa?"

"Opo Kuya, ay hahaha opo pari pala"

"Mali dapat I do ang sabihin mo!"

"Oo na, oo na aish!"

"Sige ulitin natin, Ikaw lalake tinatanggap mo ba si babae bilang iyong asawa?"

"I do"

"Ikaw babae tinatanggap mo ba si lalake bilang iyong asawa?"

"I do"

"Sa kapangyarihan pinagkaloob sa akin ng power rangers, I now pronounced you husband and wife, you may now kiss the bride"

Ngumiti yung babae sa batang lalakeng kaharap nya, at nagulat nung hinalikan sya kanyang sa pisngi

"Oh ayan kasal na tayo ah!"

Pawis na pawis akong gumising, this past few days laging weird nalang ang napapaginipan ko, kagabi yung iniwan ako ng isang batang lalake, tapos ngayon naman kinasal daw kami

Weird kasi wala naman akong maalala na nangyari ito, nilibot ko ang paningin ko sa bahay napakatahimik.

Holiday pala ngayon kaya sarado ang shop. Nagbuntong hininga ako at naisip na puntahan nalang si Kuya. I missed him.

~~~~

Pagkababa ko sa taxi parang bigla akong kinilabutan, yung puno sa may tabi ng puntod ni Kuya, yun yung puno sa panaginip ko noong isang gabi.

"Jk wag mo akong iiwan!"

"Ayaw kitang iwan pero kailangan, sorry Ella babalik ako promise"

"Kailan ka babalik?"

"Matapos ang isang taon, pangako yan!"

"Isulat natin sa punong ito, kaya dapat tuparin mo ang pangako mo!"

"Okay! Roger that!"

Nagflashback nanaman sa utak ko ang panaginip ko, huminga nalang ako ng malalim at dahan dahan na umakyat sa burol, habang palapit ako ng palapit, palaki rin ng palaki ang punong yun.

Nung nasa tuktok na ako isang familiar na lalake ang nandun. Napangiti ako nandito pala si Kentaro

Lalapitan ko na sana sya nang marinig kong humihikbi sya hanggang sa mapaupo

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon