Chrizella's POV
I ran towards the door and waited until the doctor comes out.
Hindi nagtagal ay lumabas na yung doctor ni oppa kaya nilapitan ko siya. "Doc, kamusta na po siya?" agad kong tanong.
Tinignan lang ako ng doctor at nababasa ko sa mga mata niya na may mali kaya mas lalo akong kinabahan.
"Doc, tell me." hysterical at naiiyak kong sabi sakanya.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako ng todo at naninikip na rin yung dibdib ko sa halo halong nararamdaman ko ngayon.
"I am sorry ginawa namin ang lahat pero malala na ang pasyente. He has cancer and he stop responding to treatments years ago-" Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sa narinig ko. Cancer? Bakit tinago sa'kin nun ni kuya? Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong kaalam alam?
"Wha-what? Pero doc s-si Ku-kuya ma-malakas p-pa yun kagabi. Pinagluto nya pa kami, sabay pa kaming naghugas ng pinggan-" umiiyak kong sabi. Halos hindi ako makapaniwala diba kagabi lang? Kagabi lang nung magkasama pa kaming nagtatawanan?
"I am sorry" ulit nang doctor at tinapik yung likod ko. Tumango nalang ako. Kinurot ko ang sarili ko siguro panaginip lang itong lahat, gigising ako tapos wala sa mga ito ang totoo. Pero nanlumo ako ng maramdaman ang sakit sa kinurot kong parte.
Si kuya nalang ang meron ako bakit ba pinaparusahan ako ng ganito? May mali ba sa mga nagawa ko? Bakit hindi niya sinabi?! Di sana magkasama parin kami ngayon na masaya at hindi ganito na nagluluksa ako!
"He's gone" nakarinig nalang ako ng boses ng lalake sa likod ko. Nilingon ko siya pero parang di ko siya makilala dahil sa labo ng mata ko sa luhang dumadaloy parin sa mata ko.
"Don't worry, I'll always be here for you" nakaramdam nalang ako ng mainit at comfort sa yakap niya sa'kin.
"Who are you?" umiiyak ko parin na tanong pero bigla nalang siyang umalis ang tanging nakita ko lang ay yung kamay niya na dumudugo.
Kentaro's POV
"He's gone" sinabi ko sa kanya habang pinipigilan ang mga luha ko. Napatingin naman siya sa gawi ko na nagtataka. I can see in her eyes the pain, so much pain. She looks so lost and scared.
"Don't worry, I'll always be here for you" nakangiti kong tugon at kasabay nun ang pagyakap ko sa kanya
"Who are you?" umiiyak niya parin na tanong, bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at umalis na.
"Don't worry right time will come" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko at ramdam ko rin yung hapdi ng mga kamay ko na hanggang ngayon ay di ko parin nilalapatan ng lunas. Masyado akong namanhid.
bzzzt bzzzt bzzzt
Nagulantang nalang ako sa pag tunog ng phone ko. Ngayon pa siya tumawag wrong timing
--Hyung kumusta na? Mianhe kung di ko nasasagot yung mga tawag mo kanina masyadong busy dito sa Korea. Hyung Chris? Gwaenchanaeyo?--
Tuloy tuloy nyang tugon sa kabilang linya
--Ya Hyung gwaenchana? gusto mo ba umuwi din ako dyan?--
Pinunasan ko nalang yung luha ko at pinatay nalang yung tawag. Maiintindihan nya naman siguro kung bakit ko siya binabaan.
Jimmy's POV
Naiwan lang ako na nakatunganga ng iwan ako ni Stealer. Tinitigan ko nalang yung binitawan niya kanina para makawala sya sa hawak ko kanina nacurious na'ko kaya binuksan ko yun
"Seshhh! Another Korean thing!" Nagulat nalang ako dahil sa nakatingin na pala yung mga tao sa'kin. Napalakas ata. Sorry
Itatapon ko na sana yung pagkain na yun na iniwan nung babaeng yun ng makita ko si Loraine. Teka diba napauwi ko na toh?
"Loraine bakit ka pa nandito?" tanong ko pero di nya ako pinansin at nilagpasan lang. Anong meron dun?
Sinundan ko nalang siya sa pinuntahan niya. Pumasok siya sa isang kwarto sa ospital
"Chrizella, I am sorry about what happen. Condolence." paiyak niyang sabi sabay yakap kay....kay te-teka Chrizella?
"O-okay lang s-siguro ma-masaya na s-siya sa ta-taas kasama sila mama at papa at ha-habang ako hindi na alam ang gagawin" umiiyak nyang sabi nakaramdam nalang ako ng konsensya.
Pumasok nalang ako sa loob na parang wala sa sarili ko tinignan ko yung lalakeng nakahiga and was shocked
" Chris?" gulat kong sabi te-teka kaano ano nya si Stealer? At pa-patay na siya?
"Kilala mo siya? Older brother siya ni Chrizella" I look at Loraine. Binaling ko rin yung tingin ko kay Stealer na para bang papatayin ako sa tingin niya.
Gusto ko sana siyang asarin kaso hindi ito yung right time para sa kalokohan ko.
Lalabas na sana ako nang maramdaman ko na nasa kamay ko parin yung ramen. Naguguilty ako everytime na may ganito dahil narin siguro sa past ko.
Tinitigan ko si Stealer at inabot sa kanya yung ramen na halatang pinaghirapan niya dahil sa paso sa kamay niya pero hindi niya inalintana yung sakit sa kamay niya ngayon.
"I don't need that, itapon mo na yan. Wala naman na yang kwenta dahil di nya na makakain yan at kung pwede lang umalis ka na" di ko naman masisisi si Stealer dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan.
I just nod and looked away. Gusto ko siyang icomfort pero alam kong wala rin naman akong magagawa dahil sa ayaw niya sakin.
Lumabas nalang ako without turning back. Nakita ko na naman yung familliar na lalakeng nakita ko kanina bago ako kinausap ni Chris lalapitan ko sana siya ng mapansin kong dumudugo yung kamay niya, tinitigan ko siya at halatang tinatatagan niya yung sarili niya.
Pinipigilan niya ring umiyak kaso hindi niya nakayanan. Kaagad niya rin naman itong pinunasan at kinamao yung kamay niya.
Maybe not now.
Loraine's POV
Di parin tumitigil sa pag-iyak tong si Ella. Ginawa ko na ang lahat para macomfort siya kaso walang epekto.
Kanina ko lang din nakita si Jimmy na ganun kabalisa parang may bumabagabag sa kanya.
"You can stay at my house!" magiliw kong sabi sakanya. Napalingon siya at ngumiti naman ako.
Paano naman kasi lahat ng alaala niya eh nasa bahay nila. Dun na siya nakatira since birth. Kaya sigurado akong malulunod siya sa sarili niyang luha pagnagkataon. Tsaka mamaya hindi pa niya maalagaan yung sarili niya.
Baka magugulat nalang ako sa pagpasok niya malipad na siya ng hangin dahil sa mas pumayat siya. Tsk tsk.
"No, okay lang naman ako. Masasanay naman ako" pilit syang ngumingiti at tinitigan ako kasabay ang pagpunas ng luha niya.
"Hmmm" tumango nalang ako sa kanya. "Sana nga masasanay ka I can see how you love him" tinitigan niya ako at bigla siyang umiyak na para bang bata.
I just hug her so tight " Sana maging okay ka na" Pangiti kong bulong sa kanya.
"Si-sinabi ni-ya na hin-hindi niya a-ako iiwan pe-pero an-ong nan-nangyari?" napipiyok niyang saad sabay singhot.
"Promise niya pa yun." dagdag niya. Puno ng pighati yung kanyang boses kaya naaawa ako sakanya.
I can't do anything but I will try my best to be by her side.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)
Novela JuvenilIn life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that anybody can tell but only some can mean it.
