Jimmy's POV
Bakit ba ang tagal naman ni stealer pumasok? Anyare na talaga sa babaeng yun?
Gusto ko lang talaga syang makita. Simula yung sinampal nya ako noong isang araw hindi na siya mawala sa isip ko.
Hindi sa namimiss ko sya pero dahil na rin siguro sa ang boring ng buhay ko dahil wala akong maasar at mainis ngayong araw na to.
"Hoy, anong iniisip mo?" tanong sa akin ni JB, nakatambay nanaman kasi sya sa tabi ko, kung hindi ko lang sya kaibigan, iisipin kong bakla to, or ako yung nababakla? Bromance ganun? Haha.
"Wala lang, iniisip ko lang kung aattend ba ako sa klase mamaya or hinde" sagot ko naman, ngumisi naman sya sa akin.
"Uy si Stealer oh" Napalingon ako sa tinuturo nya.
"Saan?? Nasaan sya??" tanong ko, tapos bigla nalang akong natauhan nung bigla syang tumawa, napakamot nalang ako ng ulo.
"Ikaw ah, may HD ka kay stealer ah, may tinatago ka na pala sa akin Jim?" napakunot nalang ako ng ulo, tinitigan ko sya ng masama habang sya naman binibigyan ako ng I-know-something look.
"HD? Ano ba yang sinasabi mo ah, hindi ako magkaka desire sa babaeng yun, maraming babaeng nagkakagusto sa akin, hindi lang sya!" naiirita kong tugon pero ramdam ko parin yung init ng pisngi ko, teka nagblublush ba ako? no this can't be.
"Kaya nga hidden diba, ikaw talaga oh, may hidden desire ka kay Stealer, tinatagong pagtingin ayieee---"
"Wala nga diba, wala akong gusto sa kanya, sinong tangang magkakagusto sa babaeng yun?! Kung makapag serveng bola sa volleyball parang hindi babae?! Tapos di pa sya maganda!" naiinis kong sabi sabay ang pagsabunot sa sarili kong buhok. Tumatawa naman si JB habang pinapanood ako, tumayo sya at iniwan ako na nakatunganga at parang praning na nalilito, Do I really like stealer?? NO WAYYYY
Chrizella's POV
"Kung bakit ba kasi late akong nagising!" naiinis kong sambit sa sarili ko, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hinde pero naisipan kong pumasok nalang din. Ginawa ko muna ang morning rituals ko bago lumabas ng kwarto. Nakakahiya kasing lumabas ng parang gurang dahil may housemate ako.
"Hi wifey, breakfast is ready" napalingon ako sa kanya, talaga bang asawa ko na sya? Ni wala manlang kasal o proposal na naganap? Di manlang nangyari yung dream wedding ko? nakakalungkot naman? Wtf ERASEEEEE
"Di na ako kakain late nako" sagot ko nalang sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Sa totoo lang gwapo naman si Kentaro, pang Koreano ang dating nya. at hindi lang yun matangkad pa sya tapos ayun nagluluto na. WTH bakit ito yung iniisip ko. Hays eraseeeee, buraaaa
"Wifey kung hindi ka mag bre-breakfast magbaon ka nalang ng pagkain, ito oh" nakangiting saad ni Kentaro habang nakangiti sa akin, napalingon ako sa kanya nasa labas na kasi ako na nag aantay ng tricy lumabas suya sa bahay na wala manlang suot na tsinelas at halatang nagmadali kasi pawis sya nakonsensya tuloy ako, inabot ko nalang yung hawak nyang lunch box at ngumiti
"Salamat hah, I really appreciate it, uubusin ko to" sagot ko, ngumiti naman sya sa akin at nag wave sabay ang pagpasok ulit sa bahay.
Loraine's POV
"Ella, nag ditch ka daw ng class kahapon?" Tanong ko kay Ella ng umupo sya sa tabi ko, ngumiti naman sya at tumango,
Masaya ako at bumabalik na ang Ella na best friend ko yung tipong parang laging nakahigh at nakangiti palagi, halos isang linggo ding naglaho ang mga ngiting Yun
"Huy, Loraine may aaminin pala ako sayo" tinignan ko sya na may halong pagtataka
"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya na halos pabulong na kasi may professor na kami sa room
"May asawa na ako" nakangiti nyang saad, ngumiti din ako sa kanya.
"Ahhh Yun lan- ANONG SABI MO MAY ASAWA KA NA!!!" Napatayo at napasigaw ako ng wala sa oras, napaka unexpected. Nagbibiro lang naman si Ella diba? Tell me?! what the hell!
"THE TWO OF YOU GET OUT!!!" nakakabinging sigaw ni prof sa amin, nagsorry naman kami at lumabas, nababaliw na ba ang best friend ko?
~~~~~
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.
