Chapter 15: Secret?

122 3 0
                                    

Chrizella's POV

"Aray naman Wifey" nakapout na saad ni Kentaro habang ginagamot ko ang sugat nya sa may labi, pumutok kasi dahil sa pag suntok kanina sa kanya ni Jimmy

"Wag ka ngang magulo mas lalong dudugo yan" hindi ko maiwasang mapangiti habang ginagawa ko ang dahang dahang pagpupunas sa sugat nya, ang cute nya kasi habang iniinda ang hapdi ng ginagawa ko.

"Sino nga pala yung taong unggoy na yun?" Halata mo ang pagkairita sa boses nya, close na kami ngayon ni Kentaro, ang bait nya tapos gentleman pa, magaling pang magluto tapos hmm sweet pa "Wifey, you're spacing out again" napalingon ako sa kanya na nakangiti ng nakakaloko kaya kinatusan ko sya

"Taong Unggoy?" Tanong ko kaya nagsalubong yung kilay nya, don't tell me si Jimmy Paloma yung sinasabi nyang unggoy?

"Yeah, taong unggoy yung kausap mo kanina" di sya makatingin sa akin, tapos nakapout nanaman, ang cute cute nya talaga

"Ahh, yun yung ex ni Loraine, kinausap ko lang kasi naiinis ako sa ginawa nya, nagulat nga ako nung bigla syang nagsorry kanina eh, sa tingin ko sincere sya pero baka trip nya lang kaya diko tinanggap" alintyana ko, nagpatango tango naman sya

"Deserve nya naman sigurong mapatawad right? Kahit siguro anong ginawa nya nung past, pwede naman syang bumawi sa present, malay mo he can make you happy in the future" nagtataka ko syang tinignan habang sinasabi nya yun, bakit may part sa akin na nasaktan sa sinabi nya?

Tinitigan ko sya habang sya naman ay nakatingin lang sa kawalan, nasa likod kasi kami ng bahay ngayon may mahabang upuan at mesa tapos kitang kita mo talaga ang mga bituin at buwan na maliwanag tuwing gabi.

Nakikita ko rin na para bang malungkot ang mga mata nya kaya hindi ko maiwasang magtaka

"Okay ka lang?" Tanong ko kaya napalingon sya sa akin, at bahagyang ngumiti at ginulo gulo ang buhok ko

"Matulog ka na, may klase ka pa bukas" after nyang sabihin yun ay tumayo na sya at pumasok na sa bahay, naiwan akong nakatunganga lang iniisip yung hindi nya nasagot na tanong ko

Is he keeping some secrets from me? Diba mag asawa kami? Dapat wala kaming tinatago sa isa't isa? Naalala ko nanaman yung babaeng mukhang isda kanina na kasama nya, kung makapulupot naman ng kamay kay Kentaro, tapos hindi manlang tanggalin ni Kentaro yun parang gusto nya pa yung ginawa nung babae. Nakakainis

5 days later

Loraine's POV

Kanina pa ako nagpapa ikot ikot sa higaan ko habang paulit ulit na binabasa yung message ni Jimmy sa akin

"I'm sorry, please forgive me, can we be friends? Para lang makabawi sayo"

Napangiti ako habang binabasa yun, hanggang ngayon gusto ko parin sya pero ginawa ko lang ang tama kasi alam ko namang wala syang gusto sa akin, I'm just part of a game which he played

Pero bakit hanggang ngayon sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko kapag tinitignan ko sya? Lagi nya na akong kinakausap, laging humihingi ng tawad

About naman kay Ella parang problemado sya this past few days kasi parang may problema daw yung asawa nya kuno, sabi nya pa dapat walang tinatago ang mag asawa sa isa't isa pero bakit daw parang nag iba yung asawa nya simula nung nagkita sila ni Jimmy?

Hayy nako naalala ko tuloy yung napag usapan namin nung asawa nya nung hinatid nya ako sa bahay

Flashback

"Totoo bang asawa mo si Ella?" Kahit hirap akong magsalita dahil sa kakaiyak pinilit kong magtanong sa lalakeng katabi ko ngayon sa taxi

"Hmm, paano ko ba ipapaliwanag sayo? Let's say we're arrange married? Hahaha bata palang kami natakda na kaming pag pakasal sa isa't isa" natatawa nitong sagot kaya nagtataka ko syang tinignan, so ,ibig sabihin magkakilala na sila ni Ella bata palang sila pero bakit parang wala namang nabanggit si Ella sa akin?

"You know what I regret leaving her when we were young kasi nakalimutan nya na ako, I regret dahil maikling oras ko nalang nakasama si Kuya Chris,  but then thinking about this thing sa tingin ko naitadhana na mangyari yun, mas okay na sigurong wala syang maalala dahil mas masasaktan lang sya"

Tumikhim sya kasi biglang nag crack yung boses nya, umiiyak sya? Nakwento sa akin dati ni Kuya Chris yung tungkol sa isang lalake na sobrang halaga kay Ella, ilang linggo daw na umiyak si Ella ng dahil sa lalakeng ito dahil sa pag alis nya kaya mas minabuti na ni Kuya Chris na wag na itong ipaalala sa kanya kasi masasaktan lang daw si Ella, so sya yun?

"Wag mong sasabihin kay Ella yung sinabi ko sayo ah, hahaha ikaw lang ang nakakaalam" dagdag nya habang seryosong nakatingin sa akin, tumango naman ako, siguro naman mas mabuti nang hindi alam ni Ella, para sa kapakanan nya naman ito, diba?

"Mahal mo ba si Ella? Mahal mo ba ang best friend ko?" Seryoso ko syang tinignan habang hinihintay ang sagot, alam kong nahuhulog na si Ella sa kanya, gusto ko lang makasigurado

I heard him chuckle, at napangiti sa akin

"Let's say she's my first and last love, and she's also my wife kaya oo mahal ko sya, hey it's a secret wag mong sasabihin sa kanya" nakangiti nyang sabi kaya tumango tango ako at napangiti

"You're not going to leave her again aren't you?" Nakita ko ang pag seryoso ng mukha nya at binaling sa tingin sa labas at hindi na muling nagsalita

End of flashback

~~~~~

END OF FIRST HALF

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon