Chapter 07: His Comfort

184 6 0
                                    

Jimmy's POV

It's been a week since that incident. Sabi ni Loraine ngayon daw makakapasok si Stealer. And now icocomfort ko siya para naman mapaganda yung image ko sa kanya. Napatingin nalang ako sa babaeng kadarating, kung siniswerte ka nga naman.

"Stealer!" pasigaw kong tawag sa kanya, nagulat siya nung makita niya ako kaya binilisan niya ang paglakad palabas ng room.

Hinablot ko yung braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

Nagpumiglas din siya sa hawak ko pero hindi ko hinayaan na makawala uli siya. Tinitigan niya nalang ako ng masama. Ngumiti nalang ako sa kanya ng nakakaloko

"What?!" pasigaw nyang tanong sa akin. Ngumiti nalang ako at ipinakita yung sobre na hawak ng kabila kong kamay.

Maya't maya ibinigay ko na yung sobre na ipinagtaka niya. Kunot noo niya itong kinuha sa akin.

"Ano tohl?"nagtataka nyang tanong, tinaasan ko siya na kilay.

"Dami mo namang tanong. Just shut up and open it" tinitignan ko lang siya habang binubuksan yung sobre.

Nagulat siya sa nakita niya kaya ngumiti naman ako. Siguro nagustuhan niya. I think that money is 20k.

Inangat niya yung tingin niya sa'kin na nakangiti. I guess it worked.

Chrizella's POV

Matamlay akong naglalakad papuntang room dahil iniisip ko parin yung nangyari kay kuya at hindi parin talaga ito matanggap ng systema ko.

Napabuntong hininga ako ng makita ko na yung room. Makikita ko nanaman yung kinakainisan ko.

"Aish. Bahala na nga. I'll just think that he doesn't exist at all." bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa loob ng classroom.

"Stealer!"

Napapikit ako sa tumawag sa akin. Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Binilisan ko yung paglalakad ko para iiwan yung bag ko na mabigat bago ako aalis dito sa classroom. Maiinis lang ako lalo kapag nag stay pa ako rito

"Wait" pigil niya sakin sabay hawak sa kamay ko at iniharap sa kanya.

"What?!" inis kong baling sakanya. Nakakabadtrip talaga itong lalakeng ito. Nakakadagdag sa stress ko. Tss.

Tignan mo ito. Nakangiti pa na parang wala lang sa kanya ang pagsusungit ko. Napakunot ako ng noo dahil sa sobre na iniabot niya sakin.

"Ano 'to?" taka kong itinanong sakanya na pataray. Para saan naman ito.

Napa'tsk' naman siya. "Dami mo namang tanong. Just shut up and open it."

Ginawa ko nalang ang sinabi niya habang nakatingin sakanya. Nang alam ko ng nabuksan na ay tinignan ko ang laman. Napalaki ng wala sa oras yung mata ko sa aking nakita.

Pera. Pera yung laman na sa pagkakaalam ko, pwede itong pambayad sa isang sem dito sa University kung di ako full scholar.

"Hindi ko ito matatanggap." sabi ko sabay abot ulit nito sakanya.

Tinignan niya lang ako ng malalim at parang pinapasabi na kailangan kong kunin.

"Bakit kulang pa ba?" tanong niya na ikinagulat ko at nagpamulsa siya.

"Tanggapin mo na. Comfort yan."

Boluntaryong nag-init ang ulo at kumulo ang dugo ko sa salitang binitiwan niya. Ano ang tingin niya sakin? Pera ang kaligayahan ko?!

Nasampal ko siya ng wala sa oras ng dahil dun. Hindi ko na talaga nakontrol ang sarili ko sa sobrang inis sa mga pinagsasabi niya.

"Comfort? Damn I don't even need money! Siguro ganyan talaga ang comfort para sa'yo no?! Ang pag-abot ng pera! Alam mo? Tanga lang ang tatanggap dyan. And I'm not that kind of person. Money? Does that money will bring him back?! Sabihin mo! Utak mayaman ka kasi. Alam kong maraming nagagawa ang pera but to tell you there are also things money can't bought: life and feelings."

Kaagad akong umalis sa harap niya habang siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ko dahil sa nanatili lang siya doon na nakatayo.

Habang sinasabi ko yun kanina, hindi ko maiwasan ang sarili ko na huwag umiyak dahil doon pero masyadong makulit na parang kiti kiti ang luha ko kaya nakawala.

Masakit nanaman ang loob ko dahil do'n sa nangyari. Ang tanga at manhid niya. Hindi niya alam ang nararamdaman ng isang pamumuhay ng isang taong katulad ko: simpleng buhay lang ang meron pero may ipagmamalaki kaso unti unti naman na itong nawawala.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingala sa langit. "Kuya naman. Bakit mo naman kasi ako iniwan eh." pagmamaktol ko sabay bahid ng luha na tumulo sa pisngi ko.

The Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon