Chapter 09: The New Owner

140 4 0
                                        

Kentaro's POV

"Oh ayan at tapos ka ng maligo will you tell me kung sino ka na?" she asked me while blushing, teka problema ba nitong babaeng to, bakit sya nagblublush? Ah nakaroba lang kasi ako. Napakainosente talaga.

"Ako nga pala si Kentaro John Chen, isang gwapong owner ng shop na to" sagot ko naman na nakangiti pero sumimangot sya sa akin

"Eh bakit ka nandito kung may shop ka?" nakacrossed arms nyang tanong, tinignan ko naman sya at ngumiti uli.

"Kaya nga ako nandito para sa shop ko" nakacross arms kong ding sabi sa kanya, nagtataka naman nya akong tinignan

"What do you mean?" tanong nya habang nakatuon parin ang tingin sa akin. Wow that intensity of that stare. Nakakatakot!

"Hmm, di ba nasabi sayo ng kuya mo?" nabigla naman sya at tinignan ako ng masama, mukhang alam nya na ang sasabihin ko

"I am the new owner of this shop, wifey" seryoso kong tugon, nagulat naman ako nung bigla syang tumawa

"HAHAHAHA you mean sayo tong shop at hindi sa akin binigay!!!! Sa tingin mo sinong maniniwala sa pinagsasabi mo, multo?!" tumatawa nya paring sabi umiling nalang ako at nilabas ang isang papel

"Oh ayan para maniwala ka" sabi ko sabay abot ng papel sa kanya, nagtataka naman nya akong tinignan at kinuha yun.

Isa yung kontrata na naglalaman ng katotohanang ako na ang may ari ng shop.

"Oh my goodness! Totoo nga"

"Yeah, totoo lahat ng sinabi ko"

"Eh paano na ako?" naiiyak nyang sabi, ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya

"Don't worry you're my wife remember?" nagulat sya sa sinabi ko, ngumiti ako sa kanya at tumango tango habang hawak parin ang pisngi nya.

Chrizella's POV

Asawa, isang salitang nakakagulat, I am only 19 years old tapos may asawa na daw ako, at isa syang gwapong nilalang na bigla nalang sumulpot sa bahay namin ni kuya, at nagsabing sa kanya daw itong shop, 

"Bakit ganyan ka kung makatingin" tanong nya sa akin, inirapan ko sya, sinong hindi magugulat sa pinagsasabi ng mokong na 'to? Hello nasa wattpad world ba ako? Doon lang may ganitong pangyayari?

"Asawa talaga?" tanong ko at tumango tango uli sya.

"Pero bakit? Kailan? Papaano?" tuloy tuloy kong tanong, ngumiti naman sya sa akin at tinignan ako.

"No reasons are needed, basta aalagaan na kita simula ngayon, you can call me insane, but I  have a promise to fulfill so please be still and just stay with me" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya tumango tango nalang ako

"What promise?" tanong ko tinitigan nya ako at ngumisi.

"That I will protect and will always be beside my wife" Sagot nya sabay ang pagtawa ng malakas, binatukan ko naman sya at pinagpapalalo

"Sa tingin mo maniniwala ako sa kalokohan mo ah, ayan ayan ayan bagay sayo yan" natatawa kong tugon at pinagpatuloy ang pag palo sa kanya

"Wifey naman eh, pag usapan nalang natin ang lahat bukas, okay? matulog ka na mukhang pagod ka na eh" pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya sa harapan ko, naiwan akong nakatunganga iniisip kung ano bang pag uusapan namin bukas. Tinignan ko yung picture ni Oppa.

"Alam mo nang iiwan mo ako kaya naman pinapunta mo sya rito diba? Pero dapat ko ba syang paniwalaan at pagkatiwalalaan ngayong di ko naman sya kilala"

~~~~~

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon