CHAPTER 23: VACATION

94 3 0
                                    

JB's POV

"Guys, masyadong stressful ang trabaho, what if mag relax tayo kahit this weekend lang?" Natigil kaming kumain dahil kay Yuna, ano naman kayang nasa isip nya

"Right, dapat makapag refresh tayo, dahil summer masayang mag camping a beach" masayang sabi ni Loraine na nakataas ang kamay, kapag mag susuggest itong babaeng to, parang recitation lagi

"I agree, pati si Ken Ken na stress nga din eh" lahat kami tumingin kay Boss Ken na tahimik lang na kumakain, napalingon naman sya na para bang nagtataka.

"Boss Ken, okay ka lang? Mukhang lumilipad ang utak mo ah, san na nakarating?" Tanong ko sa kanya, ngumisi naman sya at binato ako ng tocino, eww, mantika!

"Ano bang pinag uusapan nyo? Iniisip ko lang kasi kung anong luto yung gagawin ko sa pusa ni Kenjie wahaha masarap na siguro ang siopao di ko naman maimagine ang letsong pusa, eww-"

"Kuya!" Pfft. Hahaha, nakaka good vibes talaga itong magkapatid, inirapan lang sya ni boss ken at binaling ulit ang atensyon sa amin

"Biro lang, ano bang pinaguusapan nyo?" Nakangiti parin nyang tanong, this past few days lagi syang ganyan, wala sa sarili, laging malalim ang iniisip

"We're thinking of having a vacation, all of us" tumango tango naman si Kentaro at ngumiti,

"Bahala Kayo, san nyo ba gusto?" Tanong nya kaya naman nagtinginan kaming lahat,

"Sa beach!"

Yuna's POV

"Sa beach? Mas maganda siguro pag sa mountain, mag hiking tayo" suggestion naman ni JB

Psh nakakapagod kayang mag hiking

"Masyadong nakakapagod yun, pero magandang experience, kaya go ako dyan!" Tumungo ako nung marinig kong pumayag si Kenjie hays

"No. It's so dangerous lalo na't napapalibutan yun ng puno, siguradong may wild animals dun" pumalakpak ako ng mahina, go Ella

"Sa resthouse nalang ng kaibigan ni mommy, may beach na dun, may mountain pa 2 in 1" napalingon kaming lahat kay Jimmy, first time nyang magsalita, kanina pa kaya sya tahimik

"No"

"I agree"

Napalingon kami sa magkapatid na sabay na nagsalita, hindi pumayag si Kenjie pero pumayag si Boss Ken, nakatinginan din silang dalawa,

"Tss, Kuya naman, nakakahiya naman kay Jimmy diba-"

"It's okay, mas masaya nga kung nandun tayo eh, I can make a reservation if you want para tayo tayo lang ang nandun" pagputol naman ni Jimmy kay Kenjie, ako lang ba? Or totoong parang may galit si Kenjie kay Jimmy?

"Give me a valid reason Kenjie, bakit ayaw mo dun?" Kentaro asked while looking directly at Kenjie,

"W-wala K-kuya" sagot naman nito kaya biglang nagsalubong ang kilay ni Boss Ken na para bang nagtataka sa kapatid

"Alright then, everything is settled, we're going there this weekend" nag hiyawan kaming lahat, nakangiti naman si Jimmy na nakatingin kay Kentaro, feel ko talaga may something, I need to find it out

Loraine's POV

"Can we talk?" Alam kong may mali, kaya di ko rin maiwasang magtaka, what's going on with Kenjie and Jimmy? Kaibigan ko silang dalawa kaya dapat kung may away man sila dapat matapos na

"Bakit Loraine? May itatanong ka ba?" Nagtatakang sabi ni Kenjie na busy sa pamimili, dalawa kasi kami ngayon na nautusan mag grocery

"Anong meron sa inyo ni Jimmy? Napapansin ko kasi na cold ka sa kanya at saka di ko rin maiwasang mag alala sa inyong dalawa" nakatungo kong sagot napahinto naman si Jimmy sa ginagawa nya kaya lumingon ako sa kanya

"Alam kong may gusto ka kay Jimmy, I can see it, the way you look at him, and I also know alam mo na may gusto sya kay Noona na gusto naman ni Kuya, tama ba ako?" Napalunok ako, paano nya nalaman?

"Kenjie-"

"Mabuting tao si Kuya, and he doesn't deserve to be hurt again, ayaw kong maging malapit sya kay Jimmy cause I know he'll just end up suffering" nagbuntong hininga sya at tinitigan ako sa mata

"Si Kuya JK, I can't afford to lose him" ang OA naman ng batang to, he's only 17

"Anong Ibig mong sabihin? Iiwan nya tayo? Tatakasan nya ang problema nya? Tatakasan nya ang sobrang nanakit sa kanya? Wag kang mag alala Kenjie, gusto sya ni Ella, no, mahal sya ni Ella kaya di nya magagawang saktan si Kentaro" hawak hawak ko Ang kamay nya habang sinasabi yun. Ngumiti naman sya sa akin, a bitter smile to be exact

"Who knows? Di natin kailan man matataksan ang mga mang yayari, after this vacation, sana walang magbabago. Sana walang masasaktan. I really can't afford to lose him" sa totoo lang diko maintindihan ang sinasabi ni Kenjie, alam kong mahal ni Ella si Boss Ken,

Alam na rin ni Ella na bumalik si Kentaro at napatawad nya ito.

Pero bakit parang nag dadalawang isip si Kenjie sa nararamdaman ni Ella para sa kapatid nya?

At bakit parang sigurado syang may mangyayari?

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon