Chrizella's POV
Kanina pa walang tigil sa pag iyak si Loraine, napag alaman kong nakipag break daw sya kay Jimmy, nakakalungkot isipin pero sabi nya ginawa nya daw yung tama dahil alam nyang hindi naman sya nagustuhan ni Jimmy.
Tinitignan na kami ng mga dumadaan sa may bench na pinag uupuan namin, pero wala akong pakeelam dapat macomfort ko ang best friend ko kais kapag ako ang may problema lahat ginagawa nya rin para sa akin
"Diba sya yung girlfriend ni Jimmy?"
"OMG she's crying, does this mean break na sila?"
"Buti nga di naman sila bagay"
"You know what? Nabalitaan ko na pinagpustahan lang daw sya, pathetic"
Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko, pinag pustahan?
"Totoo ba?" Seryoso kong tanong kay Loraine na umiiyak parin hanggang ngayon, tinignan nya naman ako na parang nagtataka kahit mugto yung mata nya
"TOTOO BANG PINAGPUSTAHAN KA LANG?!" nagulat sya sa pag sigaw ko, pinagtinginan ako ng mga tao habang bumubulong kaya tinignan ko sila ng masama, tumango naman si Loraine kaya nakaramdam ako ng inis at galit.
Agad kong dinial ang number ni Kentaro wala pang ilang ring ay sinagot nya na ito
"Hey yo wifey! Napatawag ka?" Tanong nito sa kabilang linya
"Pwede ka bang pumunta dito sa school? Ihatid mo muna si Loraine sa bahay nila"
"Bakit Wifey? May nangyari ba?" Nag aalala nitong tanong,
"Masama daw pakiramdam daw nya ayaw ko namang papasukin muna baka lumala pa" sagot ko, napahinto sya pero pumayag din naman,
After 10 minutes may mga babaeng tumitili na kaya nagtaka kong tinignan yung pinag kakaguluhan nila pero masyadong silang marami, and what do you expect? Hindi naman ako katangkaran
"OMG taga dito ba sya?"
"Bes ang gwapoooo"
"Papunta sya dito maayos ba make up ko?"
Napabuntong hininga ako, mga kabataan nga naman, siguradong mga freshmen itong mga to.
Nagulat nalang ako nang bigla silang tumahimik kaya napataas ako ng ulo, and to my surprise nasa harapan ko si Kentaro na may hawak na bouquet ng white rose.
Diko maiwasang mapangiti nang inabot nya yun sa akin, nagulat ako ng hinalikan nya yung noo ko sa harapan ng mga tumitiling mga babae
Naramdaman ko nalang ang pag init ng mukha ko
"Sure ka bang si Loraine lang ang ihahatid ko papunta sa bahay nya?" Tanong nya sa akin na para bang nagtataka
"Ah, oo tignan mo sya oh nakatulala lang masama at-ata yung p-pakiramdam nya" sesh bakit ako nauutal? Napatingin naman sya kay Loraine na parang wala sa sarili kaya napakunot sya ng noo
"Wala syang sakit physically pero emotionally meron, broken hearted?" Tanong sa akin ni Kentaro na pinagtaka ko, paano nya nalaman?
"By looking at her eyes movement, Wifey, I studied psychology" nakangiti nyang saad kaya nagulat ako, nababasa nya ang nasa isip ko? Mind reader ba tong si Kentaro?
Tinignan nya naman ako sa mga mata ko kaya parang bigla akong kinabahan, ano ba tong ginagawa nya sa akin? Bakit sa tuwing tinitignan nya ako iba ang tibok ng puso ko?
"Wifey okay ka lang?" Saad nya sabay ang paghawak sa noo ko,
"Bakit namumula yung mukha mo?" Nag aalala nyang tanong kaya huminga ako ng malalim
"Ahh, okay lang ako, ihatid mo na si Loraine sa bahay nila, may next class na ako babye!" Nagmamadali kong sabi sabay ang pag hablot ng bag ko at dali daling umalis, hoy heart tumigil ka na nga sa pag tibok ng ganyan kabilis!
"Ingat ka Wifey! Hintayin kita dito mamayang uwian nyo ah! Love you!" Rinig kong pahabol nyang sigaw kaya naramdaman ko yung puso ko na para bang aalis sa rib cage nya, what the kinikilig ba ako? Love you yiiii
Teka lang kakausapin ko pa pala si Jimmy Paloma humanda sya sa akin! He messed with my best friend, he'll never get away from this!
Jimmy's POV
Nasa tambayan lang ako, hindi ako pumasok dahil pakiramdam ko sobrang sama kong tao, the 2 months relationship with Loraine has ended at hindi ko alam kung bakit parang nalulungkot ako.
Sabi ni JB gusto ko daw si Stealer which is true. Nalaman ko lang noong biglang hindi ko alam ang gagawin ko nung nalaman kong may asawa na daw sya.
Pinikit ko nalang yung mata ko, I'm regretting, dapat di nalang ako pumayag sa dare, dapat diko nalang sinuhulan si Stealer, dapat diko nalang lagi sya iniinis napakasama kong tao. Bakit ba saka ko lang to naisip? Dahil ba sa totoong lumaki akong spoilt sa yaman?
Nagulat ako ng may humigit sa earphones ko kaya napalingon ako sa kanya
"Stealer bakit?" Malumanay kong tanong, I can see in her eyes the hatred and anger kaya napasinghap ako, alam nya na ang nangyari
"Bakit mo ginawa yun sa bestfriend ko? Ang sama mo! Alam mo okay lang naman na ako lang eh, pinagtritripan mo, binubully mo, sinasaktan mo, kaso bakit pati yung best friend ko?!" Huminga ako ng malalim at nilingon sya
"I'm sorry, hindi ko sinasadya" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko, nakita kong para syang nagulat sa sinabi ko, pero kumunot din ang ulo.
"Prank nanaman ba ito? If yes then sorry to say na hindi mo ako maloloko" ngumiti ako ng mapait sa kanya, sincere ang pagkakasabi ko pero prank nanaman ito para sa kanya, ano bang bago? Lagi namang ganito.
Tinignan ko sya ng seryoso at hinawakan ang braso nya
"Seryoso ako please patawarin mo ako sa mga nagawa ko" pagpupumilit ko pero hinawi nya ang kamay ko at tinitigan ako ng masama
"I told you I'll never fall for your bullshit anymore" naiirita nyang sabi, napaatras naman ako
"Stealer ano bang dapat kong gawin? Alam kong masama ang tingin mo sa akin pero babawi ako sayo, pwede bang maging magkaibigan tayo?" Tanong ko ulit pero nagsalubong ang kilay nya
Tinalikuran nya ako kaya hinawakan ko ulit yung braso nya, kahit nagpupumiglas sya ay hindi ko sya binitawan.
"Let go!" Sigaw nya
"Forgi-"
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng maramdaman kong bumagsak ako sa lupa at ang sakit ng panga ko, napalingon naman ako sa lalakeng sumuntok sa akin. Yung lalakeng sobrang familiar sa akin. Teka bakit sya nandito?
"Wifey okay ka lang?"
Wait what?! Wifey?! They must be kidding me!
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.