CHAPTER 29: ALMOST PERFECT

126 4 0
                                    

Kenjie's POV

"Dad, look at this, ang ganda nya diba?" Tanong ko kay Daddy habang pinapakita yung picture ng girlfriend ko sa Korea,

"Pinagmamayabang mo nanaman ba yung girlfriend mo? Tss mukha namang bakla yan eh" tinignan ko ng masama si Kuya Kentaro,

"Kuya JK! Tss, ang sama mo!" Sigaw ko sabay ang pag habol sa kanya ng walis, psh,

Two months na simula nung nanirahan kami ulit sa puder ni Daddy, nakakatuwang isipin na, okay na ang lahat halos lahat perpekto na,

Si Kuya JK? Mas bumubuti na ang kalagayan nya, at isang buwan nalang ooperahan na sya,

"Kenjie, itigil mo na yang paghabol sa Kuya mo, mamaya atakihin pa yan" natatawang sabi ni Daddy, tinignan ko naman ng masama si Kuya na nag me make face na ngayon, tss, kung dati medyo normal pa ang kalokohan nya, ngayon hindi ko na talaga sya makontrol, ginagawa nya lahat ng gusto nyang gawin

Sabi nya nga YOLO daw, kaya gawin mo na lahat ng gusto mo bago mahuli ang lahat

"Malay mo mamaya madengue ka bukas tigok ka na" yan ang lagi nyang pinapaalala sa akin,

50/50 ang chance ng operation, pero sabi nya, patay man o buhay, dapat tanggapin namin

"Daddy, JK, Kenjie, nakauwi na ang gwapo nyong kapamilya" sa totoo lang diko alam kung paano ako nakakasurvive sa dalawa kong kapatid, kapag nagsama kasi sila parang may gyera sa bahay

"JimAIR! Gusto mo bang mag share it ako sayo ng talino? Sabihin mo lang, mabait akong kapatid!" Eto na magsimula na

"Letse ka JK, atleast gwapo, di tulad ng mukha mo hiniram mo lang sa kabayo!" Pfft

"Talaga? Eh ako nga tong nagustuhan ng pers love mo eh, wala ka pala, JimAIR ka na nga kamukha mo pa si Vice Ganda!"

"Daddy sabi ni JK, kamukha mo daw si Vice Ganda!"

"Uyy wala akong sinabi dad! Langya ka naman tol! Si Majimboo ang kamukha ni Dad!"

"Wahaha grabe ka Tol! Eh si Kenjie sinong kamukha?"

"Si Marlou tol, yung di pa sya nag paparetoke! Hahahhaa" ako nanaman ang nakita nila psh

"Hahahaha! Pfft Marlou! HAHAHHA" tawa lang sila ng tawa habang nakaturo sila sa akin

"Dad, what if ipacheck natin sila sa psychiatrist?"

"Yan din ang plano ko Kenjie"

Ganyan ang everyday life naming pamilya, sana ganito nalang lagi,

After One Month

JB's POV

"Ano ba Yuna! Bilisan mo malelate na tayo sa flight!" Kanina pa ako dito sa labas ng bahay nila Yuna, nakakainis naman kasi, dapat makasabay namin si Boss Ken sa flight, basta babae talaga mababagal kumilos

"All done, sorry for waiting babe!" Napangiti ako nung halikan nya ako sa pisngi, hinawakan ko nalang yung kamay nya at isinakay sya sa kotse ko, and yes kami na ni Yuna, thanks to Boss Ken

"Babe, I'm so kinakabahan, what if hindi maging successful?" Napatigil ako, sa makalawa na ang operation ni Boss Ken at nandun dapat kami for support

"Tulad ng sinabi nya Patay o buhay, kailangan nating tanggapin, pero gusto kong maging successful, para makita nya pang ikasal tayo" nakangisi kong sabi

"Oh, babe, baka kung maging successful, Mahalin ko ulit sya" aba't!

"What the -tsup-" Natigilan ako ng bigla nya akong halikan, sesh

"Kidding babe, let's go"

Loraine's POV

"Ano ka ba naman Ella, tatagan mo nga ang loob mo! Tss para ka namang ma byubyuda sa iyak mong yan eh!" Kanina ko pa pinapatahan si Ella, natatakot daw sya eh

"What if-?" Hay eto nanaman tayo

"Aish shut up! Mag ayos ka na malelate tayo sa flight" kahit gusto kong umiyak kasama nya, hindi pwede nangako ako kay boss Ken na lagi kong I cocomfort si Ella habang wala pa sya

Bzzt bzzt bzzt

"Oh baby mo tumatawag!" Napangiti ako nung tumawag sya omg kenekeleg akez!

"Hello Jimmy Baby!" And yes kami ulit ni Jimmy, thanks to Boss Ken

-Lorie Baby, san na kayo?"- halata ko sa Boses nya ang lungkot but I just shrugged it off

"Nako itong si Ella, kanina pa umiiyak! Like duh, masamang damo kaya si Boss Ken, Matagal mamatay" ang hirap pala ng ginagawa ni Boss Ken na magbiro kahit sobrang sakit na

-Sana nga Lorie baby, Sana nga- narinig ko ang pagsinghot nya sa kabilang linya

"Hey you crying too?"

-No, Medyo kinakabahan lang-

"Don't be, mabubuhay si Boss Ken"

-I hope so baby, bilisan nyo lang ah, maiwan kayo, bahala kayo dyan-

"Yeah yeah, thank you Baby, love you"

-Love you too-

Jimmy's POV

"JK, mabuhay ka ah!" Nilingon ako ni JK, tinignan nya ako tapos biglang natawa

"Aish JimAIR, wag ka ngang mag drama, baka ikaw pa mauna!" Biro nya kaya napangiti ako

"Langya ka naman tol. Kung mamamatay ka papakasalanan ko si Ella" Biro ko din, bigla nya akong binatukan, aray

"Sige tol, maghanap ka na rin ng kabaong mo, para ready na"

"Pfft tol, seryoso, wag kang mamamatay, magpapakamatay ako!" Baliw na kung baliw pero ayaw kong mawala sa akin si JK

"Tss, drama, di mo gayahin sila daddy at Kenjie tahimik lang sa isang tabi"

Napalingon naman ako sa dalawa, magkatabi kasi silang dalawa, lumapit ako ng napansin kong basa yung pisngi nila wengya!

"Tol, umiiyak sila dad!" Sigaw ko kaya napalingon si JK sa akin

"Wag ka ngang maingay Jimmy, Ayaw kong makita nya akong umiiyak!" Malungkot na Sabi ni Daddy

"Oo nga Kuya Jim, tss" saad din ni Kenjie sabay punas ng luha pfft

"Wengya mga bakla! Wahahah!"

"Papikit pikit pa kayong mag ama, tulo luha naman kayo, ano ba, ako yung di sigurado Hindi kayo!" Napalingon ako kay JK na nasa likod ko na pala

"JK!" kaming tatlo yan, kung makapagsalita naman kasi parang mamamatay na sya

"Biro lang, pero kung mamamatay man ako, isama nyo sa kabaong ko yung pusa ni Kenjie- ARAY bat ba kayo nananapok! May sakit na nga yung tao eh!" Sigaw nya habang hinahawakan yung batok nya

"Tao ka ba?!"

"Tss, bahala kayong mag aama dyan, mag iyakan kayo hanggang kailan nyo gusto, time soothes all sorrows naman!"

"JK!" Si daddy yan, walang tigil ang pagluha nya

"Oo na biro lang, tss, mamamatay na nga lang ang gwapo at matalino nyong anak, sisigawan nyo pa!" Sabi nya sabay ang pagtalikod sa amin

Tinignan ko syang bumalik sa upuan nya, ayaw kong nagbibiro sya ng ganun, dahil alam ko sa sarili kong mamimiss ko ang birong yun kung iiwan nya man kami

Tanggap nya na ang kahahantungan nya kami nalang ang hindi,

Sana makasama ko pa sya ng mas matagal....

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon