CHAPTER 22: BETRAYAL

99 4 0
                                    

Kentaro's POV

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakahinga ako ng maluwag nang napagtanto kong nasa kwarto parin ako

"Good morning Philippines!" Sigaw ko kasabay ang pag bangon na may ngiti sa aking labi,

"Meow!" Napalingon ako sa pusa ni Kenjie,

"Bahala ka dyan wag mo kong kinakausap di tayo close!" Inirapan ko yung pusang yun

Bumaba ako para pumunta ng kusina, nakakagutom talagang matulog hahahaha

Bigla akong nagtaka nang may nakaluto na. May nakahanda naring pagkain sa mesa kaya nilapitan ko Yun, nilayasan na ba nila ako? San ako nagkulang? Huhuhu

Boss Ken, wag ka na po munang pumasok. Magpahinga ka na muna, kami na po bahala sa shop

-Chicken Feet Gang

Ps. Wag matigas ang ulo

Napangiti naman ako akala ko pati sila iiwan din ako, Umupo nalang ako sa kusina at kumain nalang, habang kumakain diko maiwasang malungkot, i hate being left out, ayaw kong mag isa,

Nilibot ko ang paningin ko sa bahay, nandun parin kaya ang bahay namin dati? ang daming alaala dun, kung pwede lang makalimutan ang lahat, ginawa ko na, matagal na.

Flashback 8 years ago

"Daddy sino po sya?" Nagtataka kong tinignan ang batang lalake na kasama ngayon ni Daddy

"It's your brother JK" bro-brother?

"But I have already a brother and he's Kenjie, so who's that?"

"Sya ba ang anak ng kabit mo dad?" Tinignan ko sya ng masama, kabit?

"A-anong k-kabit? Dad what's the m-meaning of t-this?"

"Kentaro-"

"Where's mom! Where's Kenjie! Nasaan sila!"

"Sshhh, Kentaro chill lang relax, sa akin ka na mag i-stay, mag impake ka na"

"Shiro! Anni! Ka! Karagu! (I don't like! No! Go! I said go!)"

"Jebal Kentaro, come to Appa"

"No! This is all your fault! Si Kenjie lang ang kapatid ko!" Sinigaw ko Yun habang dinuduro yung batang yun, at tumakbo palabas

Diko namalayan ang pagtulo ng luha ko, ayaw ko na silang maalala pa, sobrang sakit na, pwede bang magka amnesia? shit

"Eomma, ayaw ko pong sumama kay Dad, pwede po bang sumama nalang sa inyo? Please" pagmamakaawa ko kay mommy na dito muna natutulog sa bahay nila Ella

"JK, mas maganda kung dito ka nalang siguradong matutugunan lahat ng Papa mo ang pangangailangan mo" umiiyak si Mommy kaya diko na ring napigilan na umiyak

"Eomma, Jebal! Ayaw ko dito, ayaw kong makasama yung anak ni daddy pati yung babae nya, ipapamigay nyo ako? Eomma di nyo na ba ako mahal?" Tanong ko habang umiiyak

"No JK, we love you. I love you"

"Kung mahal nyo ako di nyo ako iiwan" Sigaw ko sabay ang pagtakbo ulit palabas, ayaw kong makasama ang lalakeng yun at ang nanay nya, ayaw ko na ring makasama si Daddy, niloko nya kami

Memories. Mga sobrang sakit na mga alaala, isang perpektong pamilyang unti unting nawasak dahil sa isang pagkakamali

"JK, mag impake ka na aalis na tayo" naalimpungatan ako ng gisingin ako ni mommy, nasa bahay na sya

"Talaga mommy? Sige po" mahina kong saad sa kanya

"Wag kang masyadong gumawa ng ingay baka marinig tayo ng dad-" nagulat nalang ako ng maramdaman kong may nakamasid sa amin

"What's the meaning of this! Kung aalis ka wag mong isama si Kentaro!" Si Daddy

"Please Ken, maawa ka sa anak mo! Ibigay mo nalang sya sa akin"

"Pumayag akong isama mo si Kennelie, Pero wag si Kentaro!"

"No! Sasama ako kay Mommy sa Korea! Ayaw kita daddy, I hate you, niloko mo kami!"

"KENTARO! YOU'LL STAY HERE! YOU'LL STAY WITH ME!" Ramdam kong napaka seryoso ang boses nya

"Please Ken! Maawa ka sa anak mo, di nya kayang makasama ang kabit mo pati ang anak nyo, for 12 years niloko mo kami, tinago mo sa akin ang kabit mo, at alam mo ba ang masakit? Kami pa ang nagmukhang sampid" napaatras ako sa sinabi ni mommy, hindi kayang tanggapin ng sistema ko, 12 years, may kabit si Daddy kahit hindi pa ako pinapanganak?

"Gusto nyong umalis?! Sige umalis kayo at wag na wag na kayong babalik! Wala kayong mamamana kahit isang kusing sa akin! Ka! Umalis kayo!"

"Kasalanan mo naman itong lahat daddy kung nakuntento ka lang sana kay Mommy sana di nasira tong family natin!" Diko na namalayan ang luha ko, ang sikip na rin ng dibdib ko, sobra na ang emosyon at mga pangyayari, diko na kinakaya

"KENTARO! HOW DARE YOU TO TALK TO ME IN THAT MANNER! I'M STILL YOUR DAD!"

"NO! WALA AKONG DADDY! WALA AKONG DA-"

"KENTARO! SON, WHAT'S HAPPENING?"

Sana di nalang sya pinanganak, sana kumpleto parin ang pamilya namin,

Umalis kami ng Pilipinas para makalimutan ang mga masasamang alaala dito, nagpapadala si daddy sa akin ng pera, pero ayaw kong gastusin yun, I can leave without him, without his money, di nya ako mapapaikot sa pera nya

Kung sa tingin nya mapapaikot at mapapatawad ko sya sa nangyari, no nagkakamali sya,

He's the reason why my mom died, dahil sa sobrang sakit ng loob,

Diko kailan man mapapatawad ang lalakeng yun, ang anak nya at ang kabit nya, they make our life miserable,

"Mom, please wag nyo kaming iwan, paano nalang kami ni Kenjie? Paano kami mabubuhay kung pati rin ikaw iiwan kami?"

"JK, patawarin mo ang daddy mo, hanapin mo sya, give him another chance"

"No mom, he don't deserve it, di nya deserve ang mapatawad, please mom lumaban ka, kahit para sa akin lang? I can't live without you"

"JK, Saranghaeyo, jebal, alisin mo na ang galit sa puso mo, di yan makakatulong sayo"

Nabuhay ako kahit wala ang tulong nya, kahit wala ang yaman nya, at kailan man, diko sya mapapatawad, kahit ang anak nya, wala akong ibang kapatid at pamilya kundi si Kenjie lang,

Wala akong balak na hanapin sila, they don't deserve anything,

Pinunasan ko ang luha ko, diko alam kung bakit ang sakit sakit parin.

Napaka sariwa parin ang sugat, He betrayed me.

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon