Kenjie's POV
Napabalingwas akong bumangon, that was 5 years ago.
May pamilya na si Kuya JK ngayon at syempre happy together sila ni Noona, may isa silang anak na lalake, 4 years old na, manang mana sa mga kalokohan ng ama pero namana nya din ang pagiging genius nito,
Si Kuya Jim naman, may pamilya na din, si Ate Loraine din ang nakatuluyan nya, may anak sila na 3 years old, I just wish na hindi magmana utak hangin ng ama
Si Kuya JB at si Ate Yuna, nasa ibang bansa na ngayon, kasalukuyang naghohoney moon
Habang ako, naging baby sitter ng anak ng dalawa kong magagaling na Kuya, kasama ko si Daddy na naging proud Lolo at syempre proud na Ama, Sino namang hindi magiging proud sa aming Tatlo?
Si Kuya JK ang CEO/Owner ng lahat ng properties ni Daddy, diko alam kung paano nya to nagagawa,
Habang si Kuya Jimmy naman ang naging successor ng school na pinupuntahan nya dati, na pag mamay ari ng kanyang Ina
Ako naman ay naging successful na heart surgeon, may Ospital na rin ako, pero imbes na magtrabaho ang gawin ko
"Uncle, you look like stupid, you're smiling without any reasons, tsss" ang mag alaga ng batang to ang ginagawa ko. Oh diba 4 years old palang yang batang yan, English speaking na, lumuhod naman ako hanggang sa magkapantay na kami
"Hey, KG I'm just reminiscing" sagot ko, napangiwi naman ito at sinamaan ako ng tingin,
"Don't call me KG, call me Genesis! I'm Kyle Genesis!" Tss, hayy nako, bakit ako pa talaga ang nagbabantay sa batang to,
Pwede namang si Jeffson Ken, yung anak ni Kuya Jim, tulog lang naman ang ginagawa nun
"Okay fine Kyle Genesis, your dad is going to fetch you later. Would you mind if you take a shower. You smell bad" pang aasar ko dito, sinamaan nya ako ng tingin at nag halukipkip sa harapan ko, tinignan nya ako
"Tss. You smell like a dead rat, you must be the one who'll take a shower first" napakamot ako ng ulo, manang mana talaga sa tatay nya tong batang to
Mabuti pa yung anak ni Kuya Jim tahimik lang na nanonood ng TV kasama si Daddy, natutulog ng tahimik Tss
"Daddy! Mommy!" Napalingon ako kay KG na nakatingin sa labas, mabuti naman at meron na tong dalawang to, hindi ko na matitiis ang kakulitan ni KG
"Hi baby, How's your day?" Tanong ni Noona, habang si Kuya Ken naman dumeretso sa kitchen. Kahit masyadong busy aa trabaho, gusto nya parin na sya ang magluto para sa amin
"It's boring! Tss, Uncle is so boring! He just sat in that chair the whole time Mom!" Ay tong batang to! Talagang sinumbong pa ako
"Bulilit! Come here" nakita ko ang pag pout ni KG nung tinawag sya ng daddy nya, bulilit ang nickname nya dito, oh diba pati anak nya binubully nya? Pfft
"I'm not a bulilit! Daddy, I'm handsome you know! Call me handsome Tss" Napangiwi naman si Kuya Ken, at tinignan ng mabuti ang anak nya at umiling iling
"Wife, sigurado ka bang yan ang anak natin?" Pfft,
"Nako, nagtanong ka pa, manang mana nga sayo!"
"Where's my baby?" Napalingon kaming lahat kay Kuya Jim na kapapasok lang na kasama si Ate Loraine
"Natutulog" sagot naman ni Daddy
"Na Naman! Nako napaka antukin talaga ng batang- Uyy pareng KG! Anong problema bakit nakabusangot ka dyan?"
"You look stupid Uncle Jim, don't call me Pare! I'm not a grown up!" Naka cross arm na sigaw nito, halata namang nagulat si Kuya Jim sa inasal ng pamangkin nya pero tumawa din kalaunan
"That's my boy!" Sigaw ni Kuya Ken na binuhat ang anak at inilayo kay Kuya Jim.
"Wag mong inaaway ang Uncle mo pumapatol yan sa bata" bulong nito na rinig na rinig naman namin
"I know dad shhh" sagot naman ni KG at tumingin sa gawi namin at binelatan kami,
"Aba, manang mana talaga sa ama" sabay sabay naming sabi kaya nakatinginan kaming lahat at sa sabay sabay ding tumawa
~~~~~
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.