Kenjie's POV
Flashback
Pagkalabas ko ay bigla kong hinigit yung braso ni Doctor Perez,
"Doc, bakit po biglang nag faint si Kuya? Matagal na syang hindi inaatake ng sakit nya pero bakit bigla-" diko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla syang nagsalita
"Kenjie, I know how much you love your brother, at alam ko ding Mahal ka nya, pero sa sobrang mahal ka nya, mas gusto nyang itago sayo ang sakit nya, alam mo na dati pa ang sakit ng Kuya mo, alam mong walang kasiguruhan ang buhay nya" napaatras ako sa narinig ko, namumuo na ang luha sa mga mata ko,
"Anong Ibig nyong sabihin? Kaya mo ba ako pinauwi ng dahil dun?" Nagtataka kong tanong, diko alam ang gagawin ko nung tumango sya, parang biglang nanghina ang mga tuhod ko
"Matigas ang ulo ng kapatid mo, kahit bawal sa kanya, gusto nyang gawin, ayaw ko na syang umuwi sa Pilipinas pero tumakas sya"
"Bakit ngayon nyo lang sinabi to? Bakit ngayon lang!" Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko, diko na kaya
"Sya mismo ang nagutos sa akin na wag ng sabihin sayo, sya ang nag utos sa akin na sabihin ko sayong magaling na sya" biglang nanghina ang tuhod ko, hanggang sa napaupo nalang ako sa sahig, sya nalang ang meron ako
"Ba-bakit s-sa dami pang tao, s-sya p-pa d-diba napakabait nyang t-tao? Ba-bakit?" Lumuhod din ang PD namin hanggang sa magkapantay na kami
"Mangako ka Kenjie, mangako kang ilayo mo sya sa bagay na ikapapahamak nya, kung gusto mo pang tumagal ang buhay ng Kuya mo, iuwi mo sya ulit sa Korea" kahit gusto kong gawin yun alam kong diko magawa
"I can't do that, I can't, may mahal sya dito-"
"Delikado na ang kuya mo! Di mo ba maintindihan!"
"Naiintindihan ko! Pero mas masasaktan sya pag ilalayo ko sya dito! Mas hindi nya kakayanin!" Sigaw ko kasabay ang pag iyak ko, diko kaya, sya nalang ang meron ako,
End of flashback
~~~~~
Present"Mahal mo ba talaga ang Kuya ko?" Tanong ko kay Noona na nasa kusina ngayon. Dapat nyang malaman ang totoo
"Ano bang Ibig mong Sabihin! Pinagdududahan mo ba ang feelings ko sa Kuya mo?!" Sigaw nya sa akin, pero diko yun pinansin at hinarap sya
"No, it's just that i can't afford to lose him. Jimmy likes you" tugon ko sabay ang pag tungo, habang pinipigilan ang luha ko
"The hell Kenjie, mahal ko si Kentaro, mahal na mahal okay?!" Halata na nasasaktan ang boses nya, lagi ko nalang pinagdududahan ang feelings nya, i felt sorry for her
"Kahit walang kasiguruhan ang buhay nya?"diko na napigilan ang luha ko, napatigil naman sya at tumingin sa akin ng deretso
"W-what do you mean? Wag kang m-magbiro ng ganyan" pumiyok sya Nung sinabi nya Yun, i can see in her eyes the different emotion, she's scared I can sense it
"He's sick, may sakit sya sa puso, and he can't stand intense emotions kaya kung sasaktan mo lang sya please wag-" diko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla nya akong pinagsusuntok sa may dibdib ko habang umiiyak, hinawakan ko nalang sya, alam kong nasasaktan sya
"No! Nagbibiro ka lang! Malakas si Kentaro, wala syang sakit- please tell me, nagbibiro ka lang nag-" i hugged her tight, alam ko kung ano ang nararamdaman nya, dahil yun din ang nararamdaman ko ngayon
"Tama ba ang narinig namin?" Nagulat ako ng may narinig akong boses mula sa likod. Napalingon ako sa kanila, tumungo ako ng makita ko si Loraine kasama si Yuna at JB
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Teen FictionIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.