Chapter 03: Unexpected

243 10 1
                                    

Jimmy's POV

Pumasok ako sa school ng late kaya dumeretso nalang ako sa gym. Nahagilap ko si Stealer na nakauniform ng pang-volleyball. I'll admit she's sexy.

Wait, WHAT?!

No, I mean she's not sexy. Hindi niya nga bagay yung uniform sakanya. Tss.

"Hey Jimmy! Hindi ka rin pumasok?" tanong sa'kin ng kararating na si JB.

"Oo, bakit?" tipid kong sabi.

Umupo naman siya sa tabi ko. Nakakabakla naman 'tong mokong na 'to. Deh, joke lang.

"She's pretty, right?" nagulantang naman ako sa biglaan niyang tanong sa'kin.

"Wha-what? No she's not" nauutal kong sagot at umiwas ng tingin.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Masyado ka namang defensive. I'm talking about Helly." nakangisi niyang sabi. Naramdaman ko naman ang biglaang pamumula ng mukha ko. Shit.

"Do you like stealer?" tanong niya sakin.

That question caught me off guard but I tried my best to remain my posture. "N-no. I don't like her." sagot ko sakanya.

"Ok." kibit balikat niyang sagot sakin at tumingin ulit sa mga babaeng naglalaro.

"Uy! Ilag ka!." kunot noo ko siyang nilingon dahil naguluhan ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya?

"Bakit na-" naputol yung sasabihin ko dahil sa bigla ko nalang naramdaman yung pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko. Sumakit din kalaunan yung ulo ko at lumabo ang paningin ko.

Napatingin ako sa bola na gumulong na palayo sakin at tinignan ko nang masama yung tumatakbo paalis ng gym ngayon. "Hoy! Stealer!" sigaw ko habang hawak hawak ko yung ulo ko dahil kumirot nanaman pero hindi man lang niya ako ginawang nilingon.

Chrizella's POV

I saw Jimmy in the gym. Tambayan kasi nilang magbabarkada rito.

I snap back to reality when my prof called me. "Ms. Ramos, athlete ka last year, right?" tanong niya sakin.

Tumango nalang ako sa kanya.

"Pakitaan mo ako ng serving." utos niya. Kumuha naman na ako ng bola sa may basket. As I'm about to throw the ball Loraine pop up infront of me.

Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "Oh, bakit ka nandito?" tanong ko. Hindi ko na siya inantay na magsalita pa at tinuloy nalang yung dapat kong gagawin pero nagsalita siya na nagpagulo sa focus ko.

"Ella your brother has been brought to the hospital. Pumunta kana dun dali." sa pagkasabi niyang yun ay hindi ko natama ng mabuti yung bola kaya alam kong kung saan saan na ito pupunta.

Dali na dali na akong tumakbo palabas at iniisip lang ang kalagayan ni kuya na kasalukuyang nasa hospital.

"Hoy! Stealer!" rinig kong sigaw ni Jimmy kaso hindi ko na siya pinansin pa.

Sa paglabas ko ng gym ay naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko at parang hindi ko pa alam kung saan ang tatahakin kong daan papunta ng hospital.

"Stealer, sakay na!" boses ng lalake na pamilyar. Wala sa sarili akong sumakay sa kotse.

JB's POV

"Stealer, sakay na!" mahina kong sigaw kay Chrizella. Bigla naman siyang pumasok ng hindi man lang nag-iisip. Halata sakanya ang pagkatuliro at walang habas ang pagtulo ng luha niya.

"Sa ospital, please." garagal niyang sabi dahil sa pag-iyak niya.

Pinaandar ko naman na yung kotse at pinaharurot paalis ng school papuntang hospital.

"We're here." sabi ko sakanya. Mabilis lang kaming nakarating at hindi man lang siya natakot sa bilis ng pagmaneho ko. Sabagay wala sa tamang sitwasyon siya ngayon.

Umalis naman siya at tumakbo papasok ng hospital. Ni hindi na nga siya nakapagsabi ng thank you eh. Hayaan na nga.

---
A/N

Thanks for supporting guys please read, comment and vote lovelots!! Guys please suportahan nyo po si HeavensNightmare

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon