START OF SECOND HALF
LAST DAY OF FIRST SEMESTERChrizella's POV
Ang bilis ng panahon parang kahapon lang nang mag break sila Jimmy at Loraine ngayon magkaibigan na sila at hindi lang yun nakikisama na sa amin ang dalawang magkaibigan na si JB at Jimmy yung iba naman daw sa mga barkada nila ay masyadong busy dahil lilipat na sila next semester ng school.
And guess what? Sa ibang bansa sila lilipat, yung dalawa naman stay parin dito dahil daw sa nandito ang business ng parents nila.
Kumakain kami ngayon sa cafeteria ng lunch I'm with Loraine, Jimmy (Jimmuel Kim), Jacob Benedict (si JB)
Sabi nga ni Kentaro deserve nyang mapag bigyan ng chance kaya pinatawad ko nalang siya, pero hanggang ngayon pinagtritripan nya parin ako kaya hindi ko maiwasang mairita sa kanya minsan.
"Hey Ella kamusta naman pala kayo ng hubby mo?" Pagbasag ni Loraine sa awkward moment, napalingon naman ako sa kanya at napangiti.
"Okay lang naman, oh and by the way malapit na ang summer break, do you want to work in our shop?" Masigla kong tanong, kasi sabi ni Kentaro mag susummer break din daw ang mga full timers sa shop kaya naghahanap sya ng pwede munang pimalit pansamantala kahit this summer lang.
"Gusto ko yan!" Masiglang sabi ni Loraine habang nakataas ang kamay
"Count me in" nakangiti ring sambit ni JB kaya napapalakpak ako ng mahina
"Me too" my jaw drop, teka lang tama ba ang narinig ko?
"Seriously Jimmy?" Sabay sabay naming tanong and take note nakanganga parin kami hanggang ngayon
"Yeah any problem with that?" Seryoso nyang sabi sabay ang pag ngisi ng nakakaloko "I will never give up the chance na manira ng buhay" ika nya habang tumatawa ng nakakaloko, I rolled my eyes on him.
"Ano nga palang pinaguusapan nyo?" Isang babae ang sumingit sa usapan namin nakita ko na biglang tumikhim si JB habang namumula ang tainga
Napalingon ako sa nagsalita and I rolles my eyes again, Yuna Marisse Pascual, the Tuna
"Ah, hiring kasi ang mini restaurant nila Stealer kaya tinanong nya kami if gusto namin na magtrabaho dun, since it's summer break naman pumayag kami" medyo nahihiya na sagot ni JB, I smell something fishy.
"Omy really?! Count me in to!" Excited nitong sabi habang nakangiti, nako naman ayaw kong maisali to eh, paano ba naman si Kentaro lang naman ang gusto nito, yung ASAWA ko.
JB's POV
Napangiti ako nung sinabi ni Yuna na gusto nyang magtrabaho sa mini restaurant nila Stealer.
Ang saya tuloy siguro dahil by partner kami. Nakilala ko na si Kentaro kapag kasi kumakain kami sa shop nila Stealer siya ang nag seserve sa amin syempre magbabarkada na kami. And this semester ang pinaka naenjoy ko, new set of friends and always free food pa courtesy of Stealer's shop and Jimmy's wallet.
Halos magkakasing edad lang kami nila Kentaro, 20 palang pala sya, accelerated kasi sya kaya naman graduate na sya, imagine may senior high na sa kanila (Korea) Buti nga kami hindi naabutan. Kami ang last batch na walang senior high.
Masayahing tao si Kentaro kaya naman naging close na agad kami, pero si Jimmy medyo bitter parin sa kanya.
Alam kong hanggang ngayon gusto nya parin si Stealer ayaw nya lang aminin hindi naman na ako makaisip nb dahilan para maging ganun ang titig nya kapag magkasama si Stealer at Kentaro.
"So kailan ang start?" Halata mo ang excitement sa boses ni Yuna, kaharap ko sya ngayon kaya medyo awkward, yeah, I kinda like her, kahit na sabihin pang she's a year ahead of us. Fourth year college na sya.
"Bukas na, tapos naman na natin ang clearance kaya pwede ng magstart tomorrow" napalingon ako kay Stealer, bakit parang ang taray naman ng boses nya pag si Yuna ang kausap nya, magkaaway ba tong dalawang to?
"Ella pwede bang dun nalang muna ako magbakasyon sa inyo? Eh kasi ayaw kong sumama kila mommy sa Canada eh" nakapout na sabi ni Loraine, ngumiti naman si Ella
"Seryoso! Omg syempre gusto ko, maraming extra room sa bahay, sobrang lawak kaya medyo boring lalo na kung nasa shop si Ken Ken" masaya nitong sambit tapos biglang tumayo. Kaya naman tinignan namin sya ng nagtataka
"Where are you going?" Takang tanong ni Jimmy sa kanya kaya nagsalubong ang kilay nya
"Anong ako? Tayo! pupunta tayo sa shop para malaman na rin si Ken Ken na magiging part timer kayo! Last day of hiring ngayon kaya tara na!" Masaya kaming nag sitayuan at umalis na, yeah another exciting experience.
Jimmy's POV
"Oh, bakit ang aga nyo naman ata? Wala na ba kayong klase?" Tanong ni Kentaro pagkapasok namin sa shop, marami pang tao kaya naman medyo busy sya, lunch palang naman kasi at saka mabenta itong mini restaurant.
"Ken Ken, sila nga pala yung mag papart time" sagot naman ni Stealer kaya napalingon sa kanya si Kentaro, ngumiti naman ito at naupo sa isang upuan.
"Really Wifey? You're so smart! Bukas na kasi aalis ang mga empleyado eh kaya kailangan ko na talaga ng mga aplikante, may mga nag apply naman na kaso di ko pa naasikasong mag interview kaya medyo alanganin ako. Kailan kayo magstart?" Kinindatan nya muna si Stealer bago tumingin sa amin. Hay nako walang forever.
"Bukas!" Excited namang sigaw ni Loraine habang nakataas ang kamay kaya natawa sya sa inasta ni Loraine at tumango tango, napalingon din siya kay Yuna kaya medyo nagulat yung reaksyon nya, ano kayang meron?
"Well then, stay in ba?" Muli nitong tanong na kinataka ko, stay in? What does it mean?
"Si Loraine lang ang stay in Ken Ken" sagot naman ni Stealer kaya napangiti si Kentaro
"Ano ba ang stay in?" Kunot noo kong tanong nilingon naman ako ni Kentaro at ngumiti sakin, masasabi ko talagang mabuting tao itong si Kentaro.
"Stay in, parang dito muna titira habang nagtratrabaho, it means na hindi sya gagastos sa pagkain at tirahan pero bawas yun syempre sa sweldo nya" pagpapaliwanag naman ni Kentaro habang nakataas ang hintuturo yung parang nag eexplain talaga, at para ring bata kaming tinuturuan nya, to think na halos magsising edad lang kami.
"Gusto ko yan! Wala rin akong kasama this summer kasi out of town sila mom and dad!" Bakit itong si Yuna laging hyper?
"Count me in!" Masayang saad naman ni JB kaya no choice ako, nako naman sana hindi ako kagalitan ni Daddy
"Me too!" Walang emosyon ko din na sambit kaya napanganga nanaman sila
"Good! Tara sa bahay para maipakita ko na ang magiging kwarto nyo" masayang anyaya si Kentaro at nilapitan ang isa sa mga empleyado niya at may sinabi rito, agad namang tumango ang kausap nya kaya lumingon sya sa amin at tinuro yung back door.
"Daebak!" Sigaw nanaman ni Loraine
"Woohoo" nagiging ewan na rin itong si JB
"Yeah! Lezzgooooo" sigaw din ni Yuna
Makakatrabaho ko ang mga siraulo
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.