Kentaro's POV
Masaya kaming naglalakad papunta sa a bahay, walking distance lang naman kasi, nasa likod lang sya ng shop.
Kukunin ko na sana yung susi sa bulsa ko pero nakita kong nakabukas ang pinto, nilock ko ito kanina ah, napakamot ako ng ulo, nakalimutan ko bang isara? Or baka naman nanakawan na kami? Shit naman
Kahit kinakabahan pumasok parin kami, di ko na binanggit sa kanila na parang nilooban kami. Sana lang hindi talaga
Nagulat ako ng may tao sa loob. Napansin ko ang isang familiar na lalakeng nakaupo sa may couch na hinihigod yung balahibo ng pusa sa lap nya, isang tao lang ang kilala kong sobrang hilig sa pusa
"Hyung!" Sigaw nito nang makita nya ako, napaface palm ako ng wala sa oras, anong ginagawa ng mokong na ito dito sa Pilipinas?
"Ken Ken, sino sya?" Nagtataka naman na tanong ni Wifey sa akin, napakamot ako ng batok
"Hmm he's my dongsaeng" sagot ko naman habang nakatingin parin sa kapatid ko na feel at home.
Inilapag naman nya yung hawak nyang pusa sa couch at tumayo tapos lumapit sa amin and guess what? Ang paglapit nya sa amin ay parang palakamg patalon talon, what the?!
"Annyeonghaseyo Kennelie James chen is the name, Nan dongsaeng of Ken Hyung" natahimik naman sya Nung makita nyang nakakunot lahat ng noo ng mga kasama ko, nako di nya ata alam na nasa Pilipinas na siya
"A-ano? N-nag aalien language ka ba?" Takhang tanong ni Loraine sa kanya napakamot naman sya ng ulo at ngumiti na parang nahihiya
"Ahm I mean hello sa inyo! Ako nga pala si Kennelie James Chen, Kenjie for short, nice meeting you, younger brother ni Kuya Kentaro" medyo awkward nyang pagpapakilala kaya natawa ako, ayan matuto kang bata ka.
"Yuna here!"
"Loraine nga pala"
"JB tol"
"Jimmy"
"Hi Chrizella nga pala or pwedeng Ella nalang" nakangiting pagpapakilala nilang lahat tumango tango naman si Kenjie at binaling ang atensyon kay Wifey
"Can I call you Noona (older sister for boys)?" Napaubo ako ng wala sa oras, nakakahiya talaga tong kapatid ko
"Ah oo naman! Hahaha why not! Gwaenchana" Medyo awkward naman na sagot ni Ella, alam kong alam nyang mag Korean kasi tinuturuan ko sya and my blood din silang Korean
"Kuya dito na ako titira para may magbabantay sayo" nakangising sambit ni Kenjie kaya napahilamos ako ng mukha
"Magbabantay? Bakit badboy ang Kuya mo?" Natatawang tanong ni wifey kaya kahit wala akong kinakain parang nasamid ako, ubo ako ng ubo takte naman, ako bad boy?
"Yup, bad boy sya, kulang pa ang han river sa luha ng mga napaiyak nyan na babae" tumatawa namang sagot ni Kenjie kaya maslalo akong inubo, nilalakasan ko na para lang mapatahimik ang kapatid ko, tumatawa naman silang lahat habang si wifey ay nakataas ang kilay sa akin.
"Okay ka lang?" Natatawang tanong ni JB sa akin kaya tumango nalang ako at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig, humanda sakin yang batang yan mamaya
Kenjie's POV
Kanina pa kaming masaya na nagkwekwentuhan, nasa sala kaming lahat na pito, tama nga yung kasabihan na the more the merrier.
Napalingon ako kay Kuya na kanina pa tawa ng tawa, kung titignan mo sya parang wala syang problema.
Sabi nga nila laughters and smiles are the most deceiving things that you can see in the naked eye.
Napangiti ako ng mapait. Bakit kaya ganon ang buhay?
"Kenjie, magkasama tayo sa kwarto ko, tapos yung tatlong babae sa kwarto ni Wifey tapos kayo Jimmy at JB dun kayo sa isang kwarto, don't worry masyadong malaki ang mga rooms dito kaya magkakasya kayo" masaya nitong sambit at napatingin sa gawi ko. I feel exhausted all of the sudden.
Nakita nya naman na iba yung mood ko kaya nagsalubong yung kilay nya, binigyan nya ako ng what-is-your-problem-look
"Kuya pasensya na, pagod ako, may jet lag pa ata ako, pwede bang magpahinga muna?" Tanong ko kay Kuya tumango naman sya kaya dali dali kong kinuha yung maleta ko at yung pusa ko.
Yuna's POV
Nag ikot muna ako sa bahay na titirhan namin, not bad, halatang inaalagaan ang bahay na ito.
Masyadong malawak to think na ang nakatira lang dito ay si Scholar at Kentaro, kaya siguro gusto nilang may mag stay in kasi parang nakakatakot kung dalawa lang kayo tapos napakalawak ng bahay.
And oh my goodness infairness ang gwapo din ng kapatid ni Kentaro
Come to think of it, magkamukha sila ni Jimmy, parang long lost brother lang ang peg, kaso ayon sa pamilya ng Paloma, Jimmy is the only son, so malabong mangyari.
Habang nag iikot ako sa bahay hindi ko maiwasang mamangha talaga bang hindi mayaman si Scholar? May mga things kasi dito na nakikita ko sa bahay eh, mga mahal and antique things, tapos parang marble pa yung sahig.
"Loving the view?" Napalingon ako kay JB na nasa terrace, nakaharap sya sa akin at nakangiti
"Oo, this house is amazing!" Mangha kong sagot ngumiti naman sya sa akin at tumango tango. Lumapit ako sa kanya.
"Oh and by the way, bakit pala gusto mong mag work dito? To think na may business kayo and mayaman ka?" Tanong ko sa kanya pero umiwas sya ng tingin, napansin ko din na ngumiti sya
"Nothing, I just want to experience these simple things" tumango naman ako,
"Di mo ba napansin? The younger brother of Kentaro and Jimmy are look alike, parang may something right?" Napaupo naman sya sa couch dito sa terrace at tumango
"Jim is half Korean kaya siguro magkamukha sila" sagot naman nya kaya napaisip ako, kaya naman pala.
Kapag nanonood kasi ako ng korean drama napapansin ko na medyo magkakamukha ang mga oppa
That explains it then.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.